My Favorite Sin - 01

93.2K 777 52
                                    

WADE


Kumikirot ang sentido ko nang magising ako sa isang hindi pamilyar na silid. Mas lalo pang sumigid ang kirot na nararamdaman ko nang subukan kong tumayo ng kama. Epekto 'to ng halo-halong alak na ininom ko kagabi.


Nang ilibot ko ang mga mata ko sa silid kung saan ako naroon ngayon, mas lalo kong nakumpirmang wala ako sa condo unit ko. At nang sulyapan ko ang kamang kinauupuan ko ay nakita ko ang lalaking nakilala ko sa bar kagabi habang nagpapakalunod ako sa alak.


Kagaya ko ay wala ring suot na kahit anong damit ang lalaking nasa tabi ko. Nalalatagan ng pinong balahibo ang dibdib niya na mas kumakapal naman habang pababa nang pababa sa pinakamaselang bahagi ng katawan niya na nakabuyangyang sa harap ko.


Even at sleep, the guy is still good looking. He's probably an Iranian base na rin sa feature ng mukha at skin tone niya. Malakas ang appeal. And he's great in bed too. I could vividly remember how we ended up in this bed.


Kinuha ko ang cell phone ko na nakapatong sa bedside table at nagtaka ako nang makita kong may sixteen missed calls ako mula sa kaibigan kong si Garen. Pero wala namang text message kaya naisip kong hindi marahil importante ang sadya niya. Mamaya ko na lang siya tatawagan.


Isa-isang pinagdadampot ko ang mga damit ko na nagkalat sa buong kwarto. Nakasabit sa lampshade ang briefs ko habang nasa malapit sa may pinto naman ang sweatshirt at pants na suot ko kagabi. Nagsusuot ako ng briefs nang unti-unting mag-inat ang lalaking nakahiga sa kama na mayamaya lang ay tuluyan na ring nagising.


"Good morning," bati niya sa 'kin with his weird accent. Mukhang Iranian nga.


"Morning," bati ko rin sa kanya habang isinusuot ko naman ang pantalon ko.


"You're leaving right away?"


"Yeah," tipid na sagot ko.


"I thought we're going to have breakfast together?" aniyang tumayo na ng kama at lumapit sa 'kin. Hinawakan niya 'ko sa isang kamay at hinila palapit sa kanya. He's about to kiss me on the lips pero mabilis na nag-iwas ako ng mukha kaya sa pisngi ko nag landing ang mga labi niya.


No matter how hot a guy is, kissing him right after he wakes up in the morning is a NO-NO for me. Wala naman kasing pinipili ang morning breath.


"There's an emergency at home so I really need to go for now. Guess we could that breakfast next time?"


Halata ang pagkadismaya sa mukha ng Iranian dahil sa sinabi ko. Pero mayamaya lang ay ngumiti na rin ito at tinulungan pa akong isuot ang sweatshirt na hawak ko.


"I guess it's goodbye then," aniya habang isinusuot ko ang mga sapatos ko. The way he uttered the word goodbye seems like he knew that I don't have any intention of seeing him again in the near future. Which is very true since I'm only good for one night stand.


Muli akong nagpaalam sa lalaki na hindi ko man lang natandaan ang pangalan at pagkatapos ay lumabas na 'ko sa silid na 'yon. Luckily ay may namataan akong coffee shop paglabas na paglabas ko ng lobby kaya doon na 'ko dumiretso. I need a strong coffee to shake off my head.


Habang hinihintay ko ang kape ko ay bigla namang nag ring ang phone ko. Si Garen ulit ang tumatawag. Mabilis na sinagot ko ang tawag.


"Zup?" bungad ko.


"Thanks God, sumagot ka rin sa wakas. San ka?"


"Somewhere..."


Narinig kong pumalatak mula sa kabilang linya si Garen. "Anyways, I have news for you."


"What news?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ko naman ang coffee ko. "Thanks," I mouthed to the bartender as she handed me my coffee.


"I'm so sad right now, bes. Vini is getting married. The announcement came just this morning. It's all over the Internet," anang best friend ko na kagaya ko ay gay rin. The only difference is that he's a cross dresser while I'm not.


  "I'll see you later. Maglo-low batt na ako. Bye..." at pinutol ko na ang tawag.


Kung bakas ang lungkot sa tinig ni Garen, mas doble naman ang lungkot na nararamdaman ko sa ngayon. Vini is getting married. And Garen is upset dahil crush na crush niya ang sikat na male fashion model/blogger na si Vini. 


Samantalang ako, heartbroken dahil kakasal na ang taong minsan ay naging malaking parte ng buhay ko. Bago pa man sumikat at magkaroon ng pangalan sa fashion industry sa abroad si Vini, he was just an ordinary province guy. At Vince pa ang pangalan niya noon.


Naalala pa kaya niya ako? Tanda pa kaya niyang may Wade Montefalcon na nag-e-exist sa Pilipinas?


Samantalang ako, tandang-tanda ko pa ang pinagsamahan namin noon na para bang hindi dalawang ang taon ang mabilis na lumipas. At habang nakaupo ako sa isang sulok ng coffee shop, hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa nakaraan.....








My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon