Chapter 17: Cat fight?

3.6K 90 16
                                    


Chelsea's POV


"Eh, ang gaga mo rin naman pala eh!" Sabay na sabi nung dalawa after ko ikwento yung nangyari nung acquaintance. Napa-roll eyes naman ako sa reaksyon nila.


"Oo na, alam ko naman yun eh! I already learned my lesson kaya kung plano niyong sermonan pa ako ay ngayon palang sinasabi ko ng hwag na. I don't need it." Pagtataray ko. Psh! Hindi ko naman kasi kinuwento yung nangyari para sabihan nila ako ng kung ano ano. Aware ako na sobrang reckless and stupid lang nung ginawa ko that night, they don't have to remind me na as if hindi ko alam.


"Baliw, sino bang may sabing sesermonan ka namin? Aysus! Napaka-sensitive mo espren ah!" Sabi ni Nics na ikinatawa ni Chloe.


"Oo nga! Haha!" Tawa ng magaling kong kambal. "So ano na nga palang plano mo ngayon, twinnie?" Tanong pa niya na ikinakunot ng noo ko.


"Plano?" Naguguluhang ulit ko pa.


"PLANS!" Biglang singit ni Nics. "Kung susuko ka na ba espren or what after mo marinig ang katotohanan mula mismo sa labi ng iyong pinakamamahal at pinakaaasam-asam" Malalim na tagalog niya pa.


"Oo nga! Plans! Kung susuko ka na ba after what happened! Kung ibuburol mo na ba yang feelings mo, kambal o magpapakatanga ka parin. Hahaha!" Natatawang paliwang naman ng kambal ko. (─O─)"


What the—I wonder kung kailan nahawan 'tong si Chloe ng ka-OA-yan ni Nicole. Where did she even get those words? Tsk.


"Uy espren, ano? gigive up ka na ba?" Tanong ni Nics nung hindi ako sumasagot. Napa-roll eyes naman ulit ako sa sinabi niya.


"Pwede ba, Nics?" Sabi ko pa. "Wala sa vocabulary ko ang salitang give up." Dagdag ko.


Psh. Seriously?! Asa namang susuko ako at ipapaubaya kay Rita yung si Muffin noh! Sa babaeng yun?! Sa mapagpanggap na babaeng yun?! Ha! Hwag na! I'd rather got hurt for thousand times wag lang mapunta si Muffin sa babaeng yun.


SHES NOT WORTH IT! SHE'S JUST PRETENDING TO BE NICE! SHE'S A HYPOCRITE! SHE DOESN'T DESERVE TO BE MY CRUSH'S GIRLFRIEND!


---


After 25 minutes ay nagbell na kaya naman nagpaalam na kami ni Nics kay Chloe tsaka nagsimulang maglakad papuntang classroom...


"HI CHELSEA!!!! (^__^)" Biglang bati ulit ng isang nakakainis na nilalang sa may daanan.


Oh—kaay! Eto nanaman siya! Tss! Wala ata talagang kadala-dala itong babaeng 'to! I already warned her for so many times yet ayan nanaman siya sa pambwibwisit niya saakin. Tsk. Baka naman hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko na pag ako napikon lagot siya saakin? Ha! How dare her!


Kung kaninang umaga ay pinalagpas ko pa yang pambwibwisit ni Rita, ngayon hindi na! Gosh! Ilang beses ko na siyang sinabihan na mapupuno na ako and right now I'm already pissed!!!

OPERATION: Patayin sa Sindak ang Girlfriend ni CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon