audition

301 5 3
                                    

nakaka badtrip tong araw na to >.< on the way na ko pauwe galing sa mall, nag window shopping lang kami nung tatlong baliw kaso umuwi ako ng maaga pano ba naman kasi tinxt ng mga ate ko yung number ni leslie, pinapauwi na ako dahil may auditionees na nga daw sa bahay at kelangan lahat ng member na andun para mag judge, alam kong may audition ngayon at okay lang yun sakin kaso naman kasi merong mag aaudition na nag papa-init ng dugo ko >.< and guess what kung sino yung isa sa mga mag aauditon? tsk!! sino pa edi si VINCE!! kabadtrip yun diba? pero wag na syang umasang ipapasa ko sya ano ko masokista? mehehehe ^______^ im so bad hahaha

pag ka pasok ko sa studio naka tingin silang lahat ng masama sakin, pati si manager? bat andito si manager? halaaaaaaa

"grabe timsy ang tagal lang? alam mo naman na may audition ngayon diba?!" sabi ni ate rhea na pagalit yung tono pero naka ngite? hahaha para-paraan nya para mawala yung madilim na aura dito sa studio

"waaaahhhh sorry po, nakalimutan ko po, sorry manager TT.TT"

"mag uusap tayo mamaya pag katapos, umupo ka na, simulan na ang audition"

"opo :( sorry ulit"

maraming nag audition hindi lang si vince, sabi daw pala kasi ni manager magiging bias naman daw kung ganon kaya nag open ulit sya sa mga gusto mag audition at infairness ang dami nga nila, yung iba- grupong sumayaw yung iba naman individual lang, lahat naman sila magagaling kaso minsan nasosobrahan sa energy kaya pumaangit yung pagkaka sayaw yung iba naman kinakabahan ata? kaya nakaka limutan yung step, pero dahil sa mabait ako halos lahat naman yun pinasa ko pero nung si vince na yung sumalang kahit hindi pa sya sumasayaw binagsak ko na sya ^_____^hahaha pero syempre joke lang yun noh! pag dating sa sayaw dapat professional, walang personalan, lalo na nung si vince na yung sasayaw tumabi pa tong baklang choi na to sakin =.= nasesense ata nyang ibabagsakko yungpinaka mamahal nya=.= tsk!

"wag kang mag alala hindi ko sasabutahin yang jowa mo kahit na kating kati na kong ibagsak yan=.="

"hahaha alam ko bebi, pero syempre mas maganda ng sigurado hahaha selosa ka pa naman din" sabi nya nya na akala mo may papatayin akong tao kung makapag bantay sya. bakit masama ba ko? hindi naman diba? medyo lang naman eh =.=

pero infairness naman sa jowa nya huh magaling nga >.< nung pinasayaw nga sya ng slow dance naka tingin pa sya dito sa katabi ko! at sineseduce nya ata? at mukang effective pano eto namang katabi ko kinikilig nga! ang landi talaga, nag bablush pa  talaga sya kaya ang ginawa ko ayun kinurot ko sa tagiliran para matauhan

"aaaahh,awww awww awww mareeeeee, stopeeettttt" sabi nya habang pinipigilan yung kamay ko na kurutin sya ng pino, take note nakuha nya pang sabihin yan ng pabulong kasi nga hindi sya pwede sumigaw habang merong sumasayaw kasi baka nga maka distract diba? kaya kahit ang o.a ng arte nya  kahit  hindi ko naman diniinan yung kurot ko tinigil ko na lang baka kasi mapagalitan pa kami

"ang harot mo bakla! halatang hinuhubaran mo na sya diyan sa utak mo!" sabi ko naman sa kanya ng pabulong, naka tingin lang kami kay vince habang nag uusap kami

"wiss (tama) ka girl, ang hawt naman nya kasi eh @.@, tell me boylet ko ba talaga yan? goddess waging wagiiiii"

"kadiri ka! napaka manyak mo" 

"achuchu seselos ka nanaman nyan? pinag usapan na natin to diba? hahaha"

"kapal ng muka mo, bakit ako mag seselos? eh mas magaling pa ko mang seduce kesa diyan>.<"

"hahahha eh bakit sa seduce thingy ka umaapela? hahahah wala naman akong sinabi huh ^___^ ikaw bebi huh, mas mayak ka pa sakin hahaha"

"letche ka kasi umalis ka na nga dito sa tabi ko! pati ako mapapagalitan sayo eh" pahiya naman ako dun >.< wala nga naman kasi syang sinabi kung bakit ako nag seselos =.= kakaiba talaga mag isip yung utak ko bakit ganon? tsk

"hahaha pahiya ka no bebi? hahahaha, manyak kasi hahaha"

"tumahimik ka na nga! kung ayaw mong ihampas ko tong upuan ko sayo =.="

"ok bebi ko"

**TSUP**"

O.O

hinalikan nya ko ^______^

sa pisnge –.–

syang naman ! dapat pala humarap ako sa kanya para sakto sa lips hahhahahaha grabe ang laswa na din ng utak ko noh? >.< ganyan talaga ang impluwensya ng baklang si choi sa buhay ko ! pero ok lang naman kasi sa kanya lang naman ako ganto eh, ok lang naman yun diba? atleast i know na kahit may taglay akong landi ngayon, sa isang tao lang ginagawa diba?kaya nga ilag sa mga tymer jan hahahaha ^____^

pero syempre para hindi naman halatang gusto ko yung ginawa nyang pag halik sa pisngi ko binatukan ko sya kasopumapag naman sya kinurot nya ako sa legs kaya ang resulta -------- napatayo ako =.=

alam nyo yung pakiramdam na nautot ka sa public place tapos deadma ka lang kasi kala mo yung utot mo walang sound tapos maalala mo na lang na naka headset ka pala? ganon yung pakiramdam ko ngayoneh =.= ang awkward >.<

CLAP*CLAP*CLAP*CLAP*

"magaling ka naman pala talaga sumayaw eh, he.he.he hindi naman pala ako niloloko ni choi he.he.he" buti na lang nung napatayo ako tapos na sumayaw si vince! woooh, nakapag palusot pa ko hahaha

"ok, thank you mr. vince tatawagin na lang namin kayo mamaya, just wait outside ok" sabi ni ate camille kay vince para lumabas na at pumasok yung susunod na sasayaw pero ako bago ako umupo binatukan ko muna si choi ng malakas, pambawe sa ginawa nya ! napaka nya hindi man lang nya inisip na andito si manager :( bibingo na ko dun mamaya waaaaahhhh TT.TT

natapos yung audition ng matiwasay =.= actually pito lang yung nakapasa yung iba kasi hindi mag kakatugma yung mga boto namin, minsan kulang sa votes yung iba naman hindi talaga naka pasa, yung dun naman sa grupo hindi sila nakuha lahat, binigyan kasi sila ng number bawat isa bago sumayaw pinaliwanag sa kanila na may tendency na hindi lahat sila maka pasok pero sasayaw pa din sila nung sinabi na sa kanila hindi buong grupo makaka pasok nung nag announce na ayaw naman bumitaw sa grupo nila =.= yung isa sa pitong naka pasa kasama si vince! ok lang naman eh, actually kasama naman ako sa mga nag pasa sa kanya, magaling naman kasi talaga sya. walang halong ka-plastikan 

pag tapos ng audition umalis na yung mga hindi naka pasa yung iba naman kina usap ni manager para bumalik sa orientation bukas, pag katapos nya sabihin yun sa mga naka pasa pinaiwan nya kaming tatlo nila choi, vince at ako, kinausap nya yung dalawa about dun s regulation at sa tiwala na ibibigay ni manager, diba nga ok lang sa kanya na may relasyon sa grupo basta yung limitation at tiwala ni manager wag sisirain?, tapos ako pinagalitan na wag daw ako umaattitude, wag daw lalaki ang ulo ko porket member na ko kaya nag sorry na lang ako at sinabi ko na hindi na ko uulit, nung natapos nya kami pagalitan na parang nag bibigay lang sya ng advice dahil ang lumanay ng boses nya umalis na sya kaya kaming tatlona lang ang natira

"narinig mo yun theng? wag kang pasaway sabi ni manager!"

"narinig mo din yun bakla? bawal mag nilandi kaya ibig sabihin nun bawal kayong mag sama sa kwarto!"

"hahaha wala naman sinabi si manager ah! seselos ka nanaman ba?"

"oo nag seselos ako =.=, kaya kung ayaw mong gerahin ko kayo ng jowa mo wag kayo mag sasama sa kwarto!"

"hahaha eh pano ba yan? dito na din ako titira, edi araw-araw ka ng magseselos? sabi ni vince na niyakap pa si choi >.< taragis tong dalawang to, tama bang sa harap ko pa? nag seselos nga ako diba? nananadya talaga !

"wag ka mag alala mapaselos nyo man ako, sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya sa pagtira mo dito (evil laugh) hahaha"

"bebi =.= tsk!!!" pag sabat ni choi ! oo nga pala wag ko daw aayawin tong jowa nya psh!

"bwiset! saksakin ko kayo ng ballpen diyan eh" tumayo na ko, papasok nako sa bahay, hindi makaka buti sakin manatili doon sa studio, hindi sila magandang view para tignan at lalong hindi sila oatmeal na good for the heart >.<

"wag ka na magseselos huh, mahal naman kita mare eh, kaso mas mahal ko nga lang talaga si vince hahaha"

"wag ka mag-alala mag hihiwalay din kayo---- pinag darasal ko yun eh hahahaha"

Beks Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon