Chapter 03

4 0 0
                                    

Miguel POV:

Putangina! Pinahiya na nga niya ako kanina sa hallway pati ba naman dito sa loob ng klase pinahiya niya ako. Nakakadalawa na siya ah. Sumusobra na siya. Mapapatay ko na to. Kung di lang masamang pumatay. Kanina pa may duguang bakla dito. Sinulyapan ko siya at ngiting tagumpay ang bakla. Humanda ka sa akin. May araw ka din sa akin.

"Listen class." announce ni ma'am.

"We will have an activity. This activity is by two. So ibig sabihin kung sino ang katabi niyo, siya ang magiging kagrupo niyo."

Napatingin ako kay bakla at ganun din siya. Sinamaan ko siya tingin. Makakagrupo ko tong baklang to? Anak naman ng pusang kalbo oh.

"Ma'am ano pong klaseng activity?" tanong ng isa kong classmate.

"Well, this activity is about making an essay about your seatmate. So ibig sabihin lang nun kailangan niyong kilalanin ang seatmate niyo. Wag kayong magalala. Next Friday pa naman ang passing kaya may 1 week pa kayo para gawin."

So isang week kong kasama etong baklang to? aba hindi ito makatarungan. Eh kung wag ko nalang kaya gawin? kaso baka bumagsak ako. Pagtitiisan ko nalang siya or dun sa buong 1 week na yun eh pahirapan ko siya. Magandang ideya yun. Sa ganun makakabawi na ako sa mga pagpapahiya niya sa akin. Tinignan ko siya at nginisian ng nakakaloko. Tignan ko lang kung siya matakot.

Jerome POV:

Ngumisi ng nakakaloko si Miguel. Naku may masamang plano tong lalaking to. Grabe kung ngumisi eh. Katakot lang.

Anyway para sa grade naman. Kaya titiisin ko ang 1 week na makasama siya. Iisipin ko nalang na may kasama akong aso. Yup. Isa siyang aso. Hahaha. Siya nalang kunwari si Miggy yung aso kong corgi na nasa apartment ngayon. Awwww. Miss ko na siya. Huhuhu.

"Uy kailan tayo magsisimula?" tanong ko sa kanya.

Aba ang gago ngumisi pa bago sumagot.

"Baket? excited ka na bang makasama ako?" sabay wiggle ng kilay. Nakakakilabot. Tumayo lahat ng buhok ko sa katawan.

"As if naman na gusto kong makasama ka." pagtataray ko sa kanya.

"Bukas na tayo maguumpisa. At sa bahay namin tayo gagawa."

"Huh?! At baket kailangan sa bahay niyo pa? Pwede naman dito sa school."

"Tanga ka ba? o nagtatatanga tangahan lang? Pero mas prefer ko yung unang pagpipilian. Sabado bukas. Sarado ang school. Magisip ka nga."

Aray hah. Ang sakit magsalita.

"Okay. Fine. Galit agad? Highblood agad? Pero baket kailangan sa bahay niyo pa? tanong ko sa kanya.

" Kung sa inyo tayo gagawa baka patayin mo ako. Kaligtasan ko ang nakataya dito noh." pageexplain niya sa akin. Akala naman niya gagawin ko yun. Kahit na kaaway ko siya, di ko naman kayang pumatay na tao.

"Eh baka ako naman ang patayin mo kapag dun tayo sa bahay niyo gagawa?"

"Wag kang magalala. Di ako pumapatay ng bakla. Sa sarap ko lang sila pinapatay." Sabay ngisi.

Kita mo tong lalaking to. Manyak talaga. Sarap ikiskis sa pader yung ano niya.

Di ko siya sinagot. Inirapan ko nalang siya. Wala din naman mapupuntahan tong usapan na to. Matino siyang kausap eh.

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon