Story Title: Can I Have This Dance?
Astraea's POV
Flashback
"Hay Astraea, nag-iisa kana naman," bulong ko sa sarili ko.
Lagi naman eh, wala kasi akong kaibigan at dahil 'yon sa kan'ya, siya ang dahilan kung bakit nasa ganito akong sitwasyon. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw na ayaw niya sa'kin. Hindi ko rin alam kung bakit lahat ng tao nilalayuan ako, na parang may nakakahawa akong sakit para layuan nila at alam kong siya ang may pakana no'n. Pero hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa kan'ya at ang masakit ay hindi niya ko sinalo.
Nandito ako nakaupo sa gilid kasi ball namin ngayon wala ngang gustong makipagsayaw sa'kin eh, kasi nga diba wala akong kaibigan. Nakaupo lang ako dito mag-isa kasi nga nilalayuan nila ako. Sanay naman ako eh pero alam niyo na masakit pa rin.
Pinapangarap ko nga na sana makasayaw ko si Andrius. Pangarap ko na maging first dance ko siya pero malabo yata 'yon, pero ito pa rin ako nagbabakasakaling isayaw niya.
Nagulat naman ako nang biglang may lumapit sa'king lalaki pero nakamask siya, nagkamali yata siya ng pinuntahang ball.
Inilahad niya 'yong kamay niya sa'kin pero tinignan ko lang 'to. Hindi ko naman kasi alam kung bakit niya inilalahad 'yong kamay niya sa'kin. Siguro namamalimos wala pa naman akong barya, napatigil lang ako sa pagmo-monologue nang bigla siyang nagsalita.
"Miss, can I have this dance?" tanong niya.
What? Akala ko nanghihingi siya? Pero first time, once in a blue moon 'to.
"Excuse me Mr. who ever you are, nagkamali ka yata ng pinuntahang ball. Sa pagkakaalam ko kasi black at tsaka red ang motif namin at hindi masquerade," sabi ko naman.
Kumunot naman ang noo niya, halatang nagtataka siya sa sinabi ko.
"What I mean is why are you wearing a gold mask if our theme is black and red?" Tanong ko, ayan nag-english na 'ko baka kasi englishero 'to.
"Actually nasa kabilang hotel 'yong ball namin. Pero nandito kasi ang babaeng mahal ko kaya pumunta ako rito gusto ko kasi siyang makasayaw." Sabi niya, ay nagtatagalog din pala nag-english pa 'ko kanina, yung mata niya pamilyar kahit nakamask. Ang ngiti niya nakikita ko, kasi mata at ilong lang ang natatabunan ng mask niya. May dimples din siya tulad ni Andrius at ang boses niya napakapamilyar talaga. Tapos malalaman mo talaga na gw-
Natigil naman ako sa pagdescribe sa kanya kasi bigla na naman siyang nagsalita.
"So, I repeat can I have this dance?" tanong niya.
"Hindi naman ako 'yong babaeng mahal mo diba? Bakit ako?" tanong ko pabalik sa kan'ya.
Tumawa naman siya, ang manly naman no'ng tawa niya parang kay ano lang.
"Slow ka talaga, bakit ako makikipagsayaw sa'yo kung hindi ikaw 'yong babaeng mahal ko, na tinutukoy ko?" sabi niya habang nagpipigil ng tawa.
So, I am the girl that he love? Seryoso ba siya? Baka joke lang 'to.
Hinila niya na 'ko sa gitna at nasaktan ako nang bigla na lamang umalis 'yong mga taong nagsasayaw. Kahit sabihin kong okay lang na gano'n na sanay na ako, hindi ko pa rin maaalis sa isip at sa puso ko na nasasaktan ako.
NP: Can I have this dance by Vanessa & Zach
Take my hand, take a breath
Pull me close and take one stepKeep your eyes locked on mine,
And let the music be your guide.Won't you promise me (now won't you promise me, that you'll never forget)
We'll keep dancing (to keep dancing) wherever we go next
BINABASA MO ANG
Storm's Short Stories
Short StoryOne shot stories that will make you seek for more...