"Carl?!" bakit ba siya nandito?!
dahan-dahan akong lumakad papuntang sala, aish! di ko kaya! kaya I decided nalang na bumalik sa aking kwarto.
Carl's POV
nagpunta ako dito sa bahay ni Shekinah para imbitahin siya sa isang party, walang klase ngayon so baka free siya,
kanina pa akong 7:30 dito, and I'm done eating, ang bait naman talaga nang mommy niya pinakain pa ako, hahaha
Bakit ba ang tagal niya?! "hijo, papunta na dito si Shekinah, pag pasensyahan mo na yung batang yun, pagod lang talaga sa school" ningitian niya ako, ngumiti rin ako
"okay lang po tita, I can wait"
Shekinah's POV
ilang minuto ang nakalipas I decided to go down and meet Carl.
Pag dating ko sa aming sala ay nakita ko kaagad si Carl, walang imik.
"Bakit ka ba nandito?" sabi ko ng pataray,
"Nandito ako para imbitahin ka sa isang party"
"Ah, yung sinasabi mong party? Kailan?" tanong ko "Oo, ngayon" sagot niya
I smirked "tss...may klase ngayon duhh!"
"Walang klase ngayon, duhh!" sabi niya hahaha parang sinusunod niya ako, tumawa ako,
"oh cge, anong oras?" tanong ko while crossing my arms,
"Ngayon, kaya magbihis kana, ang baho mo kayang tingnan!" asar niya sa 'kin, haha ka azar!
Nag suot ako nang cool kid set (as what they say), hahaha Nike Roshe, Jogger pants na camouflage at t-shirt na white hindi ko gusto mag suot ng mga pambabaeng kasuotan, nakakadiri hahaha!!.
Pag dating ko sa sala ay agad na tumayo si Carl, "yan susuotuin mo?! para kang tomboy!" putek naman oh! "cge magbibihis na ako"
Nagbihis na naman ako at nag suot ng skater skirt na black at puting t-shirt,
kaagad akong pumunta sa sala, "hmm..much better, halika na" compliment niya
"wait, magpapaalam muna ako kay mommy" sabi ko sa kanya "cge take your time, maghihintay lang ako dito sa labas"
Napaalam ako kay mommy at hinalikan ang kanyang pisngi "bye mom!" paalam ko sa kanya "oh cge magingat ka anak" pahabol niyang sabi.
Nakita ko si Carl na naka tayo sa may passenger seat, pag lapit ko sa sasakyan ay kaagad niya akong pinagbuksan ang gentleman naman pala nitong si Carl.
Habang nagdridrive siya ay naisip ko ang tungkol sa kanilang Steff, lovers ba sila or ex lang?
"um..Carl?" ...... "yes?" tipid niyang sagot
"may relasyon pa ba kayo ni Steff?" tanong ko "ha! bakit mo naman na tanong yan?" duda niyang tanong,
"eh, palagi kasi kayong nagkikita eh at palagi ring nagsasama" sagot ko
"believe it or not, si Steff lang ang may gustong lumapit sa akin, hindi ko naman siya ma ayawan dahil baka sabihin niyang affected parin ako sa paghihiwalay namin" inexplain niya talaga ha!
"ah, ganun ba" wala nakong masabi kaya tinignan ko nalang ang aking FB at nag check ng aking news feed,
Makaraan ang ilang minuto ay inerefresh ko ang aking feed, at nakita ang DP ni Steff na may kasamang lalaki at nakaholding hands pa sila.
pinakita ko kay Carl ang DP ni Steff, halatang halata ang kanyang pagkadismayado
"Wala na akong pake sa babaeng yan" alam ko namang nagpapakatatag nalang si Carl kahit na nasasaktan na siya.
"We're here" ang layo pala nang venue, "san ba tayo?" tanong ko sa kanya,
"sa bahay ko" sagot niya,
wow ang laki ng bahay nila! puno ng ilaw, mansyon!
pinagbuksan na naman ako ni Carl at pumunta sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
BoyBestFriend
Genç KurguBestfriend, sila yung mga taong palagi kang binibigyan ng ngiti at ang dahilan kung bakit hindi mo gustong umuwi ng maaga....Marami na akong mga naging bestfriends, pero siya lang siguro ang hindi ko makakalimutan, hindi inaasahan ang aming pagkakai...