Chapter 12

8 0 0
                                    

Devie Louvelle.

"Blake, bakit ka nakasunod sa 'kin?"

Pa'no ba naman kasi, kanina pa siya nakabuntot sa akin kahit saan akong pumunta. Parang tanga lang, 'di ba?

"Kasi nanliligaw ako sa 'yo."

See?

Kanina ko pa siyang tinatanong, ganyan lagi ang sagot niya sa 'kin.

Eto namang si ako, kinikilig din. Leche.

"Haha. Kinilig ka naman?"

Sino ba namang hindi?

"Ha? Hindi ah!"

Defensive na kung defensive. Psh. Makakahalata na siya sa 'kin.

"Defensive." Napatigil ako sa paglalakad. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang pisngi ko.

"Basta, kahit alam ko kung ano ang nararamdaman mo sa 'kin, maghihintay ako. Hihintayin kita. Kahit matagal pa."

Feeling ko, kamatis na ang pisngi ko. Aish, nakakainis. Parang gusto ko tuloy yumuko, kaso nakahawak sa pisngi ko si Blake.

Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. 'Kala ko sa labi niya 'ko hahalikan, pero sa noo lang pala.

"We're here."

Napatingin ako sa tapat ko. Nasa classroom na pala kami. Masyado na akong napa-paranoid.

"Sige. Bye." Naglakad na ako papasok, kaso biglang hilahin ni Blake ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.

"O?" Ngumisi siya.

"Kiss ko?"

Seryoso ba siya? E nasa classroom kami. May pa-kiss-kiss pa siyang nalalaman.

"Ano..."

Ang tanga mo talaga, Devie Louvelle! Ba't ka nauutal? Si Blake lang 'yan.. Si Blake lang 'yan. Ay, hindi. Siya si Blake. Siya si Blake...

"Haha. I'm just kidding."

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin 'saka ako hinalikan si pisngi. Tapos bigla na lang siyang tumakbo palayo.

Hmp.

Magnanakaw ng halik.

Gusto mo naman...

Malamang.

Pagkatalikod ko, nakita ko ang ChakaBella's. Nakataas ang kilay nilang tatlo sa 'kin.

I sashayed and go back on my desk.

I saw Alice. Namiss ko 'tong gagang 'to, ah. Panigurado, malandi pa din 'to.

"Ano 'yon, ha?"

Malisyosa.

"Wala."

Tinaas niya ang kilay niya at nginitian ako. A devilish smile.

"'Kala mo, wala ako nung proposal niya sa 'yo? Hahahaha!" Eh? Akala ko, nasa detention room na naman siya?

"Hey, hey, hey! Stop what you are thinking. Tumakas ako! Like, duh? 5 hours detention? Psh. Mukhang ako pa nga ang kinilig sa inyong dalawa! Tapos sumayaw pa talaga siya sa 'yo!? Omg! Sana ganyanin ako ni Thunder! Sana. Sana. Sana. Sana!"

Speaking of Thunder. Kulog.

Kamusta na kaya silang dalawa ni Alice?

"How's both of you?"

'Yung ngiti niya, unti-unting nawala sa labi niya. Hmm, is there a problem between them?

"Devie.."

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon