My Favorite Sin - 07

32.5K 763 58
                                    


WADE



Totoo nga pala ang kasabihang kapag nag e-enjoy ka sa buhay mo, hindi mo mamamalayan ang mabilis na paglipas ng mga araw. Sa kaso ko, masyado kong nae-enjoy ang company ni Vince lalo na't araw-araw siyang pumupunta ng bahay para sa linisin ang bakuran ng bahay. Kahapon ay natapos na niyang bunutin lahat ng mga damo at ngayon araw naman ay magtatanim kami ng mga bulaklak sa likod bahay.



Sa bahay na laging nagtatanghalian si Vince dahil noong unang araw pa lang ay sinabihan ko na siyang before lunch na lang siya pumunta para makapag saing muna siya sa kanila at maibili niya ng ulam ang lola niya.



Kaya usually ay ala-una na ng hapon kami nag i-start sa pag-aayos ng garden. Yes, kami ngang dalawa. Nakikitulong kasi ako kay Vince kahit sa pamamagitan lang ng pagwawalis ng mga natuyong dahon kahit na alam kong hindi naman na kailangan dahil parte 'yon ng serbisyong binabayaran ko sa kanya.


Mas maigi na rin 'yon dahil mas napapalapit ako kay Vince at lagi ko pa siyang nakikita. At kung sinu-swerte pa, may mga pagkakataong sumasayad ang balat ko sa balat niya tuwing may iaabot akong bagay sa kanya. Tulad na lang ngayon...



Kasalukyan kong binubungkal ang lupang siyang tataniman namin ng mga bulaklak sa pamamagitan ng rake na hawak ko nang biglang lumapit sa 'kin si Vince at pumwesto sa likod ko. Bahagyang nanigas ang likod ko nang maramdaman kong hinawakan niya mga kamay ko na nakahawak sa rake.



"Ganito ang paggamit dito," aniyang demonstrate ang paggamit ng rake na nagpatayo naman sa mga balahibo ko sa batok. Ramdam ko kasi ang pagtama ng mainit niyang hininga sa may batok ko. "Ganyan nga. Dapat mas bigyan mo pa ng pwersa," dugtong pa niya. Nang akmang bibitawan na ang mga kamay ko ay nagkunwari akong hindi ko ulit makuha ang tinuro niya para lang mag-extend pa ang paghawak niya sa mga kamay ko. Para-paraan...



Ilang saglit pa ay magkatulong na naming itinatanim ang mga bulaklak na nakuha ni Vince mula sa kung saan. Siya ang gagawa ng maliit na hukay habang ako naman ang maglalagay ng tanim at pagkatapos ay sabay naming tatakpan ng lupa.



At dahil halos sabay naming inaayos ang pagkakalagay ng lupa ay aksidenteng nahawakan ni Vince ang kamay ko. Mabilis na napatingala ako't nakita kong nakatingin siya sa mukha ko. Pawisan na siya pero hindi pa rin napingasan kahit kaunti ang kagwapuhan niya. At bago pa man magbago isip ko ay itinaas ko ang isang kamay ko at pinahid ang pawis sa noo niya sa pamamagitan ng likod kamay ko.



And for some reason, napangiti ako dahil hindi ko naramdamang tumutol siya sa ginagawa ko. Tinapos na namin ang ginagawa namin at pagkatapos ay sabay kaming naghugas ng kamay. Kumuha ako ng tuwalya na nakasampay sa laundry area at binalikan si Vince sa kusina.



"Talikod ka," sabi ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumalikod kaya sinimulan kong pahiran ang pawis niya mula sa batok, pababa sa balikat hanggang sa may bandang bewang niya. Lumigid ako papunta sa harap niya at pinunasan rin ang mukha at dibdib niya. "Ayan, para hindi ka magkasakit," dugtong ko pa nang matapos ako sa ginagawa ko.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon