Believe it or not, naging close na kami ni Carl, medyo may kasungitan nga lang pero masaya naman siyang kasama, hanggang ngayon nagkikita parin kami ni Carl dahil sa punyetang Steff na 'yan minsan kasi na o-op ako sa kanilang dalawa, ex ba talaga sila o lovers? Ewan ko sa kanila, che.
(bell rings) "Okay, class dismissed" hayysss sa wakas makakauwi na ako at makakapagpahinga, palagi nalang kasi Assignments at projects in one day pero himala dahil ngayon walang assignments,
buti naman at natapos ko na lahat ng projects ko at naipasa na kaya whole night talaga akong matutulog hahaha,
paglabas ko nang classroom ay may tumawag sa akin "Shekinah!" pagharap ko ay nakita ko si Steff, pinapupunta niya naman ako sa Obedience,
aish!! KAINIS TALAGA TONG BABAENG TO! wala na akong magawa kundi sumunod sa kanyang utos,
tumakbo ako sa hallway papuntang Obedience pagdating ko ay napansin kong madilim na madilim kaya nagtaka ako kung bakit,
"buti naman at nandito ka" sabi ni Steff sa akin "Uh, bakit and dilim dito?" tanong ko sa kanya "Mamaya kana magtanong" sagot niya habang tinatakpan ang bibig ko,
dahan-dahan kaming pumasok sa Obedience, maya-maya ay nagsintaguan silang lahat, kaya sumunod nalang ako wala na akong makitang ma tataguan,
may nakita na sana ako nang hilain ako.........
"Carl!" sigaw ko, "shhh..." ano bang nangyayari sa kanila?! they are acting so weird,
"ano ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanya, sasagot na sana siya nang may narinig kaming footsteps sa hallway huminto ito at may biglaang ilaw na sumisinag sa classroom, matagal itong nawala, 10 seconds bago siya nawala,
I heard the footsteps fade away so I decided to stand and see what that was, AYY NAKO! Kumulo ang mga dugo ko nung nalaman kong guard lang pala, nakakabwesit!
"aish! bakit niyo pa ba ako dinamay sa trip niyo ha?! uuwi na sana yung tao eh para magpahinga!"
nabigla sila nung sinabi ko yun "Sorry bes hindi ko naman alam na papauwi ka na pala, bakit mo ba hindi sinabi? may paguusapan pa sana tayo pero kilangan nating mag tago para hindi pa alisin ng guard, hindi talaga ito ang sadya namin sa iyo, pero kung gusto mo nang umuwi it's your choice."
Wala na akong masabi kaya nag walk-out nalang ako, tumakbo ako palayo, buti naman at nakasakay ako kaagad ng jeep.
Pagdating ko sa bahay ay uminom ako kaagad ng tubig at pumunta sa aking room, ichineck ko muna yung FB ko sa aking Macbook at nagulat ako nung nakita kong nag chat si Carl sa akin,
nag apologize siya sa nangyari kanina,
"Hi Shekinah! sorry pala kanina ha?! ako talaga ang dapat sisihin dun dahil ako ang nagpatawag sa iyo, I'm so sorry talaga ^0^".
Nag reply ako kaagad....
"Bakit mo naman ako pinatawag? para inisin?"
"Iimbitahin sana kita"
wow, infairness ang bilis niyang mag reply ah!"Sa'an?"
nag reply ako kaagad."basta, you'll find out"
reply niya"Ah, okay sige magpapahinga muna ako ha? ge bye. ^0^".
gusto ko pa sana siyang kausapin kaso gusto nang matulog ng utak at mata ko, tss....."Cge bye, :("
Seen 5:26pmUmaga na nang magising ako, kinuha ko yung phone ko para icheck ang mga messages at para narin i check yung time.
"PUTEK! 7:50 na?!" shet 7:50 na at yung klase namin ay magsisimula nang 8:00, bwesit!
May biglaang kumatok sa pintuan, "pasok!" sigaw ko,"oh nak, may bisita ka nga pala kanina pa siya dito" sabi ni mommy.
Naghilamos muna ako at inayos ang buhok ko bago ako magpakita. Pag tapos ko ay sinilip ko ang aming sala, kung saan nakaupo ang aking bisita.
"Shit, bakit siya nandito?!"........
BINABASA MO ANG
BoyBestFriend
Teen FictionBestfriend, sila yung mga taong palagi kang binibigyan ng ngiti at ang dahilan kung bakit hindi mo gustong umuwi ng maaga....Marami na akong mga naging bestfriends, pero siya lang siguro ang hindi ko makakalimutan, hindi inaasahan ang aming pagkakai...