Chapter 8

21 3 1
                                    

Devie Louvelle.

"Devie?"

"Yes, mom?"

Lumapit siya sa 'kin ng nakangiti.

"Can you please pick up my dress on your tita's dress shop? Nasa mall lang naman 'yon and it's alright if you wanna shop something. Day off kasi ng mga maids natin, and may pupuntahan pa kami ng dad mo."

Lumiwanag ang mukha ko.

"Sure mom! Tutal, bored ako."

Nag-drive na ako papunta sa mall.

Pagkababa ko sa sasakyan ko, napansin kong ang daming nakatingin sa 'kin. Mostly, mga lalaki.

Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy lang ako sa paglakad. Nang makarating ako sa dress shop ni Tita, kilala na ako ng mga staffs nila doon kaya binati nila ako.

Nilapitan ko ang secretary niya.

"Hello po. Nandito ba si Tita?" Tinignan niya ako saka ngumiti.

"Oo. Halika, nando'n siya sa office niya."

Hinatid niya ako papunta sa office ni tita at umalis na din siya.

"Tita!" I greeted. Inangat niya ang ulo niya so she can see me.

Tinanggal niya ang eyeglasses niya at ngumiti.

"Oh. Hi there, Devie. What brought you here? New dresses?"

"Uhm, I'm here to pick up mom's dress." Lumiwanag ang mukha niya.

"OMG! Here it is!" Tumayo siya at binigay saakin ang paper bag.

"I need to go na tita. Busy ka pa eh. Goodbye!" I kissed her left cheek. She waved goodbye hanggang tuluyan akong nakalabas ng shop niya.

*Vibrates*

Kinuha ko ang phone ko.

From: 09090909090
It's Blake. Meet me at Starbucks. No excuses. Now.

*

"Good afternoon, Ma'am."

Ngumiti lang ako sa guard at dumiretso sa look ng SB. Nakita ko agad si Blake na naka black polo sleeves. Nakatitig sa 'kin. Lumapit ako sakanya at umupo sa harap niya.

"O?"

"Wala man lang.. uhmm.. uh.. hello? Shit, fuck. Don't mind me." Saka, siya umiwas ng tingin.

Ba't parang ang awkward ng panahon? Parang.. parang.. may gusto siyang sabihin na ewan. Ugh, ewan!

"Ba't mo 'ko pinapupunta dito?"  tried to be calm para mawal ang awkwardness.

"Kasi guwapo ako."

Lang'ya.

Napairap ako sa kawalan. Nakakasakit siya sa ulo.

"Joke lang. Uh, pwede ba kitang i-tanan?"

Loading...

"ANO?!"

Maraming napatingin sa amin, pero wala akong pake. Ano ba'ng pinagsasabi niya?!

Itatanan niya daw ako?

He smirked.

"Kidding."

Sabi ko nga.

"Ano?" Asar na tanong ko. Tumawa lang siya sa 'kin.

"Hahaha. Pfft. Uh.. Halika."

Nagulat ako nang tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako patayo palabas ng SB papunta ng parking lot.

Tumigil kami sa harap ng sasakyan niya.

Binuksan niya ang shotgun seat door at tinignan ako.

"Pasok." Inirapan ko siya at pumasok sa loob. Pumasok na din siya sa loob.

Habang nagda-drive siya, tahimik lang kaming dalawa.

Hindi ko maiwasang mapalunok. Ang awkward. Sobrang tahimik. Dagdagan mo pa ang lamig mula sa AC.

Hindi ako nakatingin kay Blake, but I saw him on the peripheral view— nakangiti.

"We're here." Sabi niya. Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

Aish. Ba't ba kasi ang gentleman niya?

Lumabas na ako. Tinitigan niya ako.

Err. Obvious bang kinikilig ako?

"Devie..."

Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Wait. Is he planning to kiss me?

Yiie! Siya ang makakakuha ng first kiss ko! OMG! OMG!

"....Bakit ang pula ng pisngi mo?"

Saka niya nilayo ang mukha niya sa 'kin. Sige na, ako na ang napahiya. Buti na lang, hindi ako pumikit. Para 'di na matulad nung dati. 'Yung.. argh!

"Ch-Che! Halika na nga! T-Teka, ano 'to?"

Nasa harap lang naman kami ng isang mansion.

Ang nakakapagtaka lang, parang ito lang ata ang bahay dito, e. Maraming plants, pero hindi naman nakakatakot. Ang peaceful nga, e. Tapos malapit lang sa dagat.

"Bahay, malamang."

Lang'ya. Pilosopo. Bwiset.

"Eh nasa'n tayo?"

Ngayon nga lang naman kasi ako nakapunta dito.

"Sa tapat ng bahay."

"Pinipilosopo mo ba ako?!"

"Hahaha! This is our house."

Teka, ano daw? Uhm, pwede pa-ulit?

"This is our house."

"This is our house."

"This is our house."

"ANO?!" Hala. Hindi kaya seryoso siya sa sinabi niyang itatanan niya ako?

Napailing ako.

Aish, Devie! Ayan ka na naman sa imagination mong 'yan!


"Yep. This is our house. OUR house. We'll be living here. I'm yours. And you're mine. Got it?"

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon