cant help it

306 9 0
                                    

fast forward

habang tumatagal lalo kong nag kaka crush sa baklang yun, grabe tinamaan ata talaga ko =.=

mapang asar naman kasi sya ee! talagang todo-todong pang aasar na palibhasa nasa iisang bahay kami nakatira >.< yung pang babadtrip pa nya imbis na mainis ako parang kinikilig pa ko? nakakatawang pagibig to =.= one sided? tsk!

kaya tuloy mas lalo kaming inaasar sa bahay ee, naging mas sweet kasi si bakla sakin ngayon, halos hindi na nga yun kumakain pag hindi ako kasabay ee, bakit? para may taga hugas daw sya ng plato nya! tsk pati pag laba gusto nya sabay kami para ako mag banlaw, pag nagpaplantsa naman papasabay na nya yung kanya para tipid daw sa kuryente? o diba' masyadong mang gagamit?

pero syempre joke lang yun noh, ano ko? katulong nya? baka palamon ko sa kanya yung buong sabong bareta pati plantsa !! oo nag sasabay kami sa mga ganyang gawain pero hindi ako tanga para mag pauto sa kanya noh, kahit na nag popout pa sya pag inaaya na nya ko kumain, kahit nagpupunasan pa kami ng bula pag mag lalaba, kahit umaakbay pa sya sakin para maki sabay  mag paplantsa, kahit kinikilig na ko sa pag ka bakla nya >.< hindi ako uto-uto noh hahaha

pag inaasar nila kami sa bahay na bagay daw kami syempre ako tuwang tuwa deep inside. kasi nga diba one sided lang to, kaya dapat kahit konti patago lang yung pag landi ko kaso si bading minsan maka react kala mo pinapaliguan ng isang drum ng bacteria ee !! alam nyo yung salitang MAARTE ? sya yun ee.

"hoy bakala, bagay kayo ni timmy !! pag sawa ka na sa buhay bading mo si timmy jowain mo huh ^______^" sabi ni ate Bianca habang naka upo sa sofa tapos sumasayaw? minsan talaga sakit yan ng mga dancer ee !! naka-upo ka man o naka tayo? o kahit ano pa ginagawa mo basta nakarinig ka ng tugtog? sasayaw at sasayaw ka na lang bigla !! swear tanong nyu yan kahit kanino .

"leshe, ako bianx tigil-tigilan mo ko, alam ng buong sambayanan na lalake din ang hanap ng katawang lupa ko" sagot ni choi kay Bianca, o diba' ang landi? ang lakas mag pakilig sakin tapos gaganyan-ganyan sya? kaya hindi na ko mag tataka kung mawalan ako ng under wear pag maglalaba kami ng sabay ee >.<

"asus bakla, lalaki man ang hanap mo, darating ang panahon na babagsak ka din sa alindog ko hahahhaha" sabi ko sa kanya

"MALANDEE !! kilabutan ka nga, TOMBOY KA!?"

"tomboy? hahaha sige, handa ako mag paka tomboy maka sama ka lang !! harharhar" ganyan timmy tama yan makipag sabayan ka sa asaran para hindi ka masyadong halata =.=

"nagtatapat ka ba ng iyong nararamdaman para sa akin binibini? hahaha ipagpatawad mo ngunit hindi ako nararapat sa iyong pagmamahal, sanay iyong maunawaan hahaha ang panget putik, hahaha"

 "hahaha gago bakla di bagay sayo, diba yung sinabi ni timimay kanina yan din sinasabi mo sa mga lalaki mo? hahhaha" sabi ni kuya rico habang nakikipag chess kay ate desirey. o diba ganda ng palayaw ko sa kanya, timimay >.<

"DUH!! sila kaya nag sasabi sakin nun rico, kapal mooooooo"

"hahaha eh sino unang nag i-i love you huh? kala mo di ko alam? hahaha"

"oo na rico! ako na! ako na nauuna lagi ! dapat lang na nag i-ilove you na kagad noh, para maka rami hahaha, sayang ang beuty"

"grabe bebi, ang sama mo pala talaga no? hindi mo ginagamit sa mabuting paraan yung bagay na meron ka hahaha" sabat ko sa kanilang dalawa, ang sama ng ugali nya! mapang abuso lang?

"hoy bading, sa kaso ng pag katao ko minsan ako pa ang nagagamit noh! kaloka to, kung hindi ako makikipag sabayan sa kanila ako ang talo gaga ! "

"kaya kahit sino na lang sasabihan mo ng i love you? ganon ba yun?" sabi ko sa kanya pero nag shrug lang sya,

"i love you na lang din bebi, para hindi na ikaw ang laging nauuna mag sabi hahhaha" sabi ko na lang sa kanya syempre medyo totoo yan hahaha para kahit pabiro nasasabi ko pa rin sa kanya diba :)

"wow, katouch naman teh and becouse of that a lab yo tu na po hihihi" 

"ano? ayusin mo nga pag kakasabi mo! nakalunok ka nanaman ba ng ipis huh? napaka arte talaga" 

"la-la-la, demanding? boyfriend kita?"

"hahaha oo isipin mo lalaki mo din ako, mag i-ilove you ako sayo tapos bigyan mo ko ng 500 ^_____^ hahaha"

"pakyu, ang mahal naman ng serbisyo mo ! bakit may abs ka ba? hahaha"

"oo dalawa hahaha ang taas nga ee tignan mo hahaha"

"WAHAHAHA yan ba?" sabay turo nya sa dibdib ko kaya natawa din ako, oo yung tinuro nya yung tinutukoy ko hahaha, ang sama na ng tabas ng bibig ko, naimpluwensyahan na ni bakla ang inosente kong isip hahaha "yung umbok nyang dibdib mo parang abs lang talaga ee hahaha ang liit"

"atleast ako may dibdib eh ikaw? hahaha"

"meron tanga! lahat naman ng tao may dibdib ee, gaga hahaha"

"bobo ka naman! wala namang umbok yang sayo ee! feelingera hahaha" sabay dutdot ko sa dibdib nya

"dami mong sinabi girl! gusto mo lang mag i love you ko sayo ee hahaha"

"ayan sinabi mo na! edi i love you too hahaha"

"yuck! creepy, obssess much sakin? hahaha"

"oo liligawan na nga kita ee, mag totomboy na lang ako para sayo hahaha"

"haliparot >.< wala kong balak lasunin yung sarili ko noh, babae din ako ok? BA-BA-E! kaya friendzone ka sakin dhay hahaha"

"babastiden mo ko?"

"OO NGAYON PA LANG HAHAHA"

"palunok ko to sayong kamao ko ee !"

"bitter"

"bakla,bakla,bakla,bakla,bakla,bakla"

"tomboy,tomboy,tomboy,tomboy,tomboy,tomboy"

>.> - ako

<.< - sya

(>.>)  ~~tinginan~~ (<.<)

WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA tawa naming dalawa ng malakas kaya napatingin samin silang lahat hahaha minsan talaga kaming dalawa lang nakaka intindi sa isat-isa. kaya bagay kami ee, hahaha kilig much ^______^

Beks Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon