Daniel POVGustong makipagkita saakin ni Sofia ngayon hindi ko alam kong bakit. Kaya nandito na ako sa napag-usapan naming lugar. Sa likod nang building.
Anu kayang sasabihin niya mukhang importante sa tono palang nang boses niya kanina sure akong serious matter ang pag-uusapan namin.
Sana nga makipaghiwalay na siya sakin. Yun nalang ang hinihintay ko para makalaya na ako, hindi ko kasi pweding gawin yun kaya siya ang hinihintay kong gagawa nun.
"Babe.." Tawag niya.
Hindi na akong nag-abalang tumayo sa kinauupuan ko.
"May kailangan kang malaman..." Seryosong seryoso ang mukha niya.
"Anu yun? Sabihin mo na may klase pa ako." Walang emosyon kong sabi sa kanya. Ganyan ko talaga siya kausapin para siya na mismo ang sumuko sakin.
Narinig ko siyang nagbuntong hininga.
"Si Kathryn, wag kang magtitiwala sa kanya Daniel. Sasaktan kalang niya. Yong paglapit niya sa inyo, yong pinapakita niya sa inyo hindi yun totoo Daniel.."
Hindi..
Hindi ako naniniwala. Nagbago man siya alam kong hindi niya magagawang manakit nang ibang tao. Ganun ang kilala kong kathryn kaya imposible ang sinasabi niya.
"Wala kana bang sasabihin?" Tanong ko.
Umiling iling siya.
"Talaga bang nabulag kana sa pagmamahal sa kanya? Kahit anong gawin mo Daniel hinding hindi na siya yong Kathryn na kilala mo. Masamang tao na siya!" Sigaw niya.
Napatiimbaga ako.
Hindi totoo ang sinasabi niya. Siya parin si Kathryn. Si kathryn na minahal ko. Si Kathryn na patuloy kong mamahalin.
"Pwede ba sofia, wag kang magsalita na para bang kilala mo yong tao! Oo nagbago siya sa pisikal na anyo niya pero hindi ang kalooban niya! Alam ko yun ramdam ko yun. Yong pinapakita niya ngayon? Yun ang pagpapanggap niya. Pero sa loob loob niya siya parin ang kathryn na kilala ko!!"
Diko na mapigilan mapataas ang boses.
Napatayo ako.
Ang tagal kong nagtimpi sa kanya tuwing pagsasalitaan niya nang masama si Kathryn dahil natatakot ako sa mga pupweding mangyari.
Pero ngayon? Hinding hindi ko na hahayaan na pagsalitaan niya nang masama si Kathryn.
"Kong meron mang masamang tao dito? Tayo yun! Pinaglaruan natin siya. Matanong nga kita? Bakit mo inutos sakin na saktan siya?! Madaming nerd dito pero bakit siya lang ang pinagdidiskitahan mo?!"
Yun ang matagal ko na ding gustong itanong sa kanya.
Sa lahat nang nerd sa school na to bakit si Kathryn pa ang pinaglalaruan niya.
Sa totoo lang? Yong pangti-trip namin sa kanya ay lahat inutos lang ni Sofia. Hindi namin ginusto yun. Mga sira ulo kami pero hindi namin ginusto manakit nang babae.
Lalong lalo na ako.
Si Mama, madalas ko siyang makita na umiiyak at nasasaktan dahil kay Papa. Kaya nangako ako sa sarili ko na hinding hindi na ako mananakit nang babae. Pero nagawa ko padin.
Nanahimik siya sa sinabi ko.
At nag-iwas nang tingin.
Alam ko may malalim na dahil pa siya kong bakit niya ginagawa kay Kathryn to.
BINABASA MO ANG
THE NERD's REVENGE (KATHNIEL)
Fanfiction"Isinusumpa ko lahat nang nang'api at nanakit sakin babalikan ko, at lahat nang ginawa nila sakin triple ang mararanasan nila".- Kathryn Mara Del Valle