part 5

169 3 1
                                    

>TIMMY's pov<

pag tigil na pag tigil pa lang ng bus namin kagabe nag madali kaagad akong umalis sa pwesto namin ni bebi para kunin yung gamit ko dun sa likuran, alam kong may sasabihin sya pero hindi ko na lang muna sya pinansin, nung pag baba namin hinila nya ako para makapag usap kami pero ako na ang umayaw, sabi ko na lang sa kanya pagod ako tyaka gusto ko ng matulog talaga, totoo naman yun eh, pagod talaga ako, pero bukod sa pagod na nararamdaman ko physically nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko,

nasasaktan ako,

nasasaktan ako para sa sarili ko dahil dahil wala naman akong magawa, hindi ako galit kay bebi pero nainis lang ako sa mga narinig tyaka nakita ko, tao lang din naman ako, kahit na harap harapan kong sinasabi sa kanya na mahal ko sya nasasaktan pa din ako pag alam kong balewala lang ako sa kanya

nasasaktan ako kasi alam kong mas nasasaktan si choi, alam kong kahit konte may gusto na din sya sakin pero hindi ko lang din alam kung wala na ba syang gusto kay vince, mahirap manghula, pero mas mahirap kung pangugunahan mo na lahat ng bagay

alam kong nahihirapan at naguguluhan pa sya, sa totoo lang hindi ko alam kung yung nararamdaman ko ba ngayon eh awa para kay choi dahil hindi sya napanindigan ni vince o mas kailangan ko bang maawa sa sarili ko dahil alam kong pareho lang kami ng sitwasyon?

sigurado kong napaisip din sya kagabi, alam ko naman kasi talaga na nag sorry sya sakin kagabi nung pinatulog nya ako sa dibdib nya, sa totoo lang gising pa talaga ako nun, nag pupunas kasi ako nun ng luha ko ng mabitawan ko yung cellphone nya habang pinapakinggan yung voice message nya para kay vince, ng makita kong biglang naalimpungatan si bebi pag ka hulog ng cellphone nya nag panggap na lang akong natutulog kahit hindi ko na talaga mapigilan yung pag tulo ng luha ko, ayoko kasing maabutan nya ko sa ganong itsura baka mas lalong hindi ko mapigilan yung pag-iyak ko

"GUYS GISING NA DAW SABI NI MAMU! MAG BEBREAKFAST NA" sigaw ni julie sa tapat ng kwarto namin nila bianca,camille tyaka des, apat kasi sa isang kwarto dahil dalawang malaking bed naman yung naandun, pag baba ko sa kitchen tumabi agad ako kay bebi para hindi naman nya isipin na iniiwasan ko sya dahil lang sa mga nakita ko,  tyaka kilala ko tong si bakla, pag hindi ko to pinansin paniguradong hindi nya rin ako papansinin

"oi bebi usap tayo mamaya huh?" bungad nya kagad sakin pag kaupo ko pa lang sa tabi nya

"bakit mamaya pa? bat di na lang ngayon? hindi pa ba tayo nag uusap sa lagay na to?"

"oh? ang aga aga ang sungit sungit mo? alam ko namang may kasalanan ako sayo eh, pero pwede mo naman akong pag paliwanagin diba?"

"paliwanag saan?" sa nakita ko sa cellphone mo? okay lang naman yun, naiintindihan ko talaga sya, alam ko naman kasing hindi agad agad yung process ng pag momove-on

"basta usap tayo mamaya huh? kumain ka na muna para may lakas ka mamaya pag inaway mo ko"

edi kumain lang muna kami, pag tapos ng iba kumain nag paalam sila kay mamu na aakyat sila sa taas para mag palit ng swim suit >.<

eh? talagang mag si-swimsuit? todo bigay naman tong mga to ! palibhasa mga sexy eh >.< kaya ang lalakas ng loob! pag baba nila lahat sila naka two piece na. AS IN TWO PIECE LANG wala man lang kahit anong pang takip muna

"HEY GUYS TARA NA SWIMMING NA TAYOOOO ^___^" sigaw ni bianca na tuwang tuwa pa habang bumababa sa hagdan

"wow ahh! talagang two piece agad agad? hindi ba pwedeng takip takip  din muna? buti hindi ka pinagalitan ni carl?"

"bakit naman sya magagalit? sipain ko pa sya! malamang beach to anong gusto nyang suutin ko? gown? DIBA CARLITO"

"oo nga naman! okay lang naman na mag ganyan sya, basta wag lang syang mag rereklamo sakin na binabastos sya kasi uupakan ko pa sya DIBA BIBINGKA?"

Beks Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon