Chapter 1

102 3 1
                                    

Devie Louvelle.

"Velle, are you looking for him? He's the hell out there. Flirting with Ella, I guess?"

There he goes. Nilalandi na naman si Ella. Pero hindi naman niya nilalandi, eh. Tch. Sort of, nancha-chansing. Sila na nga. Bagay sila, honestly. Pero mas bagay pa din kaming dalawa.

Epal kasi 'yang Ella na 'yan, eh! Siguro kung wala 'yan, mapapansin na 'ko ni Blake. Nasasayangan na nga ako sa efforts ko sakanya, tapos wala pa din.

Pero alam kong mapapansin niya din ako, someday. Who knows, 'di ba?

"Tama na ang pantasya, Velle. Can't you see? Halos langgamin na nga sila ng girlfriend niya, oh. Come on. Stop dreaming. Wake up!" 'Yan naman ang laging nasa isip ko, e. Ewan ko lang, hindi ko kaya. And I guess, never kong makakaya.

"Oh my God, Devie Louvelle! Umalis na tayo dito. Tinitignan ka na ni Ella!" Napatingin ako kay Ella. Nakatingin siya sa 'kin ng masama. Napaghalataan niya kaya ako? Well. Inirapan ko siya at hinila palayo si Alice.

"Hoy, babae! Don't forget, nandito tayo sa birthday party ni Jase, hindi para mang-stalk!" Pang-ilang sermon mo na 'yan, Alice Louisse Gomez? Tch.

"Oo na! Just please—"

"Give you an air to breathe? Tch. K, fine. Maghahanap pa 'ko ng boylet. Bye!" Umalis na si Alice. Naglakad-lakad muna ako. Marami-rami din ang tao dito sa garden.

Napatigil ako sa paglalakad. I think, I just saw Blake at the corner of my eye. Oo! Hindi ako pwede magkamali. Tinignan ko siya. Naglalakad. Nakatalikod. Malayo-layo na din siya sa 'kin kaya sinimulan ko siyang sundan. Hindi naman siguro niya 'ko mapapansin, kasi marami din namang tao.

Medyo malayo na din siya sa 'kin, kaya hindi ko na siya makita. Nasa'n na ba 'yon? Ang daming naka-Tux, kaya mahirap ko siyang mahanap. May mga nababangga na nga ako kanina.

"FUCK!"

Napatigil ako sa paglalakad. Ang OA naman netong si kuya, oh. Mahina lang naman ang pagkabangga ko sakanya. Nagawa pang mag-mura. Hmp.

"E'di, sorry!" Sarcastic kong sabi. Nakayuko siya, kaya hindi ko makita ang hitsura niya. Pero buhok pa lang, ang guwapo na. Tapos bigla niyang inangat ang ulo niya. God, nakaka-silaw ang kaguwapuhan ni kuya! G-Greek God...

"What the?! Freak fan ka ba, ha?!" Aw. Napansin siguro niyang titig na titig ako sa kaguwapuhan niya. Pero ano daw? Freak fan? Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Kuya? Sorry kung nabangga kita, huh? May hinahabol kasi ako, eh!" Nagmadali akong maglakad para makatakas sakanya, pero nahawakan niya ang braso ko. Uh, wrong move. Ang higpit ng hawak niya. Hindi ko pa din siya nililingon. Baka masilaw ulit ako. Che.

"Hinahabol? Sino? Ako?"

Ah, ang yabang pala nito. Ano siya, si Blake? Hindi ko nga kilala, eh. Napaka-epal. 'Di ko na tuloy makita si Blake ko!

Nilingon ko siya. Agad kong binitawan ang pagkahawak niya sa braso ko. Nakangisi pa siya.

"Oh?" Taas-kilay kong tanong sakanya. Tinuro niya ang tux niya.

"Kita mo 'to? Nabuhusan mo 'ko ng alak na ininom mo. Hindi ka pa nag-sorry." Oo nga. Amoy alak siya. Naka-Black Tux naman siya. Hindi naman halata. E'di magpalit siya mag-isa niya. Samahan ko pa ba siya? Tch.

"Kaya mo na 'yan mag-isa mo!"

"Tch. Hindi mo ba 'ko kilala?!" Boses pa lang niya, halatang iritang-irita na siya, pero wala akong pake. Bahala siya.

"Sino ka ba para kilalanin ko?!" Iritang tanong ko. Tinitigan niya 'ko ng maigi.

"H...Hindi mo 'ko kilala?!" Gulat niyang tanong.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon