"Kaba"
Nang matapos ang libing, nag paiwan muna sina Ma'am Beth, Miyang at Jeff upang samahan si Eden na ayaw pang umuwi. Habang si Kirk naman ay humahanap pa ng tyempo para maka alis.
Kirk's POV
Tooooot... Tooooooot.. Vibrate ng phone.
Bro, saan ka na? Papunta
na ako GR-Mall.Hala nagtext na si Ronert pano ba to? Pano ako makaka alis.. Tsk, hindi ko akalain na ganto yung magiging feeling ko, parang ayoko rin umalis. Gusto ko pang dumamay kay Eden. Kawawa kasi talaga sya eh..
Ano bang sasabihin ko kay Ronert? Haaay nakakahiya naman kung sasabihin kung bukas nalang. Magpaalam kaya ako kay Miyang?
Haaays kaso baka hindi ako payagan eh. Tsk! Pano ba to?
Bahala na replyan ko na to..
Sige bro papunta
na rin ako, see uShhhhhh!! Try ko nalang magpaalam, bahala na..
Inilagay ko na ang cellphone ko sa bulsa at sinimulan ko nang lumakad papalapit kina Miyang na kasalukuyang kinakausap si Eden. Siguro pinapaliwanag nya ang mga nangyayari.
Naka upo silang apat sa may loob ng gazebo. Kitang kita ko ang kapatid ko na nakikinig lang sa usapan ng tatlo. Chismosang bata...
Habang papalapit ako ng papalapit sa gazebo ay tila kinakabog ang puso ko. Kinakabahan ako, ewan ko ba! Baka kasi pagalitan ako ni Miyang.. Haaay sana payagan nya akong umalis!!
Eto na isang hakbang nalang...
Whooo!! Eto na papalapit na ako sakanila..
Teka? Pano ba? Nakakahiya naman kung bigla nalang ako sisingit sakanila. Bahala na ahhh...
"Aahh, excuse lang sandali Miyang??" Magalang na sambit ko... Wwwhoooooo!!! Grabe nakaka kaba talaga! Nakaka inis!! Bakit ba ako nakakaramdam ng ganito?
"Bakit Kirk?" Sambit ni Miyang sakin. Ang lamig ng tono ng boses nya ang sarap pakinggan at ang mga mata nya, talagang nakakatunaw pagtumingin. Teka nga!! Ano ba tong iniisip ko! Erase!!
"Kirk?" Muling giit nya sakin na waring nagtataka ang mga mata. Kaya naman natauhan ako sa pagka tulala ko. Ano ba!!! Kirk!!! Kaya naman inalog ko ng konti ang ulo ko syaka....
"Ahh may pupuntahan lang sana ako, magkikita kasi kami ni Ronert sa GR-Mall." Maayos na sambit ko sakanya, napatingin naman ako kina Eden at Ma'am Beth na nakatingin lang sakin at nakangiti. Yung ngiting ewan hindi ko mabasa eh... Parang nanunukso, ano bang iniisip ng mga to?
"Ang sweet naman ni Kirk nagpapaalam sa girlfriend." Masayang sambit ni Ma'am Beth!! Kaya naman napalunok nalang ako. Nakakahiya!... Kaya pala ganun sila makatingin.
"Sige basta bumalik ka agad." Sambit ni Miyang sabay ngiti sakin nang sobrang tamis. Grrrrrr!! Ano ba!!! Tama na!
"Ahh sige alis na po ako, balik nalang ako." Tanging nasabi ko, nahihiya na kasi ako. Grabe kasi tingin sakin ni Eden at Mrs. Beth parang ewan mga nakangisi na tila kinikilig.
Kinikilig din naman ako pero... Hindi!! Hindi ahh! Hinding hindi! As in! Never... Maka alis na nga. Agad na akong tumalikod sakanila, buti pinayagan ako ni Miyang.
"Bye kuya!!" Sigaw sakin ng kapatid ko kaya naman lumingon ako. Ngumiti nalang ako kay Jeff, napatingin naman ako kay Miyang na nakangitin sakin at kumakaway. Gulp! Napalunok nalang ako.. Bakit ba ano ba!! Baka masamid nanaman ako!
Kumaway nalang ako sabay lingon muli sa nilalakaran ko. Medyo tumakbo ako para mabilis na makapunta sa parking lot. Buti nalang wala ng ulan, kundi mahihirapan ako sa byahe.
Agad kong kinuha ang susi ko sa packet sabay bukas ng aking sasakyan. Pagka sakay ko'y ini-start ko na ito at drive paalis.
Bigla naman sumagi sa isipan ko ang mga nangyari kanina...
Ang bawat paglapit ng katawan ko sa katawan ni Miyang. Ang pagyakap nya sakin na halos sumandal na sya sa aking balikat. Ang mga tingin nya na parang alalang alala na baka mabasa ako... Haaaay! Ang lahat ng yun! Nakakapanghina! Buti na nga lang hindi ko nabitawan ang kapatid ko sa kaba na nararamdaman ko. Ang lakas ng kuryente ni Miyang. Teka nga ano nanaman bang iniisip ko?!!!! Ayy hindi baka naman talagang malakas lang ang kuryente nya? Kasi nga robot sya kaya ko nararamdaman to. Siguro nga ganun lang yun, tama yun lang un.
"Wwoooooooooooooooooo!!!" Mahabang pagbuntong hininga ko sabay liko papunta sa parking lot ng mall.Napatingin ako sa salamin pagtingala ko. Parang nakita ko ang mga mata ni Miyang na tila nang aakit... Ano ba?!! Tama na! Minumulto ba ako?!
Kirk! Tumigil ka na kakaisip!!!! Haaay! Makapag park na nga...
"Lalalalalalalala.....lalalalalalalala...lalalalala" maglakad na tuning ng phone ko.
Nakakagulat naman tong cellphone na to! Wwoo! Mapapatalon talaga kalamnan mo sa gulat, nagvibrate kasi naramdaman ng legs ko. Agad ko nalang itong kinuha to check kung sino..
Ahh si Ronert, sabi na eh.. Baka nandun na sya.
"Hello bro?" Giit ko.
"Pare where are you? Two minutes na akong nag aantay." Ani niya na tila kala mo apat na oras na syang nag aantay.
"Wait nag p-park na ako tol, eto na." Sambit ko sakanya sabay end call.
Pagka park ay agad na akong bumaba sabay takbo papunta sa loob ng mall. Agad akong nag tungo sa Wish Resto.
Dito kami madalas kumain magkaibigan masarap kasi talaga mga pagkain dito. Pero tinaob ni Miyang ang lasa ng mga pagkain sa restaurant na to, sa sarap ng hinahain nya samin ni Jeff.
Pagkarating ko sa resto ay agad kong nilibot ang aking mata at nakita ko si Ronert na kumakaway sakin, kaya naman agad na akong lumapit at umupo sa tapat niya.
May mga inorder na sya na food kaya naman lumunok nalang muna ako. Mamaya na ako kakain, pinakain kasi ako ni Miyang kanina ng marami. Este, ako pala... kumain talaga ako ng marami.. Ang sarap ehh.
"Ooh tol kamusta?" Bungad na tanong sakin ni Ronert.
"Ok lang naman pare, ahh eto pala oh." Giit ko sabay pakita sakanya ng buhok at finger print ni Miyang na nasa relo ko. Nilagay ko ito sa supot para safe na hindi mawala.
"Ok don't worry akong bahala na rito, pero dude about the details that you send me last night." Naudlot na sambit ni Ronert dahil kumain ito ng fries.
"Ohh? What's wrong?" Kinakabahan na sambit ko.
"Wala sa files ng NSO name nya." Giit sakin ni Ronert.
Ayy? Shocks! Nga pala si Jeff ang nagbigay ng name niya?!! Ang bobo ko talaga! Shemay!! Napatulala nalang ako ehh hindi ko alam ang sasabihin ko... Kainis bakit hindi ko naalala yun??
"Pero yung about sa robot name... Meron." Siryosong sambit ni Ronert. Kaya naman napatingin ako sa mga mata nya na tila ang lalim ng iniisip.
"Siryoso?" Gulat na sambit ko sabay lunok ng kinakain ko.
"Actually nagulat nga ako kasi una, tawa lang ako ng tawa about dun sa robot name. Eh magkausap kami ni daddy so nabanggit ko sakanya." Giit ni Ronert sabay igting ng kanyang panga.
"Si tito?? Oh.. Tapos." Ani ko.
"He knows about that name and he's willing to help. Nagulat lang ako kay dad kasi sobrang interesado sya." Sambit ni Ronert na parang takang taka.
"Ano? Pero bakit daw?" Gulat na nagtatakang tanong ko. Si tito? Interesado? Tutulong? Imposible yun, kasi wala namang ibang mahalaga sakanya kundi ang kompanya nya.
"Tell me Kirk, ano pang nalalaman mo kay Miyang?" Siryosong siryosong sambit sakin ni Ronert na kina kaba ko.
BINABASA MO ANG
My Lady Robot
Science FictionCode 9988 isang female Robot na nilikha ni Dr. Kumo. Ginawa niya ang Robot na ito upang maging guro. Layunin ni Dr. Kumo na makatulong sa pamahalaan dahil halos wala nang may gustong magturo lalo na sa kolehiyo. Takot na ang lahat ng propesyonal dah...