Chapter 54

734 41 8
                                    

Chelsea's POV

"Espreeen naman! Kanina pa tayo dito sa labas ha! Wala ka ba talagang planong pumasok?! Magbe-bell na oh! Nako nako! Pag tayo naabutan ng bell ewan ko nalang talaga!" Pagbubunganga ni Nicole

"Aish! Panigurado malalagot tayo dun sa panot na teacher natin na yun! Tch. Espren naman kasi eh! Ano ba! Kanina pa tayo dito sa labas oh! Ang init init pa!!!! Pag-ako nagka-sunburn nako!" Reklamo pa niya.

Napailing nalang naman ako. Tss. How inconsiderate of her! Palibhasa di niya nararamdaman tong nararamdaman ko! Hmp!

Haaay buhay! Nakakafrustrate!!!!! Bakit ba kasi nangyari yun?!!!! Bakit ba nalaman pa ni Muffin yung feelings k—aaah!!! ewan! (TT___TT)

Ayaw ko ng alahanin pero... aish! Nakakaasar! Brrrr! Hindi ko tuloy alam kung paano siya haharapin ngayon. Nakakahiyaaaaaaaaa pakshet! (__ __)

"Espreeeeen! Hell-ooooo! Ano?! Hindi parin ba tayo papasok?! Ang sakit na ng tuhod ko kakatayo dito sa letcheng harapan ng gate na to oh! Maawa ka naman saakin! Tsaka duuuh! kanina pa tayo pinagtitinginan diteey! pleaseee naman!" Reklamo ulit ng magaling kong kaibigan. Napa-roll eyes naman ako tsaka siya sinagot.

"Psh! Sino ba nagsabing samahan mo ko dito sa labas? Pumasok ka na! Reklamo ng reklamo! Tch. Napakabuti mo talagang kaibigan eh noh?! You cant even consider my feelings!!! Do you even know how ashamed am—"

"Oops—Hwag english! Tagalog lang!" Hirit niya.

"Whatever! Pumasok ka na nga!!!! Iwan mo na ako dito! Dyan ka naman magaling eh! Ang iwanan ako."

"Ehhh?! Pfft—aba humuhugot ang loka! Tss. Gagang to! Kailan kita iniwan ha?!!! Simula nung pinanganak kita hanggang ngayong dalaga ka na at naghahabol pa sa bintang may irog na eh nandito parin ako sa tabi mo! I never leaved you!!! Lagi kitang sinusuportahan! Alam mo yan anak!!!!" Pagdradrama niya.

"Huh?"

"Charot! Hahahahahaha! Joke yun! Tawa ka naman! Hahahaha! Ikaw naman kasi espren e. Napaka-duwag mo naman kasi! Eh ano naman kung nalaman na ni Ervin kung may gusto ka sakanya?! So what coconut?! Edi malaman niya! Tsaka wala namang sikretong hindi nabubunyag diba? Malaman at malalaman niya rin yang lihim mong pagtingin noh! Anong pinagkaiba nung malaman niya ngayon sa malaman niya bukas, makalawa? Aysus ginoo! Iisa lang yun! Malalaman parin niya! So bakit ka naman magwo-worry espren diba? Normal lang naman yun eh! Normal lang na malaman ni Ervin yung pagsinta mo sakanya! As simple as that!" Speech niya.

"Psh! Ang dami mong sinabi wala namang katuturan! Malamang alam ko namang normal lang na malaman ng crush ko na nay crush ako sakanya! I mean—hindi lang naman ako yung may gantong sitwasyon—"

"Oh? Eh alam mo naman pala e!" singit ng bruha

"Oo nga. Alam ko nga! Pero hindi lang naman kasi yun ang wino-worry ko Nics e! Hindi mo ba naiintindhan?! How about muffin's reaction about that?! Paano kung ayaw na niya akong maging kaibigan after that?! Or baka iwasan na niya ako because he feels uncomfortable! or worse—"

"Stop! Tigil! Hinto! Hay nako! Ikaw talaga espren! Napaka-negatron mo! Kailan ka ba magbabago?! Magbabagong taon na oh! Stop being paranoid okay? Tsaka mo na alahanin yan espren pag yan nga yung naging outcome nung unexpected confession mo okay? For now, pumasok na muna tay—"

**ringgg

"Oh! Ayan nag-bell na!!! Aish! Patay tayo nito! Tara na espren!"

And with that... hinila na ako ng gaga papasok ng school. Syempre nagpahila nalang ako. Tss. Not as if dapat akong mag-cut because of this cowardness of mine. (-_____-)"

OPERATION: Patayin sa Sindak ang Girlfriend ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon