Chapter 02

6 0 0
                                    

Jerome POV:

Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room kung saan ang sunod kong klase ay may mga hyena na nakatingin sa akin. Ang alam ko dead flesh ang kinakain ng mga ito. Buhay pa naman ako ah. Actually, mga babaeng masama ang tingin sa akin talaga ang nakikita ko hindi mga hyena. Hindi ko nalang sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad ko ngunit biglang may humarang sa harapan ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Hoy bakla!". Ako na naman ang nakita. Jusko patawarin

"How dare you to do that to my prince?" sabi nung babaeng isang linya nalang ang kilay. Nagtira pa siya hah. At tsaka sinong "prince" ang tinutukoy nito?

"Ah eh excuse me huh. Anong pinagsasabi mo?" sagot ko sa kanya. Eh wala akong idea sa sinasabi niya.

"Maangmaangan ka pang bakla ka!" sigaw niya sa akin with matching talsik laway pa yun. Kadiri lang mga ateng.

"Hoy babaeng ang kilay ay isang linya nalang at parang Nike na nakabaliktad ang kilay. Baka gusto mong ubusin ko yang kilay mo? Hindi ko kilala yang "My Prince" mo. Kaya manahimik ka jan dahil may klase pa ako." sigaw ko pabalik sa kanya pero wag ka walang tumalsik na laway. Very Good Jerome. Hahaha.

"How dare you!" gigil niyang sabi.

"Do I dare you?" oha? taob ka girl!

Nanginginig na siya sa sobrang galit. Samantalang ako natatawa sa itsura niya. Mukha siyang donkey na galit. Wait nga lang ano bang itsura ng donkey kapag galit? Hindi ko alam. Hahaha.

Nagring na ang bell. Second bell na yun. Magsstart na ang sunod kong klase. So ang ginawa ko nalang is dinaanan ko siya. Wala na akong pake sa kanya at dun sa "My Prince" niya kung sino man yun. Tinakbo ko hanggang room.

Hingal na hingal ako pagdating ko sa room. Buti nalang wala pang instructor. Feeling ko late na naman yun. Lagi naman siyang ganun. Wala ng bago. Dahil wala pang instructor ayun naging palengke ang room. Daldalan dun, daldalan dito, daldalan everywhere. Pak yan!

Umupo ako sa tabing upuan ng mga kaibigan ko. Pagkaupo ko palang chinika na nila ako.

"Uy sikat ka na sa buong campus ah." bungad sa akin ni Santi.

"Huh?" curious kong tanong. "At baket naman?" dagdag ko.

"Eh kasi naman kalat na sa buong campus na inaway mo si Miguel." sabat ni Rubie.

"Patay ka ngayon girl." pagsali naman ni Roanne. Tinakot pa ako ng babaitang to.

"Halla. Ako ba ang umaway? Siya kaya ang nauna. Tinapos ko lang." actually di ko alam kung tapos na talaga. I think magsisimula palang. Nakakaiyak!

"Ang alam ko lang patay ka sa kanya. Gaganti at gaganti yun." babala sa akin ni Roanne.

"Hindi ko alam kung mga kaibigan ko kayo. Alam na ngang natatakot na yung tao, tatakutin niyo pa. Eh kung tulungan niyo nalang kaya ako. Baka sakaling matapos na tong gulong to." sabi ko sa tatlo.

"Matatapos lang tong gulong to kapag isa ka ng malamig na bangkay." sabi ni Rubie. Sige manakot ka pa Rubie.

"Oo nga. Hindi na kami magtataka kapag nabalitaan namin na "May isang bakla natagpuang patay sa kanto." sige ipush mo yan Santi. Tulak kita sa kinauupuan mo eh.

"Uy tumigil na kayo." sita ni Roanne. Ah nakakatouch naman. Buti pa siya mabait na kaibigan.

"Wag kang magalala girl. Sagot ko na ang tinapay at kape sa lamay mo." dagdag niya at tumawa pa ang impakta at nakisali na din yung dalawa pang impakta. Sinabi ko bang mabait si Roanne? pwes binabawi ko na.

Everything Has Changed (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon