Kabanata 5: Disaster

5.6K 219 1
                                    

Habang nagmamaneho papuntang mall ay agad na tumawag si Kirk kay Ronert dahil malapit na ito sa mall. "Hoy Ronert! San ka?"

"Nasa meeting ako Kirk ano bang meron?.... I know naging masaya ang gabi mo! Maya na natin pag usapan... sarap ba?" Natatawang sabi nito.

"Disaster ang nangyari sakin tol! Kung alam mo lang! Need natin magkita hoy! Para malaman ko kung saan mo nakuha yung babaeng iyon!"

"Huh?! Disaster? Ano bang nangyari? Sige sige pupunta ako mamaya." Ani Ronert.

"Pare ang labo mo naman sabi mo na sa GR kana!"

"Wrong send tol sorry, that message was for president... kahawig kasi ng name mo. Sige na bye later nalang." Wika nito sabay hangup.

Lingid sa kaalaman ni Kirk ay nasa date si Ronert at wala sa meeting na sinasabi nito.

Halos lamutakin na ni Kirk ang kanyang mukha sa inis sa nangyayari sakanya. Nagdisisyon nalamang ito na bumalik sa condo. Dahil wala naman pala siyang mapapapala.

Sa Condo....

"Konti nalang!" Gigil na sambit ni Jeff.

Chak!

Napatulala nalang si Jeff habang pinagmamasdan si 9988 na bumabangon.

Paglingon ni 9988 ay agad niyang nadetect si Jeff na takot pero excited. Nabasa niya na matalino at mabait ang batang ito kaya naman siya ay ngumiti... "Hi, Ilang taon kana Jeff Rill Holleman."

"Eight po, ate tawagin niyo nalang po akong Jeff." Malambing na tugon nito.

"Wow ang cute mo naman.. Oh sige Jeff halika laro tayo or gusto mo turuan kita? Ano gusto mong matutunan?

"Aah... About robots! Many things about robots!" Masayang sabi ni Jeff.

Ngumiti si 9988 kay Jeff, gayon din naman si Jeff na kulang nalang ay mapunit na ang labi sa sobrang saya.

Halos maggagabi na nang makabalik si Kirk sa condo. Lantang lanta itong pumasok sa loob ng bahay. Lumakad siya nang mga ilang hakbang at natigilan dahil narinig niya na may kausap ang kapatid.

"Buti ka pa matalino ka kausap samantalang kuya ko..... wala bobo yun eh hahaha." Ani Jeff.

"Sshhh bad yan." Giit ni 9988.

"Sorry po hihi, ahh.. anong name mo po ate."

Nang makita ni Kirk ang kapatid na kausap ang babae ay agad itong tumakbo papunta sa kanila sabay kuha kay Jeff.

"Wag kang lalapit sa kapatid ko!" Galit na sabi ni Kirk sa babae.

Napatingin lang nang masama si 9988 kay Kirk dahil nababasa nito ang mga kalokohan nito bilang estudyante.

"Nasasaktan ang kapatid mo bitawan mo siya, hindi ganyan ang paghawak sa bata." Pahayag ni 9988.

Napatingin naman si Kirk sa kapatid niya na halos namumula na dahil sa pagkakayakap niya.

"Sorry Jeff." Wika ni Kirk sabay bitaw dito.

"Hindi ako makahinga dun ahh!" Hingal na sabi ni Jeff sabay takbo kay 9988 at yakap dito.

"Jeff lumayo ka sa kanya! Masama yang babaeng yan! Demonyo yan!" Sigaw ni Kirk habang dinuduro ang babae.

"Magdahan dahan ka sa pananalita mo. Baka ipakita ko sayo kung sino ang may maling gawain satin." Giit ni 9988.

"Mali?! Ahh ganun ba? Bakit saan kaba galing? Diba taga club kalang naman at nagpapasaya nang mga lalaki!" Sigaw ni Kirk.

Sa galit ni 9988 ay sinampal niya si Kirk. Halos matulala si Kirk sa bilis ni 9988, di manlang siya nakailag. Tila kasi nagteleport nalang ang kamay nito sa mukha niya. Napahawak nalang si Kirk sa kanyang pisngi sabay tingin nang malalim kay 9988.

"Wag na wag kang magsasalita nang mga hindi maganda sa harap ng bata! Kung ayaw mong masaktan, maliwanag!"

Hindi nalang nakagalaw si Kirk sa gulat at takot sa mga mata ni 9988.

"Opo." Tanging nasabi ni Kirk.

"Ok Jeff tara! Laro na ulit tayo." Malambing na tono ni 9988 habang nakangiti.

"Ok po!" Masayang sabi ni Jeff sabay dila sa kapatid.

Napatulala nalang si Kirk sa kawalan. Sakanyang palagay ay hindi na siya tatagal sa kanyang condo, kahibangan para sakanya makasama ang kapatid at ang babaeng inaakala niyang demonyo. Tila mas nanaisin pa niya malagutan nalang nang hininga.

Habang pinagmamasdan ang dalawa na masayang masaya sa paglalaro ay napaupo si Kirk sa sofa. Awang awa siya sakanyang sarili, pakiramdam niya siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo.

Maya maya naman ay dinalaw nang antok si Kirk kaya naman unti-unting napapikit ang kanyang mga mata.

My Lady RobotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon