Nagmistulang isang talon ang mga luha ko mula sa walang katapusang pag-agos nito saking magkabilang pisngi. Gusto kong isipin na isang panaginip lamang ang nangyayari sa buhay kong ‘to, gusto kong isipin na nasa isang mahimbing lamang ako na pagkakatulog mula sa isang coma at kapag nagising ako ay muli na akong babalik sa dati kong masayang buhay bilang isang masayahing Catherine Villaflor. Pero habang dama ko ang mahigpit na yakap ng aking ama sakin ngayon ay pakiramdam ko ay pinapatay ako ng paulit-ulit. Gusto ng sumabog ng puso’t-isip ko dahil sa mga bagay na hindi ko matanggap.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at mariin niyang hinalikan ang ulo ko. Nandun lamang siya, hindi umaalis. Sinusubukan niyang pakalmahin ako at heto ako nananatiling tulala sa kawalan habang inuulit-ulit ang huling katagang sinabi niya sakin.
“B-Bakit dad?”
Nagsimula nang tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa pagpigil ng naka-ambang pagsabog ng emosyon ko.
“I’m sorry. I’m sorry anak.
Kahit anong gawing pilit ko para pakalmahin ang sarili ko ay bumabalik at bumabalik pa rin ang hinanakit sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa bilis ng tibok ng puso ko ay lalo lamang itong kumakabog ng malakas lalo na’t natatanaw ko na ang magiging buhay ko kung mangyari man ang gusto nilang mangyari. Pumikit ako ng mariin upang iwaksi sa isipan ko ang mala-bangungot na hinaharap na iyon.
“Please Cathy anak, para sa’yo rin ‘to.”
Nang hindi ko na napigilan ang sarili ko ay malakas na naitulak ko na siya.
“Para sakin?! Hindi ‘to para sakin dad! Kung para sakin talaga ang ginagawa mo hindi mo sasabihin sakin ang mga bagay na ‘yan!”
“Anak Cathy huminahon ka.Baka mapano ka na naman.”
Si mommy ‘yun na pinipilit akong pakalmahin sa pamamagitan ng paghawak niya sa kamay ko ngunit marahas na hinila ko lamang ang kamay ko at humakbang ako para makalayo sa kanila.
“Sabi niyo…. Sabi niyo gagawin niyo ang lahat para makapag-higanti sa taong ‘yun na sumira ng buhay ko. Nangako kayo na gagawin niyo ang lahat para makulong siya. Nangako kayo dahil akala ko mahal niyo ako, akala ko naiintindihan niyo ako pero hindi pala!”
“Anak mahal ka namin! Mahal na mahal ka namin.”
ani dad sa nakikiusap na tono.
“Hindi niyo ako mahal! Dahil kung mahal niyo ako hindi niyo ‘to gagawin sakin! Mom! Dad! Ilang lingo akong naghirap! Ilang linggong naging kalbaryo ang buhay ko! Sa tuwing naaalala ko ang ginawa ng lalaking ‘yon sakin pakiramdam ko wala na akong kwenta, na hindi na ako karapat-dapat na mabuhay sa mundo. Ilang beses kong sinubukang magpakamatay pero sa tuwing naiisip ko kayo, lumalaban ako dahil ayoko ko kayong maging malungkot! Dahil ayoko ko kayong masaktan! Dahil mahal ko kayo!”Lumakas ang hagulhol ko, at sa tuwing kusang tumataas ang dibdib ko dahil sa sunud-sunod na hikbi ay hindi ko mapigilang hindi maawa ng paulit-ulit sa sarili ko. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng mundo.
Sinubukang lumapit ni daddy ngunit sa bawat hakbang niya ay katumbas noon ang paghakbang ko palayo.
“Magpapaliwanag ako sayo anak.”
Nag-umpisa nang humagulhol ang daddy. Sa buong buhay ko, ito na ang pangalawang beses na narinig ko siyang umiyak ng ganun. Ang una ay noong nalaman niya ang totoong nangyari sakin, galit na galit siya noon na halos isumpa niya ang taong gumawa sakin nito, halos araw-araw nangako siya sakin na gagawin niya ang lahat para makulong lang ang lalaking ‘yun, pero sa kasamaang-palad bumaligtad yata ang lahat.
BINABASA MO ANG
I Love You, Tell Me I'm Wrong
Ficción General[ON-HOLD] Masaya si Cathy sa lahat ng kung anong meron man siya ngayon sa buhay, masayang pamilya, mabubuting kaibigan at mapagmahal na boyfriend. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang manatili ito sa kanya habang buhay. Ngunit isang umaga ay nagis...