Chapter 6

2.8K 94 8
                                    

Richard's POV

"Tita, Ano po ba talagang nangyari? Bakit siya nagkaganun?"

  mahinahong tanong ko kay tita Carmia, ang mommy ni Cathy. Sumisikip ang dibdib ko, pakiramdam ko sobrang nanghihina na 'ko. Wala akong ideya kung anong nangyayari sa girlfriend ko ngayon, wala akong magawa.

  Kasalukuyan na kaming nasa loob ng hospital habang nakaupo sa bench at naghihintay sa paglabas ng doctor na tumitingin kay Cathy sa loob ng hospital room.

   Pinunasan lang sandali ni tita ang kanyang mga mata para pawiin ang mga nagkalat niyang mga luha. Actually kanina pa siya umiiyak simula ng isugod dito si Cathy na walang malay-tao, kanina ko pa rin siyang pinipilit na pakalmahin kahit alam ko rin sa sarili ko na pinanghihinaan na rin ako ng loob.

-I'm sorry that I can't stay with you forever.-

 Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing bumabalik sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Cathy bago siya mawalan ng malay kanina. I can't help but to think that there's something wrong about her and that would lead us to seperation. Bagay na hindi ko kayang mangyari saming dalawa ni Cathy.

I love her. I really really love her.

 "I don't know, hijo. I don't have an any idea kung bakit siya nagkaganun this past few days. Ang alam lang namin ng daddy niya, nagsimula na siyang magbago after that party."

 saad ni Tita Carmia sakin habang hawak-hawak niya ang kanyang panyo sa ilong niya at pinipigilan ang pag-iyak.

Party? Hindi kaya 'yun 'yung birthday party ng college classmate niya na in-attend-an niya last week?

"Then what happened to her after that?"

  pigil ko ang kaba ko. Napapikit ng mariin si tita dahilan kaya isa-isa na namang nagpatakan ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Nagbago siya Richard, not only physically, but mentally and emotionally. Hindi na siya tumatawa, ni ngumingiti, naging kabaligtaran na siya ng masayahing Cathy noon. Hindi siya lumalabas ng kwarto niya, lagi lang siyang nagkukulong sa loob. Lagi rin siyang walang ganang kumain. Minsan, nakikita na lan namin siyang nakatingin sa kawalan at laging tulala."

Tita said between her sobs.

"Ang masakit pa dito,lagi kaming nagigising sa gabi ng daddy niya dahil naririnig namin ang mga paghagulhol niya habang nagsusumiksik siya sa isang tabi, na para bang takot na takot. Ramdam ko bilang isang ina na may kinikimkim siyang malaking problema sa buhay na ayaw niyang sabihin kahit kanino. Richard,hijo sunud-sunod na ang naging problema sa buhay namin lalo na ng magkaroon ng problema sa company ng daddy niya. Hindi ko na alam ang gagawin namin, hindi ko na alam ang gagawin ko bilang isang ina at asawa."

 Napahagulhol na siya. I hugged her and the she hugged me tightly na para bang kailangang-kailangan niya ng karamay ngayon. Naaawa ako sa kanya.

"Tita,be calm. Everythings gonna be alright."

 pampakalma ko kay tita habang hinahagod ko siya sa likod niya. Kung may maitutulong lang sana ako, kahit ano gagawin ko para lang malaman kung anong nangyari sa girlfriend ko at magawan ko ng paraan para bumalik ulit siya sa dati.

I Love You, Tell Me I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon