Chapter 10

20 1 1
                                    

Devie Louvelle.

Unti-unting dumilat ang mata ko ng matamaan ako ng sinag ng araw.

May naalala ako, nasa bahay pala 'to ni Blake. I mean, bahay namin. Kinikilig na ako, e! Pero siyempre, 'di ako aasa. Slight lang. Haha! Leche, ang saya ko.

Tumayo ako mula sa kama at lumabas ng kwarto. Saka ko lang na-realize na ang laki pala talaga ng bahay na 'to. Ng bahay daw namin.

Ewan ko ba, pero 'pag naaalala ko ang sinabi saakin ni Blake na bahay daw namin, parang may nagsasabi sa utak ko na "Rakrakan na!" Napangiti na lang ako.

Nang makababa ako, dumiretso ako sa kusina. Sumilip ako sa dirty kitchen. But when I saw someone... na nakatalikod na.. naka-boxers lang and, uhm, shirtless... uh. Eh? Ano 'yun?

"B-Blake?"

Unti-unti siyang tumalikod para makaharap niya ako. Napatingin ako sa suot niya.

Pfft.

Alam niyo 'yung nakakatawa?

Hahaha— Yeah! Hahaha!

Kasi ano— hahahaha.

Kasi naka-Barney lang naman siya na apron. Kung kayo hindi natawa, e 'di 'wag. Ako lang. Wahahaha.

"Hahahaha." Ayan. Natawa na talaga ako.

"Anong nakakatawa? Ha, Mrs. Morris?"

Boom.

A-Ano daw?

Tama kaya 'yung rinig ko no'n? Shit Devie, nabibingi ka lang! 'Wag mong taasan ang hope mo! 'Wag kang umasa.

I diverted my attention sa iba. Nanlaki ang mata ko.

"You're cooking?!" At napahawak ako sa bibig ko sa tuwa. Know why? Kasi pupwede na siyang maging asawa ko. A perfect busband. A perfect one.

"Tss. Obviously." Iritang sabi niya. "Alam kong natatawa ka sa apron ko na 'to. But... tch. My sister own's this. Kaya, please? Stop laughing?"

Seryoso ang pagkasabi niya kaya napalunok ako at napatango na lang.

"Now, sit there. I want you to watch me, you're husband soon, cooking."

Omg.

*

We're silently eating.

Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Yep, ang sarap ng luto niya, pero parang wala lang, kasi hindi 'yon ang nasa isip ko.

Kanina ko pa siya gustong itanong kung kanino 'yung red undies na nakita ko kahapon, kaso parang natatakot ako. Kasi naman, baka magalit siya saakin, 'di ba?

Tinignan ko ang plato niya. Nangalahati na siya.

Aish. Subukan ko na lang.

"Uh.. Blake?"

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako diretso sa mata at ngumiti.

"Yes, wife?"

Feeling ko, namula ako. Psh. Sino ba namang hindi, 'di ba? Tapos lalo akong kinikilig 'pag tinitignan ko siya. Kasi naman, nakangiti siya. Hindi 'yung peke.

"Ano.. p-pwedeng magtanong?" Alanganin kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay, pero nakangiti pa din siya kaya lalo siya gumuwapo sa paningin ko.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?" Taas-kilay niyang sabi sabay ngisi. Napakagat ako ng labi.

Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Parang ang intense. Intense ang tanong ko.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon