Chapter One: First day

18 1 2
                                    

A/N

Before I decided to publish this story publicly (of course) I had so many question and what if's, "what if indi niyo magustuhan" etc. pero I had to have courage and be ready on whats going to happen in the future...in this story.

Dedicated to, Shekinah Leoligao, ang inspirasyon ko sa pag gawa ng storyang ito.

HOPE YOU LIKE IT..... ^0^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hindi ko mapigilang makabahan as I walked through the hallway, first day of classes ngayon at first time ko pa dito kaya feeling ko, parang puputok na ang puso ko dahil sa kaba.

As I saw the door kung saan nakasulat ang "Grade-12 Honesty" mas lalo akong kinabahan parang hihimatayin na ako.

Ichineck ko muna ang papel kung saan nakalagay ang Seksyon ng aking silid-aralan, "I'm in the right classroom" I sighed and opened the door, nabigla ako nung nakita kong wala pang tao sa silid kaya lumabas nalang ako at umupo sa may pintuan ng aking silid-aralan para narin makapag pahinga ng kaunti.

20 minutes later, may gumigising sa akin, hindi ko ma-aninag ang kanyang mukha pero boses lalaki siya, "miss! Miss gising!" Sabi ng lalaki habang pinapatpat ang aking mga braso pero pag gising ko, wala na siya.

pag lingun ko sa aking silid-aralan ay may mga estudyante nang naka-upo, "ugh! nakakahiya!" baka pinagtawanan na nila ako, "Hindi ko na gustong pumasok, baka ano pang isipin nila".

When I turned back I bumped into someone, It was our adviser! "shocks!" I shouted "um.. are you one of my students?" She asked me politely, "Yes Ma'am, I am" I answered with an accent. "And so?! why are you here? Come sasamahan nalang kita alam ko namang kinakabahan kapa eh", wow! infairness ang bait niya saken, sana naman mag tuloy-tuloy yang ugali niya.

Pero sino ba talaga ang lalaki na gumising sa akin? Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya :)

Pagpasok namin sa classroom, nagbungad sa amin ang mga estudyanteng nakatulala at halatang na bobored na, hindi ko mapigilang tumawa sa nakita ko.

"Sige dear, punta kana sa armchair mo at magsisimula na tayo" sabi niya sa kin sabay ngiti "Okay po Ma'am" sagot ko habang papalayo sa kanya.

Inilagay ko ang aking bag na Jansport sa aking armchair at umupo, pinagmamasdan ko yung mga bago kong kaklase, kaunti lamang yung mga gwapo dito sa classroom namin, kaiyak.

5 minutes later pinapunta na ako ni ma'am sa platform para magpakilala sa mga bago kung classmates.

Pumunta ako sa platform, nararamdaman ko yung mga butil butil kong pawis na tumutulo, kabado ako palagi pero hindi mo aakalaing TOP 1 ako sa class namin nung Grade 6 pa ako, lack of self-confidence yan ang problema ko.

Pagkaharap ko sa aking mga kaklase ay sinimulan ko kaagad ang aking pagpapakilala, Hi my name is Shekinah A. Santos, 18 years old nakatira sa San Vicente Village at grumaduate sa Wormwood Academy, ningitian ko sila.

Akala ko tapos na, hindi pa pala nung nag tanong si Ma'am sa akin. "Any awards?" tanong niya, "Meron po, class Valedictorian po ako" sagot ko with FAKE confidence.

"WOW! Class! may tiyansa na tayong makatungtung sa Top 1 nang whole Grade 12 section, by the way thank you sa pagpapakilala Ms.Santos you may take a seat" sabi niya at mukhang proud na proud sa aking achievement.

"So, since you are all done, ako naman ang magpapakilala sa inyo, My name is Therese A. Solomon and I am your adviser " pagpapakilala niya sa amin, eksato naman at nag bell na, "Okay guys, you may all go out now, be back in time" pagpapa-alala niya sa amin

"Okay po Ma'am" sabay-sabay kaming sumagot.

Pag tayo ko ay agad bumungad ang isa kong kaklase, medyo matarayin ang mukha "Hi my name is Steffi, you can call me Steff for short"

Hindi ko alam kung bakit nagpakilala siya che! wala akong pake, "Hi Steff" pagbabati ko,

"So Valedictorian ka pala ha?!" tanong niya sa akin "Um. opo, bakit?" duda kong sagot "Nothing, well..nagiisa lang ako at pupunta ako sa 4th section, pinapunta ako ng ex ko, sumama ka sa akin"

well ang taray pala talaga nitong si Steff obvious naman sa mukha at teka! tama ba ang narinig ko?! pinapunta siya ng ex niya?

Kung maka asta yung ex niya parang sila pa, ha! unbelievable!! "Um..okay" napilitan akong sumama, hindi ko alam pero parang may nagsasabi sa aking sumama kay Steff.

We arrived in the classroom the Grade-12 Obedience na kung saan nandoon ang ex ni Steff.

"Asan si Carl?" tanong ni Steff sa isang estudyante sa Obedience, "SANCHEZ! Steff is here!" he shouted with a manly voice, WOW andami niya palang alalay or barkada? aish! hindi ko alam pero mukhang siya ang leader nang seksyong ito lahat ng kanyang classmate ay kontrolado niya.

Lumapit si Carl at tumingin ang lahat ng estudyante sa amin, nagsimula silang magbulungan habang nakatitig kay Steff,

"Why are you here?" tanong ni Carl kay Steff, "Duhh! you told me to go here" pataray na sagot ni Steff,

"Oo nga pala haha sorry I forgot" hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mga mata, he glanced at me at buti nalang ay naiwasan ko kaagad ang kanyang pagtingin.

"Um.. Steff? who's this?" pabulong niyang tanong kay Steff,

sige magbulungan kayo akala niyo naman hindi ko kayo naririnig,

"She's my friend Shekinah" sagot niya "Oh okay" bigla siyang humarap sa akin at nagpakilala

"Hi Shekinah, my name is Carl F. Sanchez the campus king and crush nice meeting you" ugh! ang yabang may pa campus king at crush2 pa hindi naman halata

"Nice meeting you too Carl" sagot ko with a very fake smile, pumalayo na sila Carl at Steff kaya I decided to go back to the classroom and eat my snack.

BoyBestFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon