Story Title: Flame
Love's POV
Mag-aapply ako ngayon sa isang sikat na kompanya para maging isang character animator. Ang CEO no'n ay si Flame basta gwapo 'yon eh.
Kasalukuyan akong naglalakad na parang isang model, halos lahat ng tao ay nakatingin sa'kin kaya ngumiti ako sa kanila gano'n din sila sa'kin. Nakita ko na andaming nakapila, kakaunti lang ang mga lalaki dahil halos lahat ay babae kaya pumila na ako. 'Diba dapat 'pag gan'tong work ay halos lalaki lahat? Bakit puro babae? Pero siguro sinamantala na nila 'yong pagkakataon dahil isa lang ang pwedeng kunin o si Flame talaga ang pakay nila?
Napatingin silang lahat sa'kin at bigla na lang silang umalis sa pila lahat, kaya nagtaka ako bigla.
"Talo na tayo teh umuwi na lang tayo ang dyosa eh." Narinig kong sabi ng babae sa kasama niya at umalis na.
"Mukhang matalino 'to ah tapos ang ganda pa, tara kumain na lang tayo sa labas." Seryoso? Ano nangyayari sa mga 'to?
"Ang ganda niya pre umuwi na lang tayo magpaparaya na lang ako." Sabi naman no'ng lalaki.
May lumapit sa'king lalaki, lalaki ba talaga 'to?
"Hi miss?"
"Loveria Saavedra po." Sagot ko
"M-- I mean Miss Saavedra, may I have your resume?" Agad ko namang binigay ito, chineck niya iyon at tumingin muli sa akin at ngumiti. "Please proceed to the conference room, this way miss." Sabi nito kaya sinundan ko siya, ang angas naman nito 'di pa nga ako pumipila.
"I have a question po."
"Yes what's that miss?" Lumingon ito sa'kin.
"Diba kailangan ko pang pumila, bakit 'di na po ako pumila?"
"Wala ka namang ng pipilahan sumuko silang lahat sa ganda mo." Tumawa ito kaya narealize ko na bakla talaga ito. "Kahit ako naloloka sa ganda mo teh, kahit 'di sila sabihan ay aalis talaga ang mga 'yon sa pila." Natatawang saad nito.
Masaya palang kausap 'tong baklang 'to eh panay kwento lang siya sa'kin hanggang makarating kami sa conference room.
Pumasok na siya do'n sa pinto ng conference room para sa interview. Pinahintay niya muna ako ng ilang minuto bago ako pinapasok.
"Halika na teh ikaw na." Pagkasabi niya no'n ay naglakad na ako papasok, para akong model kong maglakad kaya halos lahat ng tao ay nakangiti sa'kin, ngumiti din ako sa mga ito. Nakaupo silang lahat na nakaharap lang sa isang upuan sa gitna. Bigla namang tumigil ang mundo ko nang mapako ang tingin ko sa isang tao.
Si Flame, siya 'yong crush ko no'ng College ako, kaso no'ng first year lang 'yon kasi nireject niya ako no'n tapos simula no'n ay iniwasan ko na siya. Ang gwapo niya pa rin pero 'di na 'ko marupok bahala siya diyan 'di joke crush ko pa rin 'yan, mahal na pala. Agad akong umiwas ng tingin dito at naglakad muli pero sa kasamaang palad ay sa harap na upuan niya ako uupo. Sakto kasi sa upuan niyang 'yon ang upuan sa gitna, kaya ba ako kinakabahan? Pilit kong iniiwas ang tingin ko dito kahit hinuhuli niya ang bawat tingin ko.
"So, miss can you introduce yourself?" Tanong ni Janno 'yong bakla kanina, ngumiti naman ako dito.
"Hi my name is Loveria Saavedra, 22 from Valenzuela City." Tipid na sagot ko pero nakikita ko ang gulat sa mukha ng mga nando'n.
"What's your reason why did you apply to our company as one of my character animators?" Nanigas naman ako nang marinig ko ang boses niya kaya pilit kong tinignan ito para masagot ang tanong niya. Binabasa nito ang nakalagay sa resume ko at umangat ng tingin ito sa'kin kaya nagtama ang mga mata namin.
BINABASA MO ANG
Storm's Short Stories
Short StoryOne shot stories that will make you seek for more...