Chapter 7

3K 139 45
                                    

Christopher's POV

 

Four weeks. Four weeks ago since that day.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala.Ang laki ng impact ng ginawa kong 'yon sa buong pagkatao ko.Naguguluhan pa rin ako kung pano 'yon nangyari at kung pano ko 'yon nagawa.Gulong-gulo na 'ko,binubulabog ako ng konsensiya ko.Walang araw at gabi na hindi ko 'yun naiisip.Hindi ako makakain at makatulog ng ayos,at kung nakakatulog man ako 'yun ay kapag umiinom lang ako ng alak at nagpapakalasing.


"Anak?Gising ka ba?Pwede ba 'kong pumasok?"

 Pumukaw sa atensyon ko ang boses ni mommy na noo'y kumakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Yes mom,come in." 
  anyaya ko sa kanya at pagkatapos ay pumasok siya dito sa loob.Dumaretso siya sa sakin at umupo sa couch,katabi ko. Kasalukuyan akong nanonood ng tv,actually nakatitig lang ako sa screen at wala doon ang concentration ko dahil malalim pa rin ang iniisip ko,lumilipad sa kawalan ang utak ko.

"Anak,alam mo bang naninibago na kami ng daddy mo sayo?Hindi ka na lumalabas ng bahay,nagkukulong ka lang dito maghapon,magdamag. Hinahanap at tinatawagan ka ng mga kaibigan mo pero hindi mo naman sila mga pinapansin. Namumutla ka na rin at namamayat. Anak,sabihin mo nga sakin,may problema ka ba?"

 

Tiningnan ko si mommy na noo'y mababakas sa mukha ang matinding pagkaawa at pag-aalala para sakin.

 

Si mommy, siya lang ang tanging tao na nakakaintindi sa lahat ng mga pinagdaraanan ko sa buhay.N'ung time na iniwan ako ni Ashley,siya ang unang tao na dumamay sakin,siya lang ang tanging tao na nagpalakas ng loob ko para lumaban at mabuhay. At kung sasabihin ko sa kanya 'tong dinadala kong problema, baka mag-isip lang siya ng mag-isip, baka siya naman ang mamroblema at maging dahilan pa para atakihin siya ng sakit niya. Hindi ko kaya 'yon, hindi ko kayang makita si mommy na nag-sa-suffer dahil sa kabalastugang ginawa ko.

Kinuha ko lang ang mga kamay niya at malumana'y ko siyang tinitigan. Pinilit kong ngumiti sa harap niya para ipakita na ok lang ako.


"Mom,don't worry about me.I'm ok."
  malumanay ang tono ko.

"Are you sure hijo?"

 "Yes mom."


Maingat niyang hinaplos ang buhok ko katulad ng ginagawa niya 'nung bata pa ako.


"Ang anak ko.Malaki ka na nga talaga.Halika nga dito,payakap nga ang mommy sa bunso ko."
  mangiyak-ngiyak na saad ni mommy at pagdaka'y iniyakap niya ang mga braso niya sa likod ko.I tightly hugged her na para bang natatakot ako na mawala sa kanya.


"I'm sorry mom for making you worry.I didn't mean to do it.I'm sorry." 
   malungkot ang tinig ko dahil sa matinding pagpigil sa emosyon.


  Nagulantang kami ni mommy ng makarinig kami ng sigawan sa baba, parang may kaaway si daddy dahil pati siya sumisigaw. Nanlalaki ang mga mata ni mommy nang humarap siya sakin at walang sabi-sabing sabay kaming tumayo at tumakbo para bumaba.

 

"Ilabas mo ang anak mo Mr.Santovaniez kung ayaw mong magkagulo tayo dito at tumawag ako ng pulis para mabulok na sa bilangguan 'yang walanghiyang anak mo!"
  nagwawalang sigaw ng hindi ko kilalang tao sa baba. Boses 'yun ng medyo may edad na lalaki.

I Love You, Tell Me I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon