this is it

288 6 2
                                    

on the way na ko pauwe galing kila leslie, nag tatampo na kasi yung mga ugok =.= hindi na daw ako sumasama tumambay sa kanila lagi na lang daw kay baklang choi kaya sumama muna ako sa kanila, wala naman kaming ginawa  bukod sa manuod ng tv at i-hot seat ako >.<

nagagalit sila kung bakit lagi na lang daw ako umuuwi ng maaga tapos laging si choi pa ang kasabay ko, sabi ko ganon talaga kasi nag ppractice kami ng sayaw, ok naman sa kanila yung sagot kong yon pero bakit daw laging kasama si choi? puro si choi? sabi ko ganon talaga syempre lumalandi ako ng patago ee diba? kelangan ko rin dumiskarte hahaha pero nung sinabi ko yun sa kanila ayun nag alburuto yung tatlo,

si leslie naiinis kasi crush din daw nya si choi, pero wala syang laban sakin kasi nasa iisang bahay kami ni choi, kaya nga para asarin pa sya kinuwento ko sa kanya kung pano kami mag landian sa bahay edi ayun, yung gaga tinaggap na yung pag katalo nya hahhaha ang bilis nyang kausap diba? kung katulad nya lahat ng haliparot na babae sa mundo hindi sana uso ang word na kabit ngayon diba hahahha tapos yung dalawa nag titimpi sa banas sakin halos gusto na nga akong kotonga ee, hindi lang magawa kasi pinanlilisikan ko sila ng mata bakit naman daw sa bakla pa ko nag ka gusto? pwede naman daw sa kanilang dalawa, papayag pa daw sila pag sabayin ko sila? hahahah mga baliw talaga kaya ayun naka tikim sila ng malupit na kotong kay leslie,

ewan ko din ba kung bakit ako nag ka gusto sa kanya, baliw na ata ako ee >.< nag ka gusto pa ko dun sa taong malayong mag ka gusto sakin ! hindi lang pala sakin, sa lahat ng babae =.=

ee anong magagawa ko? ito ang nararandaman ko? mapipigilan ko ba to? ee nilalandi din nya ko? syempre kahit pang asar nya lang sakin yun di ko maiwasan hindi kiligin >.<

kaya nga eto ako ngayon habang nag lalakad  pauwe nag papractice ako ng sasabihin ko mamaya sa kanya sa bahay,magtatapat na ko, alam ko kasing naandun na yun sa bahay sabay kasi ang out namin ngayon, wala pang ibang tao sa bahay bukod samin kaya aamin na ko ngayon ng one sided love ko para atleast kung tawanan nya ko kaming dalawa lang ang nakaka alam !! parang tanga lang, ako ang babae tapos ako ang mag tatapat? kalandian ko talaga grabe parang aapaw na >.<

 BAKIT BA NAMAN KASI BAKLA SYA TT.TT

andito na ko sa tapat ng bahay, huminga muna ko ng malalim at ngumiti bago ko pumasok ng bahay pam palakas lang ng loob, pero pag ka bukas ko palang ng pinto namin nakita ko kagad si choi

may katabing lalake

at nag hahalikan :(

pucha naman ! para kong pinag sukluban ng buong kalawakan ! yung ngiting hinugot ko pa sa kalamnan ko nawala bigla pag ka kita ko sa kanila !! bwiset >.< aamin pa lang ako ng kalandian ko sa kanya tapos ganto na kagad? wala pa nga tapos ang sakit na kagad TT.TT badtrip talaga

"BEBIIIIIIIIIIIIIIIIII" sigaw ko sa kanilang dalwa ! pasensya na hindi ko na kaya ee >.< ang laswa nila !! BAD BEBI ! BAD! BAD !!! sinasaktan mo kong bakla ka !!! 

"AIEH, GODDESS!! BAKIT KA BA SUMISIGAW!!"

"BAKIT KA NANLALALAKE!!!!!"

"EH KASI BAKLA AKO! ANG GUSTO MO MANTOMBOY AKO!!!"

"BWISET KA !!" nakakainis talaga ! wooooo, my ghad! kakalbuhin ko yang bakla na yan ee, ang pilosopo ! kainis ! dumiretcho na lang ako sa kwarto baka kasi samain sakin si kuya na jowa ng baklang yun, kailangan ko kumain ng bintilador!  nag iinit ang gulo ko my ghad ! 

nag palit munako ng damit tapos humiga sa kama matutulog na lang nababadtrip lang ako pag naiisip ko si bakla ee, tarageez sya >.< 

TOK.TOK.TOK

"hoy bruha! buksan mo tong pinto gago ka talaga minsan ee noh? napaka iskandalosa mo, pinauwi ko na natakot sa bunganga mo para kang naka lunok ng speaker ee!" sabi nya habang kumakatok sa kwarto ko, bakit nya pinauwi? adik pala sya ee

Beks Be My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon