Chapter 07

2 0 0
                                    

Jerome POV:

Okay, Sunday ngayon at hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko. Eto ako ngayon nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame.

"Ano kaya ang pwedeng gawin?" Tanong ko sa sarili.

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

*knock knock*

"Pasok. Bukas yan." sabi ko.

Biglang nagbukas ang pintuan at may pumasok na ibang nilalang! Oh My Gosh!!!!!! Chos lang! Si bessy ang pumasok.

"Sis tara simba tayo." pagaya niya sa akin.

"Hulog ka ng langit sis. Sa wakas may magagawa na ako sa buhay ko."

"Baliw. Magprepare ka na. Alam ko naman na 2 oras ka nagaayos. Hahaha." at tumawa pa ang bruha bago umalis. Pero may tama naman siya. May tama siya sa utak. Hahahaha!!!!

Yun na nga ang ginawa ko. Pumasok na ako sa cr para maligo.

Humarap ako sa closet ko at binuksan ito. Naghanap ako ng isusuot ko.

30 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin akong nakita na isususot ko. Nasstress na ako dito. Waaahhhh!

Halungkat dito, halungkat duon. Hanggang sa makita ko ang hinahanap ko. Nagbihis na ako. Isinuot ko ang loose tshirt na plain white at pinaresan ko ito ng jeans na black na knee ripped at sapatos na nike airforce triple white na low-cut. Pinaresan ko rin ng sling bag na black. Oh diba lakas maka'basic'.

After 2 hours natapos na rin ako sa pagaayos. Sa wakas! Allelujah! Praise the Lord!

Lumabas ako ng kwarto at saktong nasa sala na si Kristin at hinihintay ako.

"Ang tagal hah?" reklamo niya sa akin.

"Di ka pa nasanay." sabi ko naman.

Lumabas kami ng apartment at nagabang ng taxi sa labas. Sakto at may dumaan na taxi. Pinara namin ito at sumakay. At sinabi sa taxi driver kung saan kami pupunta.

Pagkarating namin sa simbahan ay hindi pa nagsisimula ang misa. Naghanap kami ng mauupuan ni bessy. Sa may middle part kami napunta. Ilang minuto din ang lumipas ay nagsimula na ang misa. Tahimik akong nakikinig sa mga sermon ng pari. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na din ang misa.

"Sis san tayo ngayon pupunta?" tanong sa akin ni bessy.

"Tara magshopping sis." sagot ko sa kanya.

"Ay bet ko yan." - Kristin

Yun na nga ang ginawa namin. Nagpunta kami ng mall para magshopping!

Shopping time baby!!!!

Pagkapasok palang namin ni bessy sa mall ay naglibot na kami agad. Pumasok sa iba't ibang botique. Hanggang sa mapunta kami sa isang botique na sana hindi nalang kami pumasok. Kasi naman nasa loob din ng botique na yun si Miguel the Monster na may kasamang haliparot na higad. Gosh! Dito pa sila nangati.

Inisip ko nalang na hindi ko sila nakita. Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Sabay naming nakuha yung kukunin kong damit. Nagkatinginan kami. Tinignan niya ako ng ubod ng sama at syempre ganun din ang ginawa ko. Magpapatalo ba ako? Never bhe.

Pilit kong inaagaw pero bhe ayaw magpatalo ng ulupong na to. Kaasar siya. Wag niyang hintayin na gumamit ako ng dahas.

"Ano ba? Bitawan mo nga to." irita kong sabi.

"Anong bitawan? Ako ang unang nakahawak. Kaya akin to. Ikaw ang bumitaw." sagot niya sa akin.

"Anong ikaw? Ako ang unang nakakuha neto." sagot ko sa kanya.

"Ikaw? eh sa kamay ko nga ikaw nakahawak. Nananantsing kang bakla ka." sigaw niya sa akin.

"Anong nananan-" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng tignan ko ang kamay ko. Tama nga si Miguel. Sa kamay niya ako nakahawak. Biglang kong tinanggal ang aking kamay sa kamay niya.

"Oh di sayo na yang damit." sabi ko sa kanya sabay irap.

Biglang may sumulpot na Engkanto.

"Hey Megel begey be se eken teng demet?" sabi nung haliparot na higad na kasama ni Miguel.

Ay pabebe ampota ah. Nagiba ang tono ng pananalita. Engkanto nga siya bhe.

"Oo naman babe." sagot naman ni Miguel.

Isa pa to. Di marunong tumingin kung bagay nung girl yung damit. Ang panget kaya. Stripes na orange at yellow. Yuck! Walang taste. Pero maporma naman ang ulupong. Dapat sa isang katulad ko sila nagtatanong. Isang Fashion Stylist. Lol! Hahaha.

Hindi ko napigilan ang tumawa.

Napalingon sa akin si girl the higad.

"Oh ano ang tinatawa tawa mo jan bakla?" irita niyang sabi.

Oh kita mo tong babaeng to. Maayos naman pala siyang magsalita pero kapag si Miguel ang kausap nagiiba ang tono. Aba Matinde! Bigyan ng Hopiang flavor ube yan!

"Ang chaka kasi ng napili mong damit." walang paligoy ligoy kong sabi na medyo natatawa pa.

"Megel eh sebe neye penget dew yeng demet ne nepele ke." maarte niyang pagsususmbong kay Miguel.

"Halla kayo! Nasapian na naman ng malanding espirito si ateng." sabi ko.

Tinignan ako ni girl ng sobrang sama at hinila si Miguel palayo sa pwesto namin. Siguro maghahanap pa siya ng mga baduy na damit. Siguro ngayon yung stripes na pink at blue naman ang hahanapin niya. Go ateng! Kaya mo yan! Hahahaha.

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon