Chapter 11

7 0 0
                                    

Devie Louvelle.

"Hoy, gising!"

Bukas mo na 'ko gisingin.

"Ayaw mong gumising, ah..."

Oo ayaw kong gumising. Malamang, kasi tulog pa 'ko, Calvin Carter. Tinatamad ako, bukas mo na lang akong gisingin. At isa pa, hindi kagandahan ang boses mo kaya 'wag mo 'kong sigawan. Matutulog pa 'ko, kaya 'wag kang magul—

"ARAY!"

Aish.

Ba't niya 'ko hinulog sa kama?! At nauna pa talaga ang likuran ko. Ano ba'ng klaseng kuya 'to? Pangit na nga, ang sama pa ng ugali! Ewan ko kung anong gusto ng mga babae diyan sa kany—

"Hoy, Devie! Bakit nakapikit ka pa din?! Baka gusto mong mabuhusan ng malamig na tubig?"

Automatic napadilat ang mata ko. Leche, ang tagal ko na kayang nakatulog! Hindi ako masyadong nakatulog dahil hindi maalis sa isip ko ang nangyari kahapon.

"Wahahaha! Gising na! Baka nakakalimutan mong Monday ngayon?"

'Yan.

Okay na sana ako, pero pinaalala pa talaga niyang Monday ngayon.

*

Nang nasa tapat na ako ng gate, nakaramdam ako ng parang may mali. Hindi ko nga alam kung ano 'yon.

Psh. Napa-paranoid na naman ako.

Pumasok na ako ng school, kaso napansin ko na wala ni-isang tao. Kahit 'yung guards, janitress, janitors, wala. Nakakapanibago.
But I know na may klase ngayon.

Kumibit-balikat ako at pumunta pumunta sa classroom.

Pero pagdating ko do'n, I'm totally shocked.

Bakit walang tao?

Kahit sa corridor, wala akong nakitang tao. Hell, hindi naman ako na-inform na walang pasok ngayon, ah?

I just put my Christian Dior designer bag on my desk. But I noticed, may note na naka-dikit sa table ko.

It says,

Go to the garden. Now.

-Blake.

Eh?

Blake daw...

Bahala na. Pupunta na lang ako do'n. Kahit sa note, ang bossy niya! Nakakainis. Che. 'Kala ba niya, nakalimutan ko ang ginawa niya? Pwes, hindi!

E sa malandi ako, e. Bale pupunta ako dun! Hahaha.

*

Naglalakad ako papunta sa entrance ng Bar.

Psh. Kidding.

Of course, papunta sa Garden. Si Blake ang nagsabi eh. Duh.

When I arrived there, I'm totally surprised na may nahuhulog na mga roses.

Uh. I hate to say this, but is it the raining roses?

Until may lumapit sa 'king cute little girl na may hawak ng red rose.

"Ate, pinapasabi maganda ka pa daw sa umaga." Inabot niya sa 'kin ang red rose. Agad ko namang tinanggap 'yon.

Omg, I love roses kaya!

"Kanino ba 'to galing?" Ngiti lang ang sagot niya sa 'kin bago umalis.

Naglakad ulit ako. At may humarang na naman saaking lalaki. May hawak din na red rose.

"Ate, pinapasabi, ang babaeng tulad mo daw ay dapat mahalin. Hindi sinasaktan." Kinuha ko rin ang rose bago siya umalis.

Sunod, may lalaking lumapit sa akin na matabang lalaki. Siopao ang pisngi! Hihi. Ang sarap panggigilan.

"Ate, 'wag kang mawalan ng pag-asa sakanya. 'Wag kang mag-alala, mahal ka niya." Kinuha ko din ang rose.

Hindi ko mapigilan na mapataas ang kilay ko. Ano? Mahal daw ako? Nino? Ni Blake? Imposible.

Naglakad ulit ako, pero nagulat ako nang makita ang nakakalat na students.

Ang lakas ng tili nila. 'Yung nakakainis. Bwiset.

"Devie."

Halos manigas ako sa boses na narinig ko.

Si Blake 'yon, ah?

Tumingin ako sa harap. Pinapalibutan kami ni Blake ng sandamakmak na estudyante.

"I'm sorry..."

Biglang may nag-play na kanta.

Sorry by Super Junior.

Omo! K-pop?! The fuck, lalo tuloy ako na-inlove!

Nagsimula siyang sumayaw. Napakagat ako sa labi ko.

Err. Pa'no ba naman, ang hot niyang magsayaw, tapos tumutulo ang pawis niya. Leche, gusto ko tuloy punasan.

Tapos naka-gray shirt pa siya kaya lalo siyang naging hot.

Pakiramdam ko, nag-slow motion ang lahat.

Shit. Iba na 'to.

Masyado na ata akong into him. Kelangan, ma-balance ko din 'tong pagmamahal ko sa kanya.

Hanggang sa natapos na ang kanta, tinitigan niya ako.

"Devie..."

Nanlaki ang mata ko.

Uhmm.. naka-bedroom voice siya!

Lumakas lalo ang tili ng nga babae. Nakatitig lang ako kay Blake. Tinitignan ko kung anong susunod na gagawin niya. Nakatitig lang din siya saakin. Pero bigla siyang ngumiti.

Eh, matutunaw na ba ako? Ah! Ayoko na! Pinapahirapan ako ni Blake, eh! Patagal ng patagal, lalo siyang nagiging hot sa paningin ko.

"Devie, I know medyo nalilito ka pa din sa nangyayari, pero.. I'm sorry. You know, hindi ko sinasadya 'yon. I may be sound pathetic, pero sa tingin ko, ako pa ang nasaktan. Psh. Stupid, right? Pero ayoko lang na dahil sa simpleng salita na sinabi ko sa 'yo, magkakaroon na ng gap sa 'ting dalawa. At masisira kung anong meron tayo ngayon..."

Napahawak ako sa dibdib ko. Kumabog ng napakalakas ang puso ko.

Lumapit siya sa akin na may dalang bouquet ng roses. But not just a simple one. Kasi ang kanya, may red rose, white rose, purple rose, black rose, blue rose, green rose, and the rainbow one. Assorted.

"I'm sorry, Devie. Please... forgive me.."

Lahat ng tao, natahimik.

Kasali na ako doon.

Kusang nagsalita ang bibig ko.

"I.. forgive you..."

Ngumiti siya ng napakalapad at napakagat ng labi saka ako niyakap.

"Shit, Devie! Kinikilig ako!"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Blake..."

Binitawan niya ako at hinawakan ako sa balikat ko.



"Devie, I know this is too early to say this. Pero alam kong hindi ito infatuation love. So, com'on, Dev. Can I... court you?"

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon