Chapter 34

4.1K 24 8
                                    

Dedicated to HannahMaicaSunaki!

Vinote niya lahat ng chapter, woah, saludo ako sayo. haha.

Nagcocomment pa! X)))

Maraming salamat sayo, nainspire ako lalong magsulat :""">

Anyways, eto na po updateeeeee. Enjoy reading! ^________^

-----

Elaine

Parang date lang naman ang nangyayari ngayon. Kwentuhan, kainan, may nagpleplay pa ng romantic songs. Weew. Kinikilabutan ako. Haha.

May nagsasayaw pa nga eh. In the end, sumayaw din kami ni Dylan, nagyaya kasi siya eh, hindi na ako nakatanggi since kami na lang ata yung hindi sumasayaw.

Ang kulet lang namin sumayaw, nagkakailangan pa eh. Haha.

Natapos yung araw ng sayawan. For the whole school naman yun, nasa event hall kami. Mehehe. Ang daming tao, kanya kanya silang partner.

Si Dylan na ang naghatid sa akin sa bahay. Sa kotse niya na din sinakay yung mga regalo para sa akin.

"Ang dami namang nagbigay sayo!" sabi niya, nakakunot pa ang noo. Nyahaha.

"Haha, astig nga eh, ang dami kong admirers."

"Admirer ka dyan. Bugbugin ko silang lahat eh. Pssh, mang-aagaw pa ata." sabi niya at naka-fist sign na ang kamay niya.

"Wushu, selos! Haha. Wag kang mag-alala, di ko naman kilala yung mga yun. Haha. Sige na, babye." sabi ko.

"Happy Valentines Day!" pahabol niya, "Happy Valentines Day din! Byeee!" nagflying kiss ako. Sinalo naman. Haha, kilig naman ako dun. ^___________^

"Kamusta Valentines Day mo, iha?" tanong ni Mama.

"Okay lang po Ma. Look, ang daming nagbigay ng gift sa akin oh. Ang ganda ko talaga." Natawa si Mama, nagulat naman si Jess.

"Woah! Ang dami naman niyan ate! Penge!"

"Wag ka nga, akin yan eh. Mehehe, bakit, wala bang nagbigay sayo?"

"Meron din naman, kaso ang papanget naman nung nagbigay!"

"Nyahaha, okay lang yan, taken ka naman na eh." namula siya sa sinabi ko. Mehehe, cute ng kapatid ko oh! ^________^

"Nga pala, we have to talk later, this is about our family." sabi ni Mama.

"Ha? May problem po ba Ma?" tanong ko.

"Wala naman iha.. Pero basta.. mamaya na lang." sabi ni Mama. Parang ang lungkot ng boses niya? Kinakabahan tuloy ako dun sa pag-uusapan namin.

-----

Andito na kami sa dining room, kompleto pala kami. Nice. 

Walang nagsasalita, tahimik ang lahat. Gaah, lalo akong kinakabahan -_____-

"First of all, wala munang magrereact.. This is a very important announcement." panimula ni Dad.

Tahimik pa rin kami, nakikinig kaming lahat kay Dad, "We are... going to migrate in US." 

"HUWAAAT?!" sabay sabay naming nireact nila Kuya Paul at Jess. Grabe naman, nakakashock na balita yan oh!

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit, lungkot, inis! Basta lahat negative! Black na ata aura ko ngayon eh!

"Bakit Pa?! Anong meron at biglaan ang pagmamigrate? At kelan?!" tanong ko. Naiinis ako! Gaaah.

"We really need to do this. You can't say no. Naayos na ang papeles and we will fly to US after your recognition."

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon