WADE
Pasado alas singko pa lang ng hapon pero sobrang dilim na ng langit sa labas. Mas malakas na kesa kanina ang buhos ng ulan na sinusundan ng malalakas na kulog at kidlat. Habang nagkakape ako sa sala ay hindi ko maiwasang isipin si Vince at ang lola niya. Mukhang malabong tumila ang ulan at kung sa jeep na 'yon lang sila sisilong, siguradong mababasa sila bago pa man lumalim ang gabi. Maaari ring magkasakit si lola dahil sa lamig.
Hindi ko na inubos ang kape ko at kinuha ko lang ang susi ng bahay at tuloy-tuloy na 'kong lumabas ng bahay. At dahil wala akong payong, wala akong ibang choice kundi ang suungin ang malakas na ulan. Lakad takbo ang ginawa ko hanggang sa marating ko ang tinutuluyan nina Vince.
Basang-basa na 'ko nang marating ko ang kinaroroonan ng jeep kung saan kasalukuyang nagpapaulan ang binata habang inaayos sa pagkakakabit ang plastic na panakip ng bintana.
"Vince!" malakas na sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang lumingon sa direksiyon ko.
"Wade! Ano'ng ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Tinulungan ko siyang itali ang mga dapat itali.
"Hindi kasi ako mapakali sa bahay at ang lakas-lakas ng ulan," malakas pa rin ang boses na sagot ko. Kailangan kong lakasan ang boses ko para magkarinigan kami. "Sa bahay na kayo matulog ng lola mo. Makakampante lang ako kung sa bahay kayo matutulog. Ang lakas ng ulan, oh."
Nakita kong nagliwanag ang mukha ni Vince sa sinabi ko. "Sigurado ka?"
"Oo," tumatangong sagot ko. "Maghanda ka ng kahit ilang damit niyo ni lola. Papara lang ako ng tricycle," sabi ko pa sa kanya.
Mabilis namang pumasok si Vince sa loob ng jeep para gawin ang pinapagawa ko habang nag-aabang naman ako ng tricycle. Kung maglalakad lang kasi si lola ay malaki ang chance na mabasa siya. Fortunately ay may bakanteng tricycle na dumaan.
Mabuti na rin lang at may lumang payong si lola kaya kahit paano ay hindi siya nabasa nang pasakayin namin siya. Ilang saglit pa ay nasa bahay na kami. Malakas pa rin ang ulan pero ngayon ay kampante na ako dahil alam kong mas ligtas ang mag lola.
"Okay lang ba kung doon ka na lang sa kwarto ko matutulog?" tanong ko kay Vince habang papasok kami ng sala. "Medyo maliit lang kasi 'yong kama sa guestroom."
"Naku Wade, hijo, huwag mo kaming isipin ng apo ko. Sanay kami sa maliit na higaan. Sobrang kaabalahan na nga itong pakikitulog namin dito sa bahay mo."
Nginitian ko naman si lola. "'La, hindi po kayo abala sa akin. Sa totoo lang po, masaya nga ako dahil hindi ako matutulog na mag-isa ngayon. Huwag niyo pong isiping nakakaabala kayo, okay?"
BINABASA MO ANG
My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]
RomanceRated SPG. For 18+ readers. This is an M2M story. Intended ang story na 'to for my gay readers. And this is my attempt to escape from the usual stories that I usually write. Again, "M2M," "boyxboy" or "gay sex story" po ang kwentong ito. So sa mga s...