Story Title: His Smile
Quinn's POV
'Di ko alam kung bakit napakabigdeal sa'kin 'pag nakikita kitang ngumiti at tumawa.
'Yong 'pag ngingiti ka tini-treasure ko agad 'yon at nilulubos ko na pagkakataon na titigan ka habang nakangiti ka pa, o 'di kaya 'pag hawak ko ang cellphone ko agad ko 'yong kinukunan ng litrato.
At pinapangarap ko na sana maging dahilan din ako ng pagngiti mong 'yon.
I really wish that someday I will be one of the reasons of your smile.
Nandito ako sa classroom habang busy sa pagbabasa ng sayings sa internet, nagplug din ako ng earphones para iwas ingay. Ayoko kasing maingay ang paligid ko hindi kasi ako makafocus. Para kasi sa'kin mas ayos ang makinig ng music kaysa sa makinig sa daldalan ng mga classmates ko. Puro lang naman kasi lovelife nila 'yong pinag-uusapan nila, paano naman ako 'diba? 'Yong mahal ko kasi kahit maging dahilan lang ako ng pagtawa niya ay hindi ko pa magawa, masyadong complicated.
BOOGSH
Kahit naka-earphones ako rinig ko pa rin ang pagbukas ng pinto, sa lakas ba naman no'n.
Napatingin naman ako do'n kung sino ang nagbukas. Laking gulat ko naman na si Thor at ang mga barkada niya ang pumasok. Mukhang badtrip si Thor kaya tinanggal ko ang earphones ko at pinatay ang music para marinig ko 'yong pinag-uusapan nila.
"Yan kasi pare eh naniwala ka kaagad sa babaeng 'yon. 'Yan tuloy basag na naman 'yang puso mo," sabi no'ng isa niyang kasama na si Pio.
"Oo nga! Sinabi naman namin sa'yo na may boyfriend na 'yon 'di ka naman naniwala," sabat naman ni Vin na barkada niya.
"Tama na nga 'yan, kaysa na pagaanin niyo 'tong loob ni Thor pinapalala niyo pa," awat naman ni Mario.
Nakabusangot pa rin si Thor habang paupo siya sa upuan niya sa unahan.
Sino ba kasi 'yong babaeng 'yon? Masasapak ko talaga 'yon! Kalma Quinn, good girl kana 'diba?
Napatayo naman ako dahil cleaners ko pala ngayon. Kinuha ko ang eraser sa board at binura ang mga nakasulat doon. Nararamdaman ko pa ngang may nakatitig sa'kin pero 'di ko na lang pinansin at tinuloy ang pag-erase ng board. Nang bigla akong napatigil sa dinoodle ko kahapon sa board na...
HIS SMILE
HER SMILEKaya napangiti na naman ako, nagtataka pa ako bakit may her smile sa baba eh his smile
lang ang doodle ko. Naaalala ko na naman si Thor, kaso naalala ko na malungkot pala siya ngayon. Pero kahit 'di ko alam ang dahilan ng pagiging malungkot niya, parang gusto ko pa rin siyang pasayahin.'Di nga lang kami close kaya nahihiya akong lumapit sa kan'ya.
"Quinn?" Nagulat naman ako kay Ms. M (stands for maganda). Nandito na pala siya ibig sabihin kanina pa 'ko nakatulala rito sa board?
Madalas kasing late si Ms. M eh mga lampas 7:30 na siya dumarating pero 7:15 pa lang kanina. Kanina pa pala ako rito pero malay ko 'diba maaga lang si ma'am ngayon.
"Inlove yata 'yang si Quinn Ma'am kaya natulala siya sa doodle niya," singit naman ng dakila kong bestfriend na si Nadya. Tinignan niya pa si Thor habang nakataas-baba ang kilay kahit kailan talaga 'tong babaeng to.
Nagsitawanan naman ang mga classmate ko pati si Ma'am, 'di ko rin alam kung tumawa rin ba si Thor.
Tapos bigla na namang tumili si Nadya, nabaliw na.
"At sino naman si lucky boy na 'yan Queen?" tanong naman ni Ma'am habang kinikilig, ang cute ni Ma'am.
'Di ko naman alam ang isasagot ko, nandito kasi si Thor eh, nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Storm's Short Stories
KurzgeschichtenOne shot stories that will make you seek for more...