naka segway!!

347 6 14
                                    

>TIMMY's pov<

pag pasok pa lang namin ni rhea ng gate galing sa park  para tumambay at kumain nakita namin na palabas si choi galing sa studio

"hi bebi"

(?____?) ay? dinedma ako ni ateng? "di ako pinansin? nu nangyari dun?" tanong ko kay rhea pag kalagpas na pag kalagpas samin ni choi

"tsk! malamang alam ko mag kasama tayo diba?"

"psh! nambara ka pa eh no? bwisit na bakla yun hindi man lang ako nilingon"

"hahaha kawawa, pero parang naiyak sya timmy"

 ?

"huh? umiyak? ewan, hindi ko napansin eh"

"nag pupunas kasi sya ng pisnge eh, adik ka talaga eh no? ikaw ang tumawag sa kanya tapos hindi mo nakita"

"eh sa hindi ko napansin eh tyaka masyado kasi kong naiinlove sa kanya pag tinititigan ko sya hahaha kaya nga iniiwasan ko gawin yun hanggang maari eh harhar"

"bakit ang landi mo na?"

"mana kasi ako sa inyo hahahaha, tara na nga pasok na tayo tanong natin sa kanila kung bakit ganon si bebi"

"tara"

"BAKIT UMIIYAK SI CHOI?" pasigaw na tanong ko sa kanila  pag ka-pasok ko pa lang sa bahay, lahat kasi sila naka tambay ngayon sa sala habang nag aaway sa hindi ko malamang bagay. sabay sabay naman kasi silang nag sasalita kaya wala na akong masyadong maintindihan sa kung ano mang mga sinasabi nila

"kakagulat ka naman timsy, bigla bigla ka na lang sumisigaw diyan" -julie

"nag aaway away kasi kayo diyan eh >.< ni hindi nyo na nga napansin na pumasok kami ni rhea"

"nag aaway ba kami? nag uusap-usap lang naman aah?" -julie

"usap habang nag sisigawan? ganon? eh daig nyo pa nga kung sumigaw yung mga kundoktor na nag tatawag ng pasahero eh"

"hahaha ang panget mo naman mag describe! kantong kanto yung salita mo huh hahaha"

"psh! wag mong baguhin yung usapan, dinadaan mo ko sa kwento eh"

"pansin mo din pala? hahaha"

"ano baaaa, bakit nga kasi umiiyak si choi?"

"umiiyak si choi? hindi naman yata eh, pano mo nasabi?" -kysler

"naka salubong namin sya, nakita din ni rhea na nag pupunas sya ng pisnge"

"eh? nag punas lang ng pisnge umiyak na kagad? hindi ba pwedeng madumi lang talaga yung muka nya"

"hindi eh, namamaga din kasi yung mata nya tapos namumula pa sya, eh ang puti puti pa naman nun ni bakla diba" -rhea

"eh syempre nag inum din kami eh' kaya siguro namumula sya" -kysler

"eh bakit namamaga yung mata nya? ano? pati yung mata uminum na din ng alak? tsk! sabihin nyo na kasi kung bakit sya umiyak, mahirap kayang mang-hula"

"tama na nga yan! ang dami kasing kalokohan ng lalaking to eh! nakaka inis! wag kang matutulog sa kwarto kysler huh! bahala ka kung sang parte ng bahay ka hihiga! basta wag kang papasok sa kwarto!" inis na sabi ni desirey kay kysler tapos umakyat na sya ng kwarto

"oh bakit galit na galit si des? ano ba kasing ginawa mo kys?"

"ahh? eh, ano kasi eh, amm anooo bahala na nga kayo mag paliwang kay timimay, ME LOVES ANTAYIN MO KO, AYOKO MATULOG SA LABAS" sabay takbo nya pataas para habulin si desirey

Beks Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon