Chapter 08

6 0 0
                                    

Jerome POV:

"Sis gutom na ako. San tayo kakain?" tanong sa akin ni bes.

"Lagi ka namang gutom. Walang bago dun". sagot ko sa kanya.

Inirapan lang niya ako. Kita mo tong babaeng to. Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. Siya pa ang nagalit.

Pumasok kami ni bes sa isang restaurant dahil gutom na gutom na daw siya.

After naming kumain nagpasya nakaming umuwi at medyo late na rin.

Pagkarating namin sa apartment ay diretso agad ako sa kwarto ko at hinanap si Miggy. Awww namiss ko siya. Naglaro pang kami ni Miggy hanggang sa mapagod na ako.

"Miggy baby. Maliligo lang si mommy hah inaantok na kasi ako bukas nalang tayo maglaro." sabi ko kay Miggy.

Tumahol naman siya bilang sagot. Ang talino talaga ng aso ko.

Pumasok na ako sa banyo para maglinis ng katawan. After kong maglinis humiga agad ako sa kama at dali dali akong dinalaw ng antok.

Kinabukasan maaga akong pumasok para makahanap ng kaforever ko. Chos! Wala palang forever. Walaaaaaaaa!!!! Hahaha. Parang ang bitter ko naman ata.

Paliko na ako ng bigla akong mabangga. Napaupo ako sa sobrang lakas ng pagkakabangga ko.

"Anak naman ng tupang pula. Kailan pa nagkaroon ng poste sa gitna ng hallway?" asar kong sabi habang nakapikit. Ang sakit kaya ng pagkabagsak ko.

Totoo naman kailan pa nagkaroon ng poste sa gitna ng hallway???? KAILANNNNNN!!!!

"Im sorry"

Huh?! Kailan pa nagkaroon ng posteng nagsasalita? Dinilat ko ang aking mga mata at may kamay sa harapan ko.

"Im sorry" nagsalita ulit yung poste. Kinuha ko naman yung kamay at tinayo niya ako.

Napanganga ako sa nakita ko. As in literal na nakanganga. Lintik na poste to. Tao pala at........... ANG GWAPO NIYA MGA FRIEND!!!!!!

"Sorry hindi ko sinasadya." hingi ulit niya ng pasensya. "Pakisara na din po yung bibig niyo baka may pumasok na langaw at jan na tumira habang buhay."

Ay yun lang masama pala ang ugali. Baket lahat ng gwapo ang sama ng ugali. Parang si Miguel. Ay wait lang hindi pala siya gwapo mukha siyang paa.

Inirapan ko lang si kuya at nilayasan. Hindi ko napansin na sumunod pala siya.

"Im sorry. Nagjojoke lang naman ako." paghingi ulit niya ng pasensya.

Kanina pa siya hingi ng hingi ng sorry. Nakakaloka. Huminto ako at hinarap siya. Tinitigan ko siya at shemay ang gwapo talaga niya. Ang ganda ng mga mata, yung ilong matangos tas ang labi putcha pamatay sa sobra pula. Ano kayang gamit niyang lipstick? Matanong nga. Hahaha.

"Kanina ka pa nagsosorry. Apology accepted." sabay ngiti.

Ngumiti din siya at aba lalo siyang gumwapo. Aasawahin ko talaga tong isang to. Hahaha. Kidding!

"So okay na tayo?" tanong niya.

Tumango ako bilang sagot.

"Good, anyway I'm Alexander Lightwood. I'm half-Filipino and half-American. Alec for short." sabay abot ng kamay.

Ang bongga ng apelyido. Lakas makasosyal. Hahaha.

"Nice to meet you Alec." sabay abot ng kamay niya at nakipagshakehand. "I'm Jerome. Je for short." pakilala ko at nginitian siya.

"Nice to meet you too Je." sabay ngiti.

Yung ngiti niya nakakainlove.

Biglang nagring yung bell. Lintik naman panira ng moment oh.

"Sige Alec I have to go. Baka kasi malate ako. Ikaw din pasok ka na baka malate ka din. " paalam ko kay Alec. Kahit ayaw ko pang maghiwalay kami. Nakakaiyak.

"Sure Je. See you around. Bye." paalam niya.

"Bye"

At umalis na nga ako. Habang naglalakad ako napansin ko lang na ang konti palang ng tao. Baket kaya? Nakapagtataka naman nagbell na pero ang konti palang ng nasa school. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ang oras 7:00 a.m palang. Eh bat ang agang nagbell? Dapat 7:30 a.m putcha naman edi sana magkasama parin kami ngayon ni Alec. Sayang yung 30 minutes. Nakakaiyak. Mapapatay ko yung nagparing ng bell wag lang siyang magpapakita sa akin sinasabi ko sa kanya makikita niya si Satanas. Lintik yun.

Habang naglalakad ako papunta sa building ko biglang may nagsalitang higad.

"Ang aga aga pero kung makalandi wagas. Kulang nalang kainin niya yung kausap niya." sabi nung higad.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. Bwisit talaga tong Miguel na to.

"Wow. Coming from your own mouth. Big word." sabay palakpak ng slow.

Nagwalk-out ang kuya niyo. Hahaha. Bigla akong may naisip. Siya kaya ang nagparing ng bell? Hay malabong mangyari yun. Baket naman niya gagawin yun? Tsk. Pinagpatuloy ko nalang yung paglalakad ko hanggang makarating sa room.

Buong araw nakinig lang ako sa discussion ng mga professor ko. Ano bang magagawa ko? Kailangan eh. Yun ang trabaho ng isang student na katulad ko.

Pauwi na ako ng biglang may tumawag sa maganda kong pangalan.

"Je!" sigaw niya.

Paglingon ko shemay si Alec mylabs. Tumatakbo papunta sa akin. Sasalubungin ko ba ng yakap? Hahaha. Tumatakbo siyang nakangiti putcha naman oh pakialalayan nga ako baka mahimatay ako dito sa kinatatayuan ko.

"Uuwi ka na?" tanong niya sa akin ng makarating siya kung saan ako nakatayo.

"Ah hindi ba obvious?" tanong ko pabalik sa kanya.

Tumawa lang siya at nagkamot ng ulo niya. And ang cute niya sa ginawa niya. Nakakainlove.

"Kidding!" sabi ko sa kanya para naman hindi siya mapahiya. Hahaha.

"Good. Aayain sana kitang kumain sa labas. Pwede ba?" tanong niya.

"Magdadate tayo? I mean friendly-date. Haha" palusot ko. Hahaha. Muntik na akong mahuli dun.

" Yah. Parang ganun na nga friendly-DATE."

May diin dala yung word na 'Date'?

Tatanggi pa ba ako? Alec Lightwood na ang nagaya sa akin oh. Feeling ko ang ganda ganda ko which is a fact.

"Yah sure. Alec Lightwood na ang nagaya. Hahaha"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. At sabay na kaming pumunta sa paring lot.

Habang papunta kami sa parking lot parang may nakatingin sa akin kaya huminto ako at tumingin sa paligid pero wala namang tao. Nakakatakot. Parang yung mga Horror Movies na may sumusubaybay sayo tas paglumingon ka sa likod wala tas pagharap mo nasa harapan mo na yung duguang mukha. Waaahhhhhhhh! Nakakatakot!

"Oh baket ka sumisigaw?" tanong sa akin ni Alec.

"Ah eh wala nagprapractice lang ako para sa drama namin sa isang subject. Haha." palusot ko. Sana makalusot.

"Ah okay." sabi niya sabay bukas ng pintuan ng kotse niya. Ang ganda bg kotse niya. Siya na.

Buti nakalusot ako. Nakakahiya talaga. Bat kasi ako sumigaw dapat sa isip ko lang yun. Pero seryoso para talagang may tumitingin kanina. Creepy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon