Kabanata 6: Robot daw?

6.3K 194 3
                                    

Kirk's POV

Mga huni ng ibon...

Iyan ang maririnig mo sa umaga....

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata..

Huh?!

Teka?

Bakit nandito na ako sa kama ko?!

Don't tell me?...

Ah! Siguro panaginip lang ang lahat! Pero ang sarap nang tulog ko ahh! kasing sarap nang nilaga na naaamoy ko!

Nilaga? Mommy?! Nandito na siya agad?!

Dali-dali akong bumangon upang tignan kung sino ang nagluluto sa kusina.

"Magandang tanghali Kirk." Ani ng babaeng nagluluto sa kusina ko!

What the hell?! Napataas nalang ang kilay ko sa nakita ko. Hindi ko mapigilang matulala, hindi ko alam kung magagalit ba ako or magiging masaya? Ewan! Wala lang cute kasi ng babaeng to sexy pa... Bwisit nga lang.

"Tapos na ko magpooop hehe!" Biglang singit ni Jeff at nakangisi pa sakin! Eww!

"Yuck! Jeff ano ba! Umalis ka nga sa harap ko!" Kadiri talaga tong kapatid ko! Ewan naiirita talaga ako sa mga bata, hindi ko alam. Ayoko ng may bata sa harap ko.

"Oouch!" Maktol ko dahil may biglang pumitik sa tenga ko.

Paglingon ko... "Ano ba!" Putik na yan! Pitikin ba naman ako ng babaeng to! Takte naman! "Bakit mo ginawa yun?!"

"Masama ang bibig mo, bata pa yang kapatid mo para ganyanin mo, ang sabi ng mommy mo alagaan mo sya, hindi awayin. Umupo na kayo diyan at kakain na kayo." Giit niya sakin habang nanlilisik ang mga mata.

"Ang sakit ahhhh." Nakakaasar! Siya palang ang unang babae na nakapanakit sakin nang ganito, nung isang araw pa! Nakakapikon na! Isa pa tong kapatid ko! Didila-dila pa sakin bwisit!

Kung wala lang tong babae na to napalo ko na tong batang to eh!

"Kumain na kayo Kirk, Jeff." Sabi ng babae samin.

Umupo na ako, ganun din ang kapatid ko na pangisingisi sakin. Nababadtrip ako pero nawawala na nang unti-unti dahil sa naaamoy kong nilaga.

Humigop ako ng sabaw... Wow! Ang sarap nito ahh, mas masarap pa sa version ng mom ko! Ang galing! Ayos to ah.

Napatingin ako kay miss cutie pie na papuntang sala. Panay sulyap lang ako sa kanya habang kumakain. May pader ang pagitan ng sala at kusina ko, may bilog itong butas sa gitna na may kalakihan kaya nakikita ko siya kahit papaano.

Grabe ang sarap talaga nang luto nya! Siguro sinabi ni Jeff na favorite namin ang nilaga kaya ito ang niluto niya.

Napasulyap muli ako sa kanya at nakita ko na nakatingin lamang siya sa mga libro ko na naka display.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko, tila ba hindi ako natutuwa na hindi siya sumasabay samin ni Jeff kumain.

Tumayo ako para puntahan siya na kasalukuyan nang nagbabasa.

"Miss? kain kana, hindi ako sanay na ang bisita ang nagsisilbi sa bahay ko, at syaka hindi ako sanay na may kasama akong hindi kumakain." Bakit parang kinakabahan ako sa kanya? Ordinaryong babae lang naman to? Hindi ko maintindihan pero parang natatakot ako sakanya at parang feeling ko kailangan ko siyang sundin.

Lumingon siya sakin at kumabog ang dibdib ko bigla, ewan ko pero nakakatakot na nakakamangha ang mga mata nya.

"Hindi ako kumakain.. At kung kumakain man ako hinding hindi ako sasabay sayo." Matalim na sabi niya!

My Lady RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon