Chapter 04

4 0 0
                                    

Jerome POV:

"Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Hindi ko na kaya pang pigilan itong nararamdaman ko. Basta ang alam ko lang paggising ko isang araw mahal na kita."

"I love you Jerome." Tinitigan niya ako sa mata habang sinasabi ang mga iyon.

"I-i lo-love you too Charlie Puth." sagot ko sa kanya na nakangiti.

Lumapit siya sa akin at aktong hahalikan niya na ako. Pumikit ako at ready na akong damhin at angkinin ang kanya labi.

Eto na. Konti nalang maglalapat na ang mga labi namin. This iz it! Pancit!

"I'm only one call away. I'll be there to save the day. Superman.~" (ringtone ng phone ko)

Putangina! Sino ang may lakas ng loob para sirain ang napakaganda kong panaginip. Andun na eh. Konting push nalang magkikiss na kami. Pwede naman niyang imove yang pagtawag niya sa akin. Sinakto pa talaga niya sa ganung eksena. Mapapatay ko yang tumatawag.

Sinagot ko yung tawag.

"Hel-"

Di niya na natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sinigawan.

"Hoy ikaw! Kung sino ka man. Ang lakas ng loob mo para tawagan ako ng ganito kaaga. How dare you!" sigaw ko sa kanya.

"Hoy bakla. Ang aga aga sumisigaw ka jan." sigaw niya pabalik.

Boses ni Miguel yun ah.

"Higad. I mean Miguel? ikaw ba to?" tanong ko.

"Yeah. The one and only. At hindi ako higad."

Ows? talaga? ang kati mo kaya.

Nakakapagtaka san kaya niya nakuha ang number ko? Sa pagkakaalala ko hindi ko naman binigay sa kanya kahapon bago matapos yung klase namin? Di kaya stalker ko siya? hahaha. Ang feeling lang. Ang gwapong stalker ah.

"Paano mo nakuha ang number ko?" tanong ko dahil nagtataka talaga ako.

"Sa basurahan sa kanto." sagot niya sa tanong ko.

Di talaga siya marunong sumagot ng matino. Sarap niyang iuntog sa pader. Kahighblood hah!

"Whatever higad. Oh anong kailangan mo?" inis kong tanong sa kanya.

"Ipapaalala ko lang sayo yung activity natin. 10 a.m tayo magsstart. Dito sa bahay. Understood?"

"Okay. Sabi mo eh. Pero ano bang address mo?"

"Itetext ko nalang sayo. Sige. Bye na."

Tsaka niya binaba yung tawag. Aba bastos lang? Hindi man lang niya ako hinintay para magbabye. Kaloka siya. Pero no need naman eh.

Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa bathroom para magtoothbrush at maghilamos. After kong gawin yun lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko naman si Kristin na nagluluto ng agahan at Miggy na nagaabang ng pagkain. Ang cute cute talaga ni Miggy. Ang liit ng mga paa at ang laki ng tenga. Sarap niyang pisil pisilin.

"Good Morning Kristin. Good Morning Miggy. Good Morning Philippines. Good Morning Wolrd." masaya kong bati kay Kristin at kay Miggy. Pati na rin sa Pilipinas at sa mundo.

"Awww awww aww." i think good morning din ang sinabi ni Miggy. Hahaha.

"Good morning din Jerome. Wait lang hah. Malapit ng matapos tong niluluto ko." bati sa akin ni Kristin.

"Okay." sagot ko sa kanya.

Sa aming dalawa siya ang laging nagluluto. Wag niyo ng tanungin kung baket. Obvious naman ang sagot kung baket lagi siya ang nagluluto. Medyo marunong naman akong magluto kahit papaano. Oo na, Oo na. Aamin na ako. Di ako marunong magluto. Okay. Happy na? Meron kasi noon nagluto ako. Wala lang trip ko lang. Nagprito ako ng hotdog at imba ano pa bang mangyayari. Nasunog dude. Itim kung itim yung kulay. Nakakaiyak. Inalok ko si Kristin ng niluto ko at alam niyo kung ano ang sinabi niya? nakakabwisit.

* flashback *

"Nakakain ba yan?"

Nainsulto ako dun mga ateng.

"Hotdog to kaya malamang nakakain." Sagot ko sa kanya. Sabay sapilitang pinakain sa kanya. Iluluwa sana niya kaso tinakot ko siya.

"Sige. Subukan mong iluwa yan. F.O (friendship over) na tayo." pananakot ko sa kanya.

Natakot siya halata sa expression ng mukha niya. Nilunok niya ng bongga. Sabay sabing.

"Ang sarap Jerome. Grabe the best!" sabay thumbs up.

Napangiti ako sa sinabi niya kahit alam kong nagsisinungaling lang siya.

"So gusto mo pa? marami pa ako. Kuha ka lang." sabay alok sa kanya.

"Hindi na. Tama na ang isa. Diet ako." pagtanggi niya sa alok ko.

* end of flashback *

Nilapag na ni Kristin ang niluto niya sa lamesa at umupo na din ako para kumain. Ang bango naman ng niluto niya. Nagutom ako bigla.

Habang kumakain kami ay biglang may nagtext.

From: 0916 (kayo na ang bahala sa pito)
~ 10 a.m sharp.

Si Miguel pala. Oo na nga diba? Excited lang? Sisipot naman ako.

To: 0916 (insert here yung pitong naisip niyong number)
~ 10 a.m sharp.

Yan ang reply ko sa kanya. Sinave ko na din yung number niya.

From: Miguel the Monster
~ Niloloko mo ba ako? Humanda kang bakla ka!

Di na ako nagreply baka mauwi lang sa WORLD WAR III.

Pinagpatuloy ko nalang ang kumain. After naming kumain ni Kristin. Nagpresinta siyang siya nalang daw ang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan namin. Kaya umakyat nalang ako ng kwarto at naligo dahil magkikita pa kami ni Miguel. 10 a.m sharp. Hahaha.

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon