Ayan nga, may part 3 pa. Haha. Naadik ako sa kakalagay ng parts.
So here is Chapter 26.3! Enjoy reading ^_______^
---
Dylan
"Why are you here?" tanong ko.
"Uhhh. Wala ka na dun." sabi niya.
"Pssh, sinusundan mo ako noh! Namiss mo ako agad? Hehe." sabi ko naman at ngumiti.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, tss." sabi niya.
Nilapitan ko siya at hinila, "HOY, SAGLIT NGA LANG."
Tumigil kami sa harap ni Ate Marjorie. "Uhh. Ate mo?" sabi niya.
"Yeah. Ate Marj, si Elaine nga pala. Err... nililigawan ko, at magiging girlfriend ko. Ganda noh?" sabi ko at inakbayan ko siya.
"DYLAN! Nakakahiya sa ate mo!" sabi niya at bahagya niya akong tinulak. Namumula siya, hahaha. ^___________^
"Wushu, okay lang yan. Hehe." sabi ko tapos umupo siya sa tabi ng lapida ni Ate Marj.
"Sayang hindi nameet ni ate yung babaeng papakasalan ko." bulong ko.
"Hmm. May sinasabi ka?" tanong ni Elaine. Ngumiti lang naman ako, "Wala. Hehe, di mo pa pala sinasagot tanong ko. Bakit ka nandito?"
"Aah... Binisita ko din yung kapatid ko.. Death anniversary niya kasi kahapon.. and birthday namin ngayon.." sabi niya tapos napabuntong hininga siya. Umupo ako sa tabi niya, "Saan siya nakalibing dito? Puntahan natin."
"Eh pano ang ate mo?"
"Di aalis yan. Haha. Tara na, Ate Marj, maya na lang." sabi ko at hinila ko siya. Pinuntahan namin yung puntod nung kapatid niya, Jaciel Sanchez.
"Paano basahin yung name ng kapatid mo?" tanong ko. May cake at softdrinks sa lapida niya, siya siguro naglagay nito. Ang sweet niya namang kapatid. Hehe.
"Aah. Jay-sel. Pero Jake na lang, ayaw niya kasi sa pangalan niya. Haha." sabi niya at ngumiti ng kaunti.
"Hmm.. Ganun ba, uhh. Pwedeng pakausap muna kay Jake? Man to man talk lang?" sabi ko naman. Umalis naman siya at nag-iwan pa ng bilin, "Wag mong kakainin yang cake ha. Haha, para kay Jake yan. Tsaka baka kung anong sabihin mo dyan sa kapatid ko ah!"
"Opo. Hehe, dun ka muna kay Ate Marj. Girl to Girl naman. Hahaha." sabi ko at umalis na nga siya.
"Uhh. Hi Jake. Ako nga pala si Dylan, nanliligaw ako sa kapatid mo. Wag kang mag-alala, aalagaan ko yan, at maghihintay ako para sa kanya, kahit gaano katagal." biglang humangin, si Jake ba yun?
"Kahit pa naitakda siyang ikasal kay Drake, kung kakailanganin, itatakas ko siya sa kasal niya. Haha. Ang addict ko noh? Di ko kasi alam kung anong ginawa sa akin nung babaeng yun at nabaliw ako ng ganito. Ngayon ko lang ulit naramdaman ito, besides nung grade 1 kami at nung grade 5 ako."
Sino yung babae nung grade 5 ako? Well... siya ang unang babaeng nagustuhan ko, gusto niya rin naman ako, kaso... magmamigrate na sila sa Canada, and di niya alam kung kelan siya babalik. After that, di na ako umibig muli. And ayan, bumalik si Elaine. ^___________^
"Pero wag kang mag-alala, nakalimutan ko na yung naging second love ko, hehe. Shempre, first yang si Lala. Unang pakilala pa lang sa akin ni Mama dyan, tuwang tuwa na ako kasi kakaiba siya sa lahat ng babae. Di siya maarte, simple siya, mabait, sweet, at matalino! And most of all, maganda. Hehe."
"So ayun, ako na muna ang magiging knight in shining armor niya. Di ko siya iiwan, promise." sabi ko at tumayo na, "Sige na Jake, una na ako ha. Birthday kasi ninyo diba? Magcecelebrate pa kami. Hehe." sabi ko at pinuntahan si Elaine.

BINABASA MO ANG
Just The Boy I'm Looking For (EDITING)
Novela JuvenilBitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko siya maintindihan. Siya si Dylan, ang tahimik kong seatmate. Napadalas ang bonding namin, ako naman, unti unti ng nadedevelop sa kanya. Hay...