WADE
Hindi ko mapigilang manlumo nang makita ko ang malaking bahay kung saan ako ibinaba ng tricycle na nasakyan ko. Bitbit ang maleta at backpack ko ay lumapit ako sa kalawanging gate. Dahan-dahan ko iyong itinulak at tumambad sa akin ang matataas na patas na damo na mas mataas pa sa picket fence. Halatang ilang taon nang hindi nalilinis ang bakuran pati na ang bahay na kung hindi lang gawa sa bato, marahil ay matagal nang bumigay.
Kung bakit naman kasi kailangang ako pa ang mag-asikaso ng bahay na 'to, lihim na himutok ko habang hinihila ang maleta ko papunta sa harap ng bahay. Bahay iyon ng mga namayapang lolo't lola ko sa mother side kung saan lumaki si mommy. At dahil nag-iisang anak lang ako, automatic na sa akin mapupunta ang bahay na 'to dahil wala namang ibang pagmamanahan si mommy.
At dahil matagal nang walang nagmamantini sa bahay na 'to, she decided to send me here in Baybay, Leyte right after I graduated college. Yes, noong isang linggo lang ako grumaduate ng college and now I am here. Instead of applying for a job related to my course—Mass Comm—I was tasked to beautify this house dahil sa December raw ay dito gaganapin sa amin ang grand reunion ng mga Montefalcon.
So yeah, guess I'll be stuck here for the next few weeks. Or maybe months. Depende sa dami ng mga dapat ayusin at ipa-repair sa bahay na 'to.
Gamit ang susing binigay ni mommy ay mabilis na nakapasok ako ng sala. Makaluma ang istilo ng bahay nina lola pero puno naman ng mga modernong gamit ang bawat sulok ng bahay. Tinanggal ko ang telang natakip sa sofa at pabagsak na naupo roon at saka kinuha ang cell phone sa bag ko at tinawagan si tita Welvie na pinsan ng mommy ko.
"Yes, tita. Nandito na po ako. Halos kakarating ko lang din po," sabi ko nang sagutin ni tita ang tawag ko.
"Sige papupuntahin ko na diyan ang kuya Elmer mo para sunduin ka."
"Salamat tita. Bye."
Sa kanila kasi muna ako makikitulog habang hindi pa naibabalik ang linya ng tubig at kuryente. Hindi raw nabayaran ang kuryente ng ilang buwan kaya pinaputol na lang muna. Sa Monday ang pa pwedeng bayaran ang reconnection fee kaya no choice ako kundi makitulog muna kanila tita.
Ilang minuto pa lang na nakasayad ang likod ko sa malambot na sofa nang may marinig akong tila splash ng tubig. At bigla kong naalala na ang bahay na 'to pala nina lolo't lola ay malapit sa lake. Dati raw ay sikat ang bahay na 'to nina mommy at tinawag pa ngang "Lake House."
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina kung saan naroon ang pinto na siyang labasan papunta sa lawa. Mula naman sa kusina ay may pathway na gawa sa bricks na ang tinutumbok ay ang mismong lawa na. Sa kaliwang bahagi ay may nakatayong maliit na kubo na halos sira-sira na rin gawa marahil ng mga nagdaang bagyo. Sa gawing kanan naman ng lawa ay may puno ng manga na nagkataong hitik sa bunga.
Malapit na ako sa sirang kubo nang may muli akong marinig. This time ay klaro na sa 'king boses ng isang lalaki ang naririnig ko.
"Woooh! Ang lamig!"
At ganoon na lang ang pagtataka ko nang makita kong may isa ngang lalaki na naliligo sa lawa. Alam kong wala siyang suot na kahit na anong damit habang nakalublob sa tubig dahil nasa paanan ko ang mga damit niya. May nakatumpok ring mangga malapit sa mga damit ng estrangherong lalaki.
BINABASA MO ANG
My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]
RomanceRated SPG. For 18+ readers. This is an M2M story. Intended ang story na 'to for my gay readers. And this is my attempt to escape from the usual stories that I usually write. Again, "M2M," "boyxboy" or "gay sex story" po ang kwentong ito. So sa mga s...