(A/N: Dedicated to her since naiyak daw siya sa previous chapter! Naks! Ang galing, may napaiyak ako! Hahaha! Joke! Happy reading everyone! Love love!)
ווווווווווווו×ווווווווווווו×
Chelsea's POV
"OH-MY-GOD! Espren, anong nangyari sa mata mo?!!" Naghi-hysterical na tanong saakin ni Nics pagkatapos niyang tanggalin yung sunglasses ko. Napa-roll eyes naman ako.
"Baka tumawa magdamag noh?" Sarcastic na sabi ko pa tapos kinuha sakanya yung salamin at sinuot ulit. Napa-pout naman si Nics.
"Eeee~ Bakit nga kasi espren?!" Tanong niya.
"Mamaya na. Wala ako sa mood mag-kwento." Walang ganang sagot ko sakanya.
Err—Yep, my eyes were swollen. Umiyak kasi ako magdamag kaya eto, pa-sunglasses sunglasses nalang ako ngayon. Haaay~ Hanggang ngayon nga ay wala pa rin ako sa mood dahil umiyak na nga ako magdamag, hindi pa ako nakatulog ng maayos.
"Osige ha! Basta, mamaya!" Tumatango-tangong sabi ni Nics. Naglakad naman na kami papuntang classroom nang biglang....
"Hi Chelsea! (^__^)" Nakangiting sabi ni Rita. Automatic namang nagsalubong yung kilay ko nang makita ko siya. What the?! Seryoso ba siya?! Gosh! Ang sarap sana manapak ngayon pero pasalamat talaga itong Ritang 'to at wala ako sa mood! Tch! Kaasar!
So instead na awayin ko yung babaeng 'yun ay nagdire-diretso lang akong naglakad na parang walang nakita. Narinig ko pa ngang bumulong si Nicole ng "Wow! May himala!" na ikina-iling ko nalang.
--
Pagkapasok namin ni Nics sa classroom ay nandun na si Miss Literature na nagdi-discuss ng kwentong "The Necklace" ni Guy De Maupassant.
Tss. Pumunta agad ako sa upuan ko na parang walang teacher habang si nics naman ay nag-sorry kay Miss. Pfft! Edi siya na mabait.
Sinubukan kong makinig dun sa sinasabi ni Miss nang bigla nalang akong napa-hikab at...
(U_U)zzZZ
BINABASA MO ANG
OPERATION: Patayin sa Sindak ang Girlfriend ni Crush
HumorChelsea, isang babaeng may saltik at sayad sa utak na gagawin ang lahat para maghiwalay ang crush niya at ang girlfriend nito. Magtagumpay nga kaya siya sa kanyang maitim na balak o manaig ang kabutihan laban sa kasamaan? AY! ANO DAW?! Pfftt--Basahi...