Kabanata 2: Cake

7.6K 254 7
                                    

Continuation of prologue...

Habang lumulubog ang barko, hindi inaasahang tumama ang isang bakal na malaki sa pinaglalagyan ni 9988. Natamaan nito ang switch kaya naman biglang bumukas ang pintuan nito at nagliwanag.

Isang babae ang matatanaw sa loob, nanlilisik ang mga mata nito na tila kikitil.

Sa lakas nito'y hiniklat lamang niya ang maraming nakakabit na tubo at kadena sa kanya na sinadya upang siya ay protektahan.

Pinagsusuntok naman niya lahat nang nakaharang sa paligid niya tulad ng naglalakihang machine.

Nilibot ni 9988 ang kanyang paningin sa buong paligid at nang makita niya ang isang lagusan sa itaas ay agad itong lumangoy nang napakabilis.

Kinagabihan......

"Hello thank you for calling!" Ani ng babae pagkasagot ng telepono. Maliit ang boses nito at napakalambing.

"Hi miss ang cute ng boses mo ahh, pa deliver pala ako ng isang hot girl yung sexy, maganda at makinis ang kutis." Giit ni Ronert na sinasadyang tigasan ang kanyang boses.

"Sure Sir! Lahat naman sexy at maganda dito kaya sulit."

"Well that's great! Gift ko kasi yan sa friend ko.. palagay sa cake na box please! Here's the address..."

"Ok sir noted! Thank you sir."

"Ok.. bye babe." Malambing na sabi ni Ronert.

"Bye babe...mmuuaaah!" Malanding tugon ng babae sabay baba ng telepono.

Sa kanyang paglangoy, nakarating si 9988 sa Pasay. Dito niya nakita ang mga establisyemento na puno ng ilaw.

Napatingin si 9988 sa isang building kung saan na detect niya na hindi maganda ang nagaganap doon. Kaya naman dali dali pa siyang lumangoy papalapit sa building. Pag ahon niya sa dagat ay tinitigan niya nang masama ang buiding na isang hotel bar.

Nang makapasok sa loob ng bar ay nanlisik ang singkit na mata ni 9988 na parang kikitil ng tao. Maraming napatingin sakanya habang naglalakad dahil sa maganda ito at may tamang pangangatawan.

Balot ng leather na itim ang buong katawan ni 9988 kaya kitang kita ang hubog ng kanyang katawan. Napagkamalan pa itong isa sa mga entertainer sa hotel dahil ang motif of the day nila ay all black.

Napatingin si 9988 sa isang malaking pinto, napapikit siya sabay bukas nito. Pagpasok palang niya sa loob ay agad na siyang hinila ng isang lalaki na langong-lango sa alak. Halos yakap yakapin siya nito habang sumasayaw. Sa galit ni 9988 ay inihagis niya ang lalaki dahil humawak ito sa kanyang dibdib.

Natakot ang lahat sa pagkahagis ng lalaki dahil nagresulta ito nang pagkasira at pagkabasag ng mga bote at kung anu-ano pa.

Napatingin lamang sakanya ang lahat, habang ang iba ay tumawag ng security.

Ang paningin ni 9988 ay pula na kayang dumetect ng mga tao. May mga numero ito sa gilid at kung anu-ano pa. Mas matalino pa ito sa google kaya kilala niya kung sinu-sino ang mga tao roon at kung ano ang katungkulan nang mga ito sa buhay.

Karamihan sa kanila ay nanunungkulan sa gobyerno, mga taong nagmamay ari nang mga malalaking kompanya at ang ilan ay mga artista.

Napatingin si 9988 sa isang malaking cake na box na naglalaman ng isang dalaga, lumabas sa kanyang kalkulasyon na nasa panganib ito kaya naman sinundan niya ito kaagad.

"Hoy saan ka pupunta! Habulin nyo sya!" Sigaw ng isang lalaki sa mga security.

Mabilis na nakatakas si 9988 sa mga guard dahil sa bilis ng kanyang pagtakbo na parang cheetah.

At nang maligaw na niya ang mga ito ay agad na siyang nagmadali para maligtas ang dalaga na nakita. Tumalon siya sa bintana sabay kapit sa isang tubo. Umakyat ito sa pader habang patalon-talon sa mga bricks na makakapitan niya.

Mula sa taas nang isang pader ay nakita niya ang dalawang lalaki na may bitbit na malaking cake. Agad na bumaba si 9988 nang tahimik upang walang makapansin sakanya.

Pagkalagay nang dalawang lalaki ng cake sa loob ng truck ay huminto muna ang mga ito para magyosi.

Nang makahanap nang tyempo ay dali-dali nang pumunta si 9988 sa kinaroroonan ng dalaga. Pumasok siya sa loob ng truck, dinig na dinig niya ang paghikbi ng dalaga kaya naman agad na niyang binuksan ang pinto ng cake.

"Sino ka?" Ani ng dalaga na takot na takot at umiiyak.

Pinagmasdan ni 9988 ang mata nito at nalaman niyang menor de edad pa ang dalaga. Napahinga nalang siya nang malalim dahil sa galit na nadama. Agad nalang niyang pinababa sa sasakyan ang batang babae.

"Salamat! Salamat po." Tuwang tuwang sabi ng kinse anyos na dalaga sabay takbo nang mabilis.

Lalabas na sana si 9988 nang biglang humarurot ang sasakyan, nawalan siya ng balanse kaya naman napapasok siya sa loob ng cake.

At dahil sa matinding pwersa ay nalock ang pinto nito.

Gustuhin man na sirain ni 9988 ang cake ay nagpadala nalamang sya. Nang sa ganoon ay malaman niya kung saan dadalin ang  dalaga, para rin mapagsabihan niya ito at maturuan nang leksyon ang mga taong iyon.

My Lady RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon