Nasa harap pa rin ako ng salamin at naglalagay ng konting light make-up sa mukha. Ngayong gabi na kasi 'yung birthday party ni Isabel at maya-maya lang ay susunduin na rin ako dito ni Sofia sa bahay. Sandali lang naman ako 'don, siguro mga one or one and a half hour lang ang itatagal ko tapos uuwi na rin ako.Ayoko kasing magpagabi, mahirap na.
Napatigil ako sa ginagawa ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Mam Cathy, nasa baba na po 'yung kaibigan niyo."
magalang na saad ng katulong.
"Sige po Ate Julie, pakisabi na lang na pababa na rin ako."
utos ko sa kanya.
"Sige po."
sagot nito at narinig ko na ang pag-alis niya. Isinuot ko lang 'yung iba kong acessories at pagkatapos ay tumayo na rin ako para kuhanin ang bag ko. Nang matapos na 'ko ay muli akong humarap sa salamin at pinagmasdan kong mabuti ang aking sarili.
I'm wearing a black tank sexy dress with criss cross mesh detail, fit siya sakin kaya lumabas ang buong hubog ng katawan ko.Nakalugay lang ang buhok ko na medyo kinulot ko kanina for me to look more gorgeous. Nang makuntento na ko sa itsura ay kinuha ko lang ang aking white coat sa closet at naglakad na 'ko palabas ng kwarto.
Palabas na sana ako ng pinto ng mahagip ng isang mata ko 'yung picture frame ko na nasa sidetable ng kama. Masayang picture naming dalawan 'yon ni Richard. Ngumiti ako at parang tangang kinausap ko ang larawan.
"I'll be back, Hon. Wait for me ok? I Love you."
Pagkatapos ay isinara ko na ang pintuan at bumaba na rin ako.
"Alam mo, malapit na kong mainsecure sa beauty and figure mo."
nakapout pero nakangiti ang mga matang sabi ni Sofia. Kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan niya at tinatahak ang daan patungong private resort ni Isabel.
"Ako nga 'tong naiinsecure dyan sa dress mo eh. Where did you buy that?"
nakasimangot na sabi ko. Type ko kasi 'yung pagkadesign ng dress niya eh, she's wearing a white sleeveless a-line dress with full mesh back.
"Aba, secret. Baka bumili ka eh. Mamaya pa niyan mas bumagay 'yon sayo kaysa sakin, matalbugan mo pa 'ko."
mataray na sagot niya saka nagtawanan kaming dalawa.
"Haaay, sayang wala si Diane. Mas masaya sana kung nandito si Miss Nerd eh."
malungkot na saad ni Sofia ng matapos kami sa kakatawa.
"Oo nga eh, ang strict kasi masyado ng mommy at daddy 'non, kahit ipagpaalam natin hindi pwede."
sagot ko. Bunso kasi si Diane kaya siguro ganun na lang ang paghihigpit sa kanya ng mga magulang niya.
Sus? bakit naman ako? Nag-iisang anak lang pero hindi naman ako masyadong pinaghihigpitan nila mom at dad? 'Nung nagpaalam nga ko kagabi sa kanila na aattend ako sa party ni Isabel, pinayagan agad nila ko. Siguro dahil malaki ang tiwala nila sakin at alam nilang isa akong mabuting anak at alam rin nilang hindi ako gagawa ng ikakadismaya nila para sakin.
BINABASA MO ANG
I Love You, Tell Me I'm Wrong
Ficción General[ON-HOLD] Masaya si Cathy sa lahat ng kung anong meron man siya ngayon sa buhay, masayang pamilya, mabubuting kaibigan at mapagmahal na boyfriend. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang manatili ito sa kanya habang buhay. Ngunit isang umaga ay nagis...