Author's Note: Please don't continue reading kung hindi bukas ang kaisipan niyo sa mga bagay-bagay. This particular chapter contains scenes that are not suitable for young readers.
*****
WADE
"Babalik din naman agad ako. Halos isang buwan lang akong mawawala," sabi ko kay Vince isang araw na niyaya ko siyang lumabas. Kasalukuyan kaming kumakain sa Café de Ciudad.
Kanina pa nakasimangot si Vince nang sabihin ko sa kanyang luluwas ako ng Manila bukas para um-attend sa birthday ng kaibigan kong si Audre— na college bestfriend ko. Sinadya kong late nang sabihin sa kanya ang bagay na 'yon dahil hindi ko rin alam kung paano iyon sasabihin sa kanya.
The past few weeks, halos lagi kaming magkasama sa bahay. Gumagawa siya ng paraan para magkasama kami kahit na alam kong mainit ang mata sa kanya ng tatay-tatayan niya. Kung bibigyan ko ng kahulugan ang mga kinikilos ni Vince, masasabi kong mas malalim na ang ugnayan namin ngayon. Mas open na kami sa isa't isa. Halos kilala ko na nga siya, eh. At alam kong lahat ng mga pagsusumikap niya ay ginagawa niya para sa lola niya. He love his lola so much. And I admire him for that.
"Hey? Galit ka ba?"
Umiling siya. "Hindi, nagtatampo lang. May balak ka palang umalis bukas tapos ngayon mo lang sasabihin."
"Sorry na, okay? Tuwing magkasama tayo, nawawala kasi sa isip ko ang tungkol sa bagay na 'to. Kung hindi rin tumawag 'yong friend ko kahapon, hindi ko rin maaalala," pagpapaliwanag ko pa. Ano ba 'to, LQ?
"Okay," mahinang tugon ni Vince. Pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya.
Hindi ko na napigilang haplusin ang isang kamay niya. Wala naman gaanong tao sa kinaroroonan namin at medyo ang sulok ang mesang inookopa namin.
"Kung gusto mo, sumama ka na lang kaya sa 'kin?" Tama! Pwede ko naman siyang isama sa Maynila. Kung papayag siya, ibo-book ko siya ng ticket agad-agad.
"Alam mo namang hindi pwede ang iniisip mo. Marami akong gawain sa bahay. Saka hindi pwedeng maiwan si lola mag-isa dahil wala siyang kasama pag gabi," tugon ni Vince na naunawaan ko.
"Kung hindi na lang kaya ako tumuloy?" suhestiyon ko.
Pinisil ni Vince ang kamay ko na nakahawak pa rin sa kamay niya. "Ano ka ba? Yan naman ang hindi ko mapapayagan. Mahalagang okasyon 'yon ng bestfriend mo kaya dapat nandoon ka. Malulungkot lang ako pagka-alis mo, pero one month lang naman 'di ba? Babalik ka rin naman agad."
BINABASA MO ANG
My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]
RomanceRated SPG. For 18+ readers. This is an M2M story. Intended ang story na 'to for my gay readers. And this is my attempt to escape from the usual stories that I usually write. Again, "M2M," "boyxboy" or "gay sex story" po ang kwentong ito. So sa mga s...