Chapter Two
Elaine’s POV
Nasa music room pa rin kami, dito na kami natulog overnight. Nakapagkwentuhan rin naman kami kahit papaano kagabi. Kung para sa inyo ang walang katapusang bangayan at panglalait ay kwentuhan, well, you get the idea. Hindi ko na binalak lumapit sa kanya, baka kasi mamaya kung anong isipin niya. Akalain niya pang may gusto ako sa kanya, utut niya!
Nagising ako sa tunog ng bumukas na pinto, “Anong ginagawa niyo dito?!” sigaw ni manong guard. Halos lumuhod na ako sa harap niya sa sobrang tuwa. Ngayon lang ako nasiyahan makita ang school guard namin.
“Thank you kuya, hindi mo ma-iimagine kung anong katatakutan ang naranasan ko. Sige kuya, una na ako.” Sabi ko at lumabas na ng pinto. Wala namang nagawa si kuya, mukhang gulat na gulat siya eh. Naglalakad na ako palabas ng school, buti na lang sabado ngayon at walang pasok. Nasa labas na ako ng school at naghihintay ng masasakyan, naramdaman kong may sumusunod sa akin…
Lumayo ako ng kaunti sa dati kong pwesto, sino ba kasi yun… baka holdapin ako, uwaaa! Wala pa man din akong maibibigay. Shit, wala pala akong wallet! Paano ako uuwi nito?!
“Hey idiot, wait up.” Kumunot ang noo ko sa narinig ko. Siya lang pala ang sumusunod sa akin. At talagang pinanindigan niya ng idiot ang tawag niya sa akin? Napakabait na nilalang talaga ng lalaking ‘to.
“Ano nanaman?!” naiirita kong sinabi.
“Naiwan mo ‘to.” Hawak niya ang notepad ko sa kamay niya. Uminit nanaman ang mukha ko, nabasa niya kaya? Ugh, ang clumsy mo Elaine! Ilang tao na ang nakakapulot nun ha. Ang dami daming nakasulat na kababalaghan dun eh!
“Akin na nga yan.” Sabi ko at pilit na hinablot ito, tinaas niya yung kamay niya kaya hindi ko naabot. Bakit kasi ang tatangkad ng mga lalaki kesa sa mga babae, ang unfair!
“Hoy ano ba Dylan, akin na kasi!” sabi ko habang pilit pa ring kinukuha yung notepad.
“Sabihin mo muna sa akin, crush mo si Rain noh?” nakangiti niyang sinabi. Namula nanaman ako at tumawa siya ng malakas. Ngayon ko lang siya nakitang tumatawa at hindi ako natutuwa. Pagtawanan daw ba yung idea na may crush ako kay Kuya Rain?
“Ewan ko sayo, akin na nga yan!” nahablot ko na yung notepad at lumayo ako sa kanya. Bakit ba kasi walang jeep na dumadaan dito, gusto ko ng umuwi!
“Alam mo, wala kang masasakyang jeep ngayon.”
Hindi ko siya pinansin at nagkunwaring walang naririnig. Sayang lang ang energy kung kakausapin mo ang walang kwentang taong katulad nito. Kainis!
“You really are deaf are you? This road is closed due to road improvements.”
Ay oo nga pala. Bakit ba kasi tuwing pasukan nila naiisipang gawin yung mga daanan? Tsk. Umikot ako para bumalik sa school pero nakasarado na yun gate. Kabadtrip talaga kahit kailan yung school guards namin, argh!
BINABASA MO ANG
Just The Boy I'm Looking For (EDITING)
Dla nastolatkówBitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko siya maintindihan. Siya si Dylan, ang tahimik kong seatmate. Napadalas ang bonding namin, ako naman, unti unti ng nadedevelop sa kanya. Hay...