6

192 88 54
                                    

Story Title: Amnesia

Alam mo 'yong masakit? 'Yong feeling na 'di mo siya makalimutan, pero siya halos 'di kana matandaan - Nadya

Nadya's POV

Ganito na lang ba palagi? Hahabolin ko siya at ipapaalala sa kan'ya na ako ang girlfriend niya? Magpapakilala ako sa kan'ya kahit mukha akong tanga dahil 'di niya 'ko pinapansin? Pero di ako magsasawang habolin siya mahal ko siya eh at hindi ako susuko.

"Hi," masiglang bati ko kay Mario, pero tinignan lang ako nito at umalis.

Meet Mario my boyfriend, nagka-amnesia siya at sa lahat ng tao na makakalimutan niya ay ako pa. Pero 'diba 'pag nagka-amnesia isip lang naman ang nakakalimot? At hindi ang puso.

Pero bakit 'di niya maramdaman na mahal niya 'ko at ako ang girlfriend niya?

Galing ako sa canteen kasi nagutom ako. Nang makita ko si Vein sa labas ng room.

"Nadya nandiyan ba si Quinn?" 'Di ko na siya sinagot kasi wala ako sa mood, tumango na lang ako.

"Pakitawag naman siya liligawan ko kasi siya." Tumango na lang ako ulit, mukha tuloy akong aso.

"Quinn, hinahanap ka ni V- " 'di ako natapos, dahil nakita ko si Mario na nakaupo sa sahig kasama si Quinn, na bestfriend ko. Hindi niya kasi alam na boyfriend ko si Mario noon at nagka-amnesia si Mario. Pero bakit nandito agad si Mario? Eh kasalubong ko lang siya kanina.

"Ano 'yon Nadya?" Tanong niya sa'kin.

"Kasi ano, kasi ano..." ano ba yan, nauutal ako nakatitig kasi sakin si Mario.

"Kasi ano?"

"Kasi hinahanap ka ni Vein, ando'n siya sa labas." Buti nasabi ko.

Tumayo naman siya at iniwan kay Mario 'yong phone niya.

Kaya dali-dali akong lumapit kay Mario.

"Ano Mario, akin na 'yong phone ni Quinn," sabi ko sa kan'ya, mahirap na makita pa nila 'yung pictures ni Thor do'n. Baliw kasi si Quinn, dinahilan pa si Vein kay Ma'am kanina.

Binigay niya naman sakin 'yong phone ni Quinn, at aalis na sana ako nang may humila sa'kin pabalik. Paglingon ko... si Pio lang pala barkada din nila.

"What?"

"Sabay tayong maglunch mamaya," alok niya.

"Sino kasama?"

"Tayo lang," sabi niya at ngumisi, baliw talaga tong si Pio pinagseselos lang naman niyan si Mario, as if namang magseselos 'yan.

"Sige ba," edi pagbigyan ang kan'yang kabaliwan.

Bigla naman akong napatingin sa pinto nang biglang pumasok si Quinn na nakatulala.

Kaya sumigaw ako.

"OMG! Quinn bakit may red roses ka? Nililigawan kana ba ni Vein? May lovelife na yata ang bestfriend ko." Sabi ko, nakatingin kasi si Thor pinapaselos ko lang gaya-gaya lang kay Pio.

"Manahimik ka nga," saway niya sakin.

"Sorry Quinn kasi naman eh, kinikilig ako," sabi ko at tumili nakita ko kasi sa peripheral vision ko na tumayo si Thor.

Umalis naman siya at umupo sa seat niya.

Lalabas na sana ako ng room nang nakita ko si Thor na tumabi sa kanya. Buti pa siya may lovelife na, ako kaya kailan kaya ako matatandaan ng mahal ko?

Nagulat naman ako na lumabas si Thor sa room. At maya-maya lumabas din si Quinn at sumunod kay Thor. Sundan ko kaya sila, "Nadya halika na!" Biglang hila sakin ni Pio kaya 'di na ako natuloy. Paalis na sana kami, "Sandali Nadya, samahan mo naman ako maglunch," nagulat naman ako kay Vein.

"Hindi sa'kin siya sasama," sabi ni Pio

"Hindi, sa'kin!" Sabi naman ni Vein

"Sa'kin nga!" Inis na sabi ni Pio

"Sa'kin!" Maangas na sabat ni Vein

"Sa'k-" hindi natapos si Phil nang biglang...

"Sa'kin siya sasama." Matigas na sabi ni...

Mario

Napabitaw naman ang dalawa sa'kin, kaya mabilis akong hinila ni Mario.

'Di ko alam kung saan niya 'ko dadalhin, pero 'di na lang ako nagsalita. Tahimik lang kami dito sa court na walang tao, nang binasag niya ang katahimikan.

"I don't know why I have this sudden feeling that I met you before. There's something when you're always telling me that you are my girlfriend, like it's giving me a feeling that it's true." Sabi niya, medyo speechless ako kasi gano'n pala talaga ang nararamdaman niya.

Medyo kabado ako pero karapatan niyang malaman para 'di na kami mahirapan pareho.

"Nakilala mo na ako dati, I'm your girlfriend but you can't remember me Mario. Your parents told me that you have an amnesia but I believe that, "The heart will never forget the memories that the mind can't remember." You remembered everything except me, how did that happened? I'm so confused." Malungkot at naiiyak na sagot ko dito.

Hindi na siya nagsalita pa, kaya aalis na sana ako nang hinila niya ako at niyakap.

"I don't know how to comfort you but I'll try. Pasensiya kana kasi di kita maalala. Pero promise pinipilit kitang alalahanin Nad," isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib nito, this is the first time na tinawag niya akong Nad. Maybe he had an amnesia but his heart still remembered the way he called me.

Hinarap niya ko sa kan'ya at pinunasan ang mumunting butil ng luha sa aking mga mata.

Magsasalita sana siya pero inunahan ko na,

"Don't, just don't force yourself to remember me Mario. Let's do it little by little okay? Or we must build new memories?" Nakangiti kong tanong dito.

"Yes, but if we build new memories can we still bring back the memories that we had shared when I was with you?" Tumango ako dito,

"But wait! What's your real name?" natawa ako bigla kasi ilang ulit ko ng sinabi sa kan'ya 'yong pangalan ko no'n ay 'di pa rin niya maalala.

"I'm Nadya, you still knew the nickname that you gave me before but you forgot about my real name." Natatawang sagot ko dito.

"I just remember that annoying girl who always teasing me but she doesn't know that I have a crush on her, her name is Nad."

Sa sagot niyang 'yon ay nagulat ako at nalaman ko ang isang bagay na nakapagpatawa na naman sa'kin. Wala pala siyang amnesia, bumalik lang talaga siya sa nakaraan kung saan elementary pa lang kami. Mukhang kailangan ko pa siyang hintayin na lumaki, it's okay I won't mind.

The End

Storm's Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon