Chapter 01

14 0 0
                                    

Jerome POV:

"Hoy late ka na nga nagawa mo pang magayos? Iba ka din noh? Imba ka dude" sita ng pinakamamahal kong bestfriend.

" It is better to be late than to arrive ugly" sagot ko sa kanya.

"Whatever" sagot niya pabalik.

"At tsaka ayos lang na malate. Mabait naman yung instructor namin."

"Abuso ka din noh?"

"Medyo lang naman". "Oh siya aalis na ako. Tapos na akong magayos. Diba eto naman gusto mo. Sige. Bye na". Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ako ng apartment namin. Ready na akong pumasok. Anyways, di niyo pa ako kilala. So magpapakilala muna ako. Okay lang ba sa inyo?
.
.
.
Okay. Silence means Yes. So magpapakilala na ako.

Jerome Jasper Alonte, 17, Philippines!

Hahahaha. PangMiss Universe lang ang peg mga ateng. Sige na nga magpapakilala na ako ng maayos.

Ako nga pala si Jerome Jasper Velasco, 18 years old at estudyante ako sa paaralang St. Augustine University na isang private at sikat na school sa lugar namin dahil na din sa mataas na standards at maganda facilities kumukuha ako ng kursong Bachelor of Science in Architecture at 3rd year na ako. At isa akong gay. At proud ako dun. Kaya ko ngang ipagsigawan sa buong mundo eh. Pero wait, ipopost ko nalang sa facebook baka mapaos ako sa pagsigaw siya rin lang din makikita or mababasa ng buong mundo. Alam mo naman ang nagagawa ng facebook. Hahaha. At yung mabunganga kong bestfriend na kasama ko sa apartment ay si Kristin Marie Toledo. Bestfriend ko siya simula grade 2 hanggang ngayon and counting. Papatunayan naming may F-O-R-E-V-E-R guys. Eh kasi nga parehas kaming single so kami lang din ang magdadamayan.

Well, napagdesisyunan naming magbff na mangupahan ng isang apartment kahit na malapit lang yung tirahan namin sa school. Gusto kasi naming maranasan ang mapalayo kahit papaano sa parents namin. Yung feeling na isa ka talagang college student. Yung ganun ba. Yung independent ka. Yung tipong ikaw ang malalaba, magluluto at maglinis ng bahay. Parang prineprepare na rin namin yung sarili namin after naming grumaduate. Oha! pak yan!

Marami na kayong alam tungkol sa akin so back to reality na tayo.

Nasa tapat na ako ng main gate ng school ko at papasok na sa loob ng campus. Nagtataka kayo kung paano ako nakarating sa school? well nagjeep ako. Hindi ko na chinika sa inyo na sumakay ako ng jeep kasi nga nagpapakilala ako kanina. Anyways, kasalukuyang naglalakad ako sa hallway ng School of Natural Science Building ng makarinig ako ng sigawan I mean tilian ng mga babae at binabae.

"Grabe naman tong mga taong to. Kung makasigaw akala mo nasa palengke." irita kong sabi.

Then bigla kong nakita si Miguel at narealize kong kaya pala nagtitilian yung mga babae at binabae. Ayun naman pala yung reason. Si Miguel lang naman pala. Si Miguel Custodio. 18 years old. 3rd year sa kursong Business Ad. Siya lang naman ang "Heartthrob" kuno dito sa buong campus. Maraming nahuhumaling jan sa lalaking yan mapababae man o lalaki pati mga binabae. Syempre sino ba naman ang hindi (except me guys) gwapo, hot, magaling sa basketball at mayaman. Oh diba? pero wait theres more. Napakayabang, mapanglait, mapanghusga, maitim ang budhi, makasarili, playboy, maharot kung sinu-sino lang ang kayugyugan basta nangati go siya mapababae man o lalaki pati binabae pinapatulan, uhhmm
Ano pa ba.........uhhhhmmm........ Guys need ko ang help niyo. Pakitulungan nga akong magisip ng mga negative about jan kay Miguel. Naubusan na ako. Pero sa tingin ko marami pang negative about jan sa lalaking yan. Nagtatago lang. Ipahanap kay Dora. Dali!

"Uy bakla!" Sigaw niya sa akin.

At dahil dun bumalik ako sa reyalidad. Anak naman ng Teteng oh. Nagiisip ako ng mga negative about sayo eh. Panira ka ng moment. Kairita.

"Oh lalaking higad? Anong kailangan mo? Nangangati ka ba?" Yan ang gusto kong isumbat sa kanya kaso it turns out like this:

"Ako? (sabay turo sa sarili). Baket?"

"Kanina ka pa nakatingin sa akin." Sinasabi niya yan habang naglalakad palapit sa akin. Nang makalapit na siya sa akin. Nagsalita ulit siya.

"You want me, right? You want my body? You can have all this tonight. (sabay kagat sa labi at kindat sa akin) Meet me sa gym 5 pm sharp." ang mapangakit niyang sabi sa akin. At tumalikod na para umalis. Ngunit ilang hakbang palang ang layo niya sa akin ay sumigaw ako.

"Hoy ikaw na lalaking makati na mas makati pa sa higad na nadaanan ko kanina sa kalsada. First of all I don't want you and lastly I don't want your body. Kung nangangati ka magpakamot ka sa mga babae mo!" galit kong sigaw sa kanya. Grabe siya nakakahighblood hah.

"What did you say!" sigaw niya sa akin at akmang lalapit siya sa akin ngunit nagsalita ulit ako.

"Sige. Subukan mong lumapit sa akin hindi ako magdadalawang isip na isaksak sayo tong Triangle (instrument ng mga Architecture student for drafting) na dala".

Natakot ata siya sa sinabi ko kasi tumigil siya sa paglalakad.

Nagkatitigan kami. Grabe siya makatitig. Ang tatalim ng mga binabato niya sa aking titig. Kung nakakapatay lang ang titig. Malamang kanina pa siguro ako isang malamig na bangkay.

"Pagsisisihan mo na binangga mo akong bakla ka!" mahinang sabi niya sa akin.

Nung marinig ko yun nagsitayuan lahat ng buhok ko sa katawan. Grabe natakot ako dun ah. Ikaw naman kasi Jerome. Sa dami ba naman ng aawayin mo si Miguel pa eh kung ipapatay ka niya? Jusko lord! Help me. Nagtapangtapangan ka pa kasi eh kung sana pumayag ka nalang sa alok niya. Ay wait lang. Ayoko nga. Mas gugustuhin ko pang mamatay na virgin noh kaysa patulan yang lalaking yan.

"Tandaan mo tong araw na to. Dahil simula ngayon magsisimula ang kalbaryo mo" bigla niyang sabi.

Nagulat ako dun. Ang hilig niyang magsalita habang nasa kalagitnaan ako ng pagiisip kairita. Anong date ba ngayon?

"September 28, 2013" sagot ko sa kanya.

Ngumisi siya ng nakakaloko. Ano ba yan. Pinilosopo ko pa siya. Madadagdagan na naman ang galit niya neto sa akin.

Tumalikod na siya at umalis sa harapan ko. At dun na nagsimula ang bulungan sa paligid ko. May mga bulong na nakakairita tulad nalang ng ganito:

"Akala mo kung sino?"

"Buti nga sa kanya."

"Kawawang bakla. Ang arte kasi eh. Di naman maganda." yan ang hindi ko matatanggap ang sabihing hindi ako maganda. My mama told me that I am pretty. So fuck you ./. Bitch!

At marami pang iba. Biglang nagring yung bell at dun na nawala yung mga tao sa paligid at narealize ko na hindi ako nakapasok sa first class ko. Patay tayo jan. Kasalanan ito ni Miguel. Siya ang dapat sisihin. Pero kung di ko siya pinatulan edi sana nakapasok pa rin ako. Pero kasalanan pa rin niya. Umu-oo nalang kayo para naman madagdagan ang reasons ko kung baket galit ako sa kanya. Umalis na rin ako sa kinatatayuan ko at nagtungo sa room kung ang sunod kong klase.

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon