Sa bahay ng pamilyang Holleman, nakatira ang isang binata nagngangalang Kirk. Isang college student sa manila na pilyo at walang ginawa kundi....
"Hoy! Tibo! Nababaliw ka nanaman? Ano yang ginagawa mo?" Maangas na tanong nito sa kapatid nang makitang baklas baklas nanaman ang ibang appliances nila.
"Wala ka pong pakialam! This is serious!" Sagot ng batang si Jeff.
Natawa si Kirk."Serious? huh?! That's a stupid thing." Mapang asar nitong sabi.
"Will you please! Just go away!" Pikon na pikon na sabi ni Jeff.
"Hahahahaha tomboy! Tomboy! lalalalalala! hahaha." Muling asar ni Kirk.
"If matapos ko tong robot ko, I'll make sure that it will defeat you!" Sigaw ni Jeff na halos nangingilid na ang luha.
"Hahaha crying baby... wala kang magagawang ganoon! Sa palabas lang yang mga robot na yan!"
"Well! I'll prove it to you!!" Ani Jeff sabay hagis ng screw kay Kirk.
Halos mayanig ang buong kabahayan dahil sa ingay ng dalawa. Pinaghahagis ni Jeff lahat ng tools niya kay Kirk.
Dahil dito nahiya ang kanilang ina sa kausap nito sa telepono. Gumawa ito ng paraan para matapos na ang usapan. "Ayy may niluluto pala ako! Sorry tawag nalang ako ulit, babye thank you so much!" Ani Loysa sabay baba ng telepono. Kasalukayan din itong nag aayos ng gamit sa kwarto.
Napabuntong hininga nalang ito dahil sa mga kalabugan sa baba."Haaaay si Kirk talaga.. nakoo." Napapailing na sambit ni Loysa sabay lakad palabas ng kwarto, ngunit bigla siyang natigilan nang marinig ang balita sa TV.
"Isang barko ang lumubog dahil sa matinding pagsabog. Ayon sa cost guard, dalawang beses naganap ang pagsabog na kinasawi ng mga crew. Isang japanese national ang nagmamay-ari ng barko na nagngangalang Dr. Kumo na pinaniniwalaang nakasakay din dito. Tunghayan natin ang iba pang ulat mula kay Miggy Castro... Miggy."
Balita sa telebisyon na kinalungkot ni Loysa. Naawa ito sa sinasabing hapon na uuwi ng Pilipinas para makasama ang pamilya sa araw ng pasko.
Ngunit natigilan siya sa panonood nang may kumalabog na sobrang ingay sa ibaba.
Nabahala si Loysa kaya naman agad na itong bumaba upang tignan kung ano na ang nangyayari. "KIRK!" Sigaw nito.
Natulala siya sa nadatnan niya dahil may hawak na takip ng kaldero si Kirk. Ginawa niya itong pananggala sa binabato ng kanyang kapatid.
"Kirk! Jeff! Stop this!" Sigaw ni Loysa.
"He started it!" Ngumangawang sabi ni Jeff.
"NO! He started it!" Nag iinarteng sabi Kirk para lalong asarin ang kapatid.
"Umakyat ka nga doon Kirk!" Giit ni Loysa na napahawak nalang sa kanyang sintido.
Umakyat si Kirk habang tawa ng tawa... Tuwang tuwa talaga ito pagnakikitang pikon ang nakababatang kapatid.
Agad naman na lumapit si Loysa sakanyang bunso para patahanin ito. "Jeff honey don't mind your brother ok.. come my little girl! I love you sweetheart don't cry okay! okay?" Pababy talk na sabi ni Loysa sabay yakap sa anak.
Tumango lamang ang batang si Jeff sabay punas nang kanyang luha.
"Just give me a minute baby." Ani Loysa sabay halik sa pisngi anak.
Huminga nang malalim si Loysa sabay akyat agad sa taas upang pagsabihan ang pilyong panganay. "Kirk!!" Sigaw nito
"Mom." Maarteng sabi ni Kirk.
BINABASA MO ANG
My Lady Robot
Science FictionCode 9988 isang female Robot na nilikha ni Dr. Kumo. Ginawa niya ang Robot na ito upang maging guro. Layunin ni Dr. Kumo na makatulong sa pamahalaan dahil halos wala nang may gustong magturo lalo na sa kolehiyo. Takot na ang lahat ng propesyonal dah...