Story Title: Anniversary Dress
Third Person's POV
Teal is so excited to go to her boyfriend's house, Mint. It's their first anniversary as a couple today and she prepared herself to celebrate with him.
Nagpapaganda siya para sa boyfriend niya hindi nga siya mapakali. Hindi niya kasi alam kung anong dress ang susuotin niya 'yong red ba kasi sign ng love or 'yong black na pangpatay? Natawa naman siya sa naisip niya, bakit nasa pagpipilian pa ang black?
Hindi kasi alam ng boyfriend niya na nandito siya ang alam kasi nito ay nasa Pampanga siya.
So, isu-surprise niya ito, pinili niya ang red kasi nga nagmamahalan silang dalawa, simple as that. Naligo na siya at nagbihis pagkatapos niyang ayosin ang lahat.
Kinuha niya na ang chocolate cake na binake niya para kay Mint na may nakasulat na 'Happy Anniversary mahal ko'. At ang balloons pati na rin ang gift niya dito at sumakay na sa kotse niya.
Nakarating na rin siya sa bahay ng boyfriend niya, kinuha niya ang mga dala niya, bumaba na siya sa kotse at marahang isinara.
'Di niya alam kung bakit parang kinakabahan siya habang naglalakad siya pagpasok niya sa gate ng bahay nito. Wala kasing tao ang bahay nito at ang tahimik kakatok pa sana siya sa pinto pero bumukas agad ito, pumasok na siya pero ang sala nito wala ring tao.
Inisip niya na lamang na baka natutulog pa ito kaya umakyat na lamang ito sa kwarto niya. Nang makarating siya ay kakatok sana ulit siya kaso bumukas ito ng konti. Dahan-dahan itong pumasok kaso napatigil siya...
At hindi niya inaasahang maririnig niya ito.
"Ikaw naman talaga ang mahal ko eh. Ginamit ko lang si Teal para mapalapit ako sayo," hindi inaasahang tumulo ang luha ni Teal sa narinig niya. Hindi lang basta-basta isang tao kasi 'yon kasi alam niyang si Mint ang nagsabi no'n.
"Pero bakit niloloko mo siya alam mo namang masasaktan siya kasi nga mahal ka niya," at mas lalong siyang napaiyak ng marinig niya ang boses ng bestfriend niyang si Thea.
"Wala naman akong pakialam kung masasaktan siya kasi nasira niya rin naman tayo dati. At hayaan mo na nga siya, ang importante naman kasi ay mahal kita," sabi ni Mint
Galit pa rin pala siya sa'kin kasi sinabi kong crush ko siya dati at kaysa na si Thea ang liligawan niya ako 'yong niligawan niya? Kasalanan ko ba 'yon? Tanong ni Teal sa isip niya habang umiiyak siya.
"Kun'sabagay wala rin naman akong pakialam eh! Kasi kahit kailan hindi ko naman siya tinuring na bestfriend. Akala niya naman totoo ako sa kanya, asa naman siya," nangatog ang tuhod niya sa narinig niya galing sa bestfriend niyang si Thea.
Nasasaktan siya dahil ang bestfriend niya mismo na pinagkakatiwalaan niya ang mismong tatraidor sa kan'ya. Nasasaktan siya dahil ang lalaking mahal niya ay hindi naman talaga siya mahal at ginagamit lang siya nito.
'Kaysa na siya ang isu-surprise ko, pero bakit ako ang na-surprise?' Tanong ulit ni Teal sa sarili.
Nakarinig siya ng tawa mula kay Mint "1 year, 1 year ko na pala siyang niloloko noh? Ang tagal din pala, anniversary namin ngayon. Pero salamat na rin dahil nagkaroon ako ng break kasi ang kulit niya buti nasa Pampanga siya ngayon masosolo na rin natin ang isa't isa."
Hindi niya napigilan ang sarili niya at pumasok na siya sa kwarto nito. Halatang nagulat ang dalawa sa pagdating niya.
Ibinaba niya muna ang mga dala niya at lumapit sa kanilang dalawa.
Hinalikan niya ang bestfriend niyang si Thea sa pisngi at bigla niya itong sinampal.
"Salamat sa pagsira ng tiwala ko huh! Akala ko talaga bestfriend kita 'yon pala b*tchfriend talaga kita, ang sakit Thea ang sakit-sakit! Kasi pinagkakatiwalaan kita eh. Pinagtatanggol kita Thea kahit sinasabi ng mga kapatid ko na hindi ka deserving para maging kaibigan ko. Kasi lagi na lang akong nagpaparaya sayo nag-away nga kami ng ate ko, ang pinakaclose kong ate dahil sayo kasi raw 'pag kasama kita umiiba ang ugali ko. At ngayon napatunayan ko na...na tama sila."
Sinampal niya ito ulit ng tatlong beses sa sobrang galit niya.
"Yong unang sampal para 'yon sa pagsira ng tiwala ko. 'Yong pangalawa para sa pagsira sa buhay ko. At ang pangatlo para 'yon sa pag-agaw niyang pesteng boyfriend ko na magiging ex ko na." Huminga ito ng malalim dahil naninikip ang dibdib nito.
"At ngayon Thea kung ayaw mo talagang tapusin ang pagkakaibigan natin. Pakiusap, pakiusap lang 'pag nakipagbreak ako sa gago na 'to lumayo ka sa kan'ya hindi kita pinipigilan huh, pinapapili lang kita at 'pag pinili mo siya kalimutan mo na may nakilala kang mabait na Teal sa tanang buhay mo!" Sabi niya at tinalikuran niya si Thea habang pinapunasan ang luha niya.
Lumapit naman siya sa lalaking mahal na mahal niya at hinalikan niya ito sa labi.
"Hi boyfriend! Sayang magiging EX na kita eh! Hindi ko alam kung bakit ginawa mo 'to sa'kin kasi ang alam ko wala akong kasalanan sa'yo, sa inyo! At sinabi ko lang naman sa'yo dati na crush kita at wala naman akong sinabi na ligawan mo ako. Tapos gamitin mo ako para mapalapit ka diyan sa b*tchfriend ko na 'yan. Ang babaw kasi ng dahilan mo mahal kong boyfriend para saktan ako eh. Wala pa 'yon sa 1/4 ng sakit na nararamdaman ko ngayon!" sabi niya at lumayo ng konti kay Mint at pinunasan ang luha niya.
Kinuha niya ang balloons, ang cake, at ang gift niya kay Mint.
"Sayang isu-surprise pa sana kita kaso ako yata ang na-surprise! Nagsuot ako ng red dress kasi sign ng pagmamahalan natin pero mali yata ako, kasi one sided love lang 'to. Sana nagblack dress na lang ako kasi sa pagpunta ko rito unti-unti niyo na palang pinapatay tong puso ko."
"Happy Anniversary MAHAL KO! Ito oh! Chocolate cake na favorite nating dalawa ang red balloons na...na black na lang sana," sabi niya habang umiiyak na naman siya.
Ibinigay niya 'yong lahat kay Mint at dahan-dahang naglakad papunta sa pinto.
Inaasahan niya na susundan siya nito pero hindi, tuluyan na itong nakalabas sa kwarto ni Mint. Napahimas na lang ito sa sinapupunan niya.
"Baby wala si daddy hindi niya makikita na nagdudugo si mommy. Sayang red dress 'yong suot ko sana black dress na lang para sa anniversary namin ng daddy mo at maging alaala 'yon sa pagkamatay mo." Patuloy sa pagpatak ang luha niya pati ang dugo sa pagitan ng hita niya.
Muli itong naglakad hanggang sa makalabas sa bahay ni Mint.
At sa isip-isip niya habang nakasakay na sa kotse niya "My mistake wasn't falling for you, it was thinking that you have fallen for me too." Umiyak siyang muli ngunit pinunasan niya ang luha niya dahil kailangan niyang maging matapang at matatag. Kahit puro dugo ay nagmaneho siya ng kan'yang sasakyan at lumayo sa mga taong nanakit sa kan'ya at sa magiging anak niya na sana.
The End
BINABASA MO ANG
Storm's Short Stories
KurzgeschichtenOne shot stories that will make you seek for more...