Dedicated to lychee_sweetberries!
Nakakatuwa lang, hehe. Profile pichur niya kasi yung baboy, si Monokuro Boo ~
Mehehe, anyway, enjoy reading! ^_______^
-----
Elaine
Paalis na ako ng school, nakapa ko yung leeg ko, yung necklace ko wala! HALA! Baka naiwan ko sa Music Room! Malas nga naman oh.
Favorite necklace ko yun eh, yun yung bigay ni Dylan sa akin nung birthday ko, 2 years ago..
Wah, importante sa akin yun, nawala pa T^T
Nakakainis naman eh! Di ko na binalikan, nakauwi na ako eh.
Sayang talaga T_______T
----
Woah, today is the day, na magkikita ulit kami ni Dylan. Makilala niya pa kaya ako? Impossible. Iba na ang look ko, blonde na ako, and mas maputi kesa dati. Tumangkad din naman ako, kahit papano.
Gabi pa naman magsisimula yung party. I still have plenty of time to think and to relax.
"Para kang may bulate sa katawan ate! Paikot ikot ka! Nakakahilo!" sabi ni Jess. Pabalik balik kasi ako mula sa kusina tapos sa sala.
"Care mo? Gusto ko eh. Tsaka kinakabahan ako, kaya kain ako ng kain."
"Tataba ka nyan, mamaya di magkasya sayo yung dress mo, sayang! Pag di na kasya, akin na lang ah!" binatukan ko nga.
"Inggit ka lang. Haha, sige, maghahanda na ako, 4:00 na pala! I have an hour to prepare! Di ka ba sasama?" tanong ko.
"Susunod na lang ako, hehe." sabi niya naman. Naligo na ako and nagprepare. Woooh, this is the day! Makikita ko na si Dylan! Weeeee. Kinakabahan ako. >_________<
Nagpahatid ako kay Kuya Paul, kaunti pa lang ang tao, dito kami sa bahay ni Mich magrereunion. Malaki naman kasi ito. Mehehe.
May pila bago ang entrance, listahan siguro nung guests? Nakipila na din ako. I heard whispers around me, aah. Nakakairita. Nung turn ko na, nagulat ko, si Kurt pala ang napapapirma.
"Err, sino ka po? Invitation please?" nilabas ko yung invitation ko, Ms. Elaine pa ang nakalagay dun ah. Haha. Nanlaki yung mata niya, "IKAW NA BA YAN ESPREN?!" sigaw niya. Napatingin na din tuloy yung ibang tao.
"Oo, ssh. Quiet lang. Mamaya na tayo magkwentuhan. Haha, san ako magsusulat?" Tinuro niya iyon at nakipagpalit siya dun sa isang lalaki. Gusto niya na daw akong maka-usap. Mehehe.
Paikot ikot lang kami. "Ang ganda mo na best, di kita nakilala." sabi ni Kurt. Anobeyen, halos lahat ng tao pinupuri ako. Ibig sabihin, hindi ako maganda dati? Whuuut.
"Dati pa, ano beeey. Haha. Si Mama kasi eh, pinilit akong i-dye yung hair ko." sabi ko naman.
"Haha, mas bagay pa rin sayo ang black. Mehehe. Si Hon nga pala, ba't wala pa?"
"Oh, ang last na naaalala ko, babes ang tawagan niyo ah? Bakit hon na?" natatawa kong sinabi.
"Mas cute daw ang hon eh. Haha. So ano na nga, kamusta siya?"
Napatingin ako sa bagong dating, si Jess, "Ayan na pala prinsesa mo. Haha, sige na puntahan mo na." napangiti si Kurt, "Sige espren, una na ako. Mehehe. Namiss ko si Hon ko eh."
"Gege, enjoy kayo. Haha." at mag-isa nanaman ako. Kinakausap ako nung iba kong classmates dati. Pagpupuri nanaman. Pumapalakpak tenga ko sa inyo eh! Haha.
"BEST ELAINE!!!!" sigaw ni Mich, eskandalosang best friend. Nyahaha.
"BEST MICH!!" nakisigaw naman ako, kami na ang pinaka-eskandalosang magbestfriend evaah! Haha.
"Buti naman at dumating ka na, hehe. Tara, dun tayo." sabi niya at pumunta kami malapit sa pool. Party people mga tao dito eh.
Iba iba na rin ang mga itsura ng mga classmates ko dati. Yung mga nerd before, magaganda nga ngayon. Iba na talaga panahon. Mehehe. Pero mas maganda pa din ako, di na maipagkakaila yun. HOOPPS! Wag ng umangal ^__________^
[NP: Party Rock Anthem]
Sayawan lang sila ng sayawan. Dito pa malapit sa pool. Ewan ko lang kung hindi kayo mahulog dyan. Hahaha.
Ako din pala malapit, *BOOOGSH*
Nahulog ako sa pool! And may nakasagi sa akin, nahila ko din tuloy siya. Sino ba 'tong epal na nagtulak sa akin?!
"Sorry." sabi niya at nagkatitigan kami. Familiar face ah.. Bumilis ang heartbeat ko, siya na ba 'to? Pumuti lang ata siya eh.. same hairstyle.. same look.. woah..
"Ah.. okay lang ako.." sabi ko at tinulungan ako ni Mich umahon. Pumasok muna ako sa bahay nila para magpalit.
"Sino ba yung bumangga sa akin, nakakainis! Nabasa pa tuloy ako!" sabi ko. Tumawa lang naman si Mich, tapos titingin siya sa akin, tas tatawa ulit. Spell BALIW?
"Ba't ka tumatawa?! Anong nakakatawa sa sinabi ko?!" sabi ko naman.
"Haha, di mo nakilala? Anubeyen." sabi niya, pauwi na ako ngayon, nawalan na ako ng ganang tapusin ang party. Kasama ko si Mich on the way sa bahay.
"Pssh, ewan ko sayo, di kita magets. Nga pala, invitations niyo oh." sabi ko at inabot ang 4 na envelope, invitations sa kasal ko -_____-
"Di ako pupunta dyan, di naman kasi si Dylan groom mo eh." Haha, etong bespren ko talaga.
"Pumunta ka pa din, special day 'to eh. Marriage ko, pero di ko rin trip groom ko." tumawa kaming dalawa.
"Ikakasal ka na, ang bilis naman. Kainis! Naunahan mo pa ako!"
"Wag kang mainis, dapat malungkot ka, kasi.. ayaw ko sa mapapangasawa ko." tawa nanaman. Kanina pa namin nilalait si Drake eh. Mwahaha.
"Sige best, dito na pala tayo sa bahay niyo. Babye." hinug ko siya at bumaba na ako.
Dylan
Andito na ako sa bahay nila Mich, reunion daw.
Tinatamad pa nga akong pumunta eh, wala naman kasi siya...
Pero may humila sa akin papunta dito.
Andito na ako, malapit sa pool, palakad lakad ako ng nakayuko nang may nabangga akong girl. Blonde siya, maputi, matangkad.
*DUG*DUG*DUG*DUG*DUG* Nahila niya din ako, kaya parehas kaming nahulog sa pool.
Siya na kaya 'to? Sa kanya lang naman kasi nagiging abnormal ang puso ko eh..
Pero, ang layo naman ng itsura niya..
Nagkatitigan kami sandali.. "Sorry." sabi ko.
"Ah.. okay lang ako.." yun lang naman ang sinabi niya, tinulungan siya ni Mich umahon.
Si David naman ang tumulong sa akin.
"Okay ka lang 'pre?"
Napahawak ako sa dibdib ko, ang bilis talaga ng heartbeat ko, and then I smiled.
"BALIW, bigla na lang nangiti, anong meron?" tanong ni David.
"Basta. I'm just happy." sabi ko ulit at ngumiti ako. Uncontrollable smile. Aish. ^_______^
---
Last 2 chapters! Weeeee. Naeexcite na talaga ako ng bonggang bongga.
Pero sad din ng kaunti, matatapos na ang first ever story ko dito.
WAAAH TT_______TT
Salamat ng bonggang bongga sa inyong lahat. ILABYOUALL! HAHA.
Jodie (dreamcatcher26)
![](https://img.wattpad.com/cover/497319-288-k820821.jpg)
BINABASA MO ANG
Just The Boy I'm Looking For (EDITING)
Novela JuvenilBitter siya minsan, suplado, masungit basta nakakainis! Pero minsan naman, nagiging sweet, banatero, di ko siya maintindihan. Siya si Dylan, ang tahimik kong seatmate. Napadalas ang bonding namin, ako naman, unti unti ng nadedevelop sa kanya. Hay...