My Favorite Sin - 16

18.4K 313 30
                                    


WADE


Bandang alas-singko y medya na nang magising ako. Wala sa sariling napangiti ako nang makita ko ang natutulog pang si Vince na nakadantay ang isang paa sa mga paa ko habang nakayapos naman ang isang kamay niya sa bewang ko. Tinitigan ko ang gwapong mukha niya—mula sa malalantik na mga pilik mata, matangos na ilong hanggang sa mamula-mula niyang mga labi. Awtomatikong napalunok naman ako dahil sa magandang tanawing iyon.



"Ngayon mo sabihing hindi mo ako type," mayamaya ay narinig kong nagsalita si Vince. Gising na pala ang loko. Pero paano niya nalamang tinititigan ko siya? Nakapikit pa rin ang mga mata niya but I could already see his lopsided smile. Ah, his smile is really intoxicating.



"Feeling ka talaga," natatawang sagot ko sa kanya habang inaalis ang paa niyang nakadagan sa mga paa ko. Pero lalo namang humigpit ang pagkakayapos niya sa bewang ko na para bang ayaw akong pakawalan. Hindi na rin ako nagpumiglas lalo na at nakamulat na ang mga mata ni Vince at matamang nakatitig sa mukha ko. "Ano?" tanong ko sa kanya na medyo naaasiwa. Sanay naman ako nang tinititigan pero pagdating kay Vince, nahihiya ako.



"Akala ko ba mamasahiin mo ako pagkagising natin?" tanong niya.



"Kaya nga. Pero paano naman kita mamasahiin, eh, para kang sawa na nakapulupot sa 'kin," natatawang sagot ko.



"Hindi ka naman kasi nagsasabi," umiiling-iling na saad niya bago ako pinakawalan. Tumayo na 'ko ng kama at pumunta sa cabinet kung saan nakalagay ang massage oil na binili ko sa paborito kong spa. "Paki-lock ng pinto," sabi pa ni Vince na sinunod ko naman. And there was something in his voice na nagpa-excite sa 'kin.



Pabalik na ako sa kama nang makita kong hinuhubad ni Vince ang sandong suot niya. Napalunok pa 'ko nang sunod na hinubad ni Vince ang boxers na suot niya bago muling humiga sa malambot na kama. Tinakpan lang niya ng kumot ang maselang bahagi ng katawan niya bago niya 'ko sinenyasang lumapit sa kanya. Parang robot na sumunod naman ako at naglakad palapit sa kanya.



"Gusto ko hard," sambit ni Vince na sinundan pa niya ng kindat. Magha-hyperventilate na yata ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.



"Okay. Dapa ka muna. Unahin ko likod mo," sabi ko. Mabilis namang dumapa si Vince na balewala lang kahit bahagya na lang natakpan ng kumot ang pwet niya. Nagbuhos ako ng oil sa kamay ko at marahang pinagkiskis ang dalawa kong palad bago ko iyon pinaglakbay sa mainit at matigas na katawan ni Vince.



Sa bawat hagod ng kamay ko sa likod ni Vince ay maririnig naman ang halinghing ng binata. Minsan may maririnig ka pang, "Shit, ang sarap. Sige idiin mo pa." O 'di kaya, "Aaaaah, ganyan nga. Sige pa, sige pa."



Nakakabaliw na nakakagigil! Lalo na nang dumako na ako sa umbok ng pwet niya. Mas lalo kong pinag-igi ang ginagawa ko. Parang wala nang bukas ang bawat hagod ko sa balat niya. May pagkakataon pa na mula sa pagkakaupo ko sa binti niya ay pinapagapang ko ang mga palad ko mula sa pwet niya papunta sa singit niya dahilan para mapaangat ang katawan ni Vince. Alam kong nakikiliti siya.

My Favorite Sin [RATED SPG/M2M]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon