Kilabot sa mga Paaralan - Sanib Part 2 (Ending)-

4.7K 47 22
                                    

Tagalog Horror Stories Collection 

Sanib Part 2 (Ending)

Written by PrinceRomance

(Claire's POV)


Kanina ko pa inutusan na puntahan ni Rissa sila Jericha sa deck pero hanggang ngayon wala pa rin sila.

Pati si Rissa hindi na rin bumalik! Nakakainis! Okay lang sana kung si Rissa lang ang hindi bumalik kasi ang dami na niyang nagawa sa project namin eh, pero sila Jericha, ni hindi pa nga nakakatulong dito! 

ARGHHH!! Nakakabad-trip talaga!

"Guys, sino ang gusto sumama sa akin paakyat sa deck? Di pa rin kasi bumabalik si Rissa ehh, kanina ko pa siya inutusang puntahan sila Jericha pero hanggang ngayon wala pa rin sila!"

"Eh president, nasa lumang building sila diba? Sigurado ka bang pupuntahan mo pa sila dun? Siguro mas maganda kung sama-sama na tayong lahat pumunta dun! Hindi naman tayo kasing tapang ni Rissa na pumupunta dun mag-isa nuh!"

"Oo nga president, eh balita ko pa naman, may sinapian dun last year eh!"

"Oh, sige na! Sama-sama nalang tayo umakyat. Iwan niyo na muna yan at i-lock niyo yung kwarto paglabas niyong lahat!"

"Okay po president!"

Buti nalang pala at naisipan kong tanungin sila kung sino ang gusto sumama, atleast ngayon di na ako masyadong matatakot kasi buong section nanamin ang aakyat para umakyat! Takot din kasi yung mga yan na sumama sa akin mag-isa eh. 

Habang umaakyat kami, mararamdaman mo na takot ang bawat isa sa amin. Paano ba naman kasi, eh nakapatay na yung ilaw sa corridor at sa hagdanan kaya talagang creepy na yung lugar na yun at naisipan pa naming umakyat.

Pabigat na ng pabigat ang pakiramdam ko habang paakyat kami sa third floor.

"BLAG"

"Guys, narinig niyo ba yun? Parang may lumagabag sa taas ha?"

"Ano ba kayo? Wala yun nuh! Tinatakot niyo lang yung mga sarili niyo!"

Kahit alam kong di nila ako paniniwalaan, nagsinungaling pa rin ako sa kanila para palakasin ang loob nila. Alam ko anmang alam nila na talagang may bumagsak sa taas dahil rinig na rinig namin yung lagabag, pero kailangan naming tumuloy paakyat alang-alang sa grades namin!

Pagkarating namin sa fourth floor, nakita naming naka-lock na yung gate paakyat sa deck, kaya no choice kami kundi ang gamitin ang middle gate para makaakyat.

"President, si Rissa ba yung nandun sa gitna ng hallway? Yung nakaupo sa sahig?"

"Rissa, diba inutusan kita na puntahan sila Jericha sa deck? Eh bakit nandito ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ah! Tapos di mo pa pala sila pinuntahan."

"Oo nga Rissa, buti pala umakyat kami dito, atleast hindi kami naghintay sa wala!"

"Pasensiya na kayo ha? Nahilo kasi ako kanina kaya hindi ko na sila napuntahan," sagot sa amin ni Rissa.

"Tara na guys, akyat na tayo sa taas at puntahan sila Jericha sa deck para matapos na rin natin yung project natin."

Pinagmasdan kong maigi si Rissa at pakiramdam ko ay mayroong mali sa kaniya. Pinilit ko mang iwaksi iyon sa aking isipan pero ibang-iba ang mga ikinikilos niya. Di ko alam kung napaparanoid lang ako oh kung ano na! Nababaliw ata ako!

Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon