Tagalog Horror Stories Collection
Isang Paslit
Written by: PrinceRomance
(Jericho's POV)
Mahirap mamuno bilang isang presidente ng Supreme Student Council (SSC) sa isang pampulikong paaralan lalo na kung ang paaralan na iyong pamumunuan ay isang luma nang paaralan at hindi gaanong kagandahan ang record.
Bilang bagong pangulo ng SSC, naglibut-libot kami sa uong paaralan upang malaman namin ang mga hakbang na aming isasagawa upang mas mapaganda pa ang minamahal naming paaralan.
"Hoy Guevara! Wala ka bang balak kumain man lang ng tanghalian?" ani JC, ang vice-president.
"Tanghalian pa bang maituturing ito, eh halos alas-3 na ng hapon eh! Ito naman kasing si Mr. President masyadong masipag," panggagatong pa ni Michelle, secretary ng SSC.
Nagulat ako sa kanilang sinabi at napatingin nga sa aking relo. Oo nga, halos magaalas-3 na ng hapon at pare-pareho pa kaming walang kain dahil nga sa gusto kong lahat kami ang maglilibot sa buong paaralan.
"Sige na, sige na! Bilisan niyong kumain at magsibalikan kayo kaagad dito dahil hindi pa tayo tapos sa trabaho natin," malumanay kong sabi sa kanila.
"Wala ka pa bang balak kumain Guevara?"
"Oo, mauna na kayo, dito nalang muna ako sa likod nitong building na ito nang matapos na kaagad ang pagsu-survey natin ngayong araw."
"Sige, dalhan ka nalang namin kahit sandwich man lang. Isa pa pala, wag ka amsyadong magpaka-seryoso diyan ahhh! Baka maaliw ka! hahahahahaha!"
"Sira ulo ka talaga JC! Sige na, iwan niyo na ako dito nang makakakain na kayo at makabalik agad kayo dito."
Nang makaalis na yung iba kong kasama, nagsimula naman akong maglibut-libot sa likod ng lumang building ng school namin.
Halata sa lugar na ito, na tunay ngang napaglipasan na ito ng panahon, dahil halos hindi na ito nalilinis at punung-puno na rin ito ng mga tuyong dahon. ukod pa rito ang mga bitak-bitak na pintura ng haligi ng gusali.
Sunod kong tinungo ang mini-garden dito na di mo na masasabing garden dahil puro damo na lamang ang tumutubo.
"Mga iho, anong ginagawa niyo rito? Hindi niyo a alam na hindi na pinapayagan ang mga estudyanteng magtungo rito?"
"Ay kuya pasensiya po, presidente po ako ng SSC, kaya po ako nandito eh para po tignan yung mga dapat pang isaayos dito upang maibalik yung dating sigla nito at magkaroon ng lugar na maaaring puntahan ng mga mag-aaral kung sakaling gusto nilang mag-aral," mahaba kong paliwanag sa janitor ngg school namin na si Mang Berting
"Ah ganun a mga iho, o siya sige, maiwan ko na muna kayo dito ah! Mag-ingat kayo rito at masyado nang masukal ito at may mga masasamang espirito rito kaya wag kayong masyadong maglilikot dito ah."
"Okay po Mang Berting, salamat po!"
Nang makalayo na si Mang Berting ay nagsimula na ulit akong mag-ikut-ikot sa lugar at napansin kong masyadong malaking pera ang kakailanganin namin kung tunay ngang nanaisin naming isaayos ang lugar na iyon.
Dahil hindi lang pala mga pintura at mala gubat na itsura ang kailangan naming isaayos, kailangan na rin palang pa-sementohan ang sahig dahil itak-bitak na rin ito, marahil ay dahil na rin siguro sa matagal nang napabayaan ang lugar.
Nang matapos na akong mag-ikot sa site, sakto namang parating na yung ia ko pang kasama kaya sinigawanan ko na silang bilisan na nila upang matapos na kami.
"JC! Bilisan niyo naman!"
"Ito na nga po Mr. President oh! Tumatako pa. Nga pala, ito sandwich mo oh," sabay abotn sa akin ng isang sandwich.
"Salamat dre ah! Kanina haang wala kayo, inikot ko na itong buong paligid at nakita ko na rin yung mga dapat nating ayusin sa lugar na ito at sa tantiya ko, malaki-laki ang perang kakailanganin natin, kaya ngayon pa lang kailangan na nating makaisip kung paano tayo makakalikom ng pera." litanya ko sa kanila habang kinakain yung sandwich na binigay sa akin ni JC.
"Pre, baka pwedeng sa susunod na nating pag-usapan yung tungkol diyan? Di ka ba napapagod?"
"Sabagay may point ka, sige, idi-dismiss ko na muna kayo ngayon. Ikaw JC kausapin mo sila para makapagset ulit ng next meeting tapos sumunod ka sa SSC office ah."
"Yes boss!" saludo pa sa akin ng baliw kong bestfriend.
"Magandang hapon po Mang Berting," bati ko sa kaniya nang makita ko siyang malapit sa office ng SSC.
"Ay iho magandang hapon din naman. Tapos na ba kayong magmasid-masid sa likod kanina?"
"Ay opo. Salamat po at pinayagan niyo po kami ah."
"Wala yun nuh! Para naman iyon sa ikagaganda ng paaralan eh."
Akmang papasok na ako ng office nang may sabihin si Mang Berting na siyang gumulat sa akin.
"AY IHO, NASAN NA NGA PALA YUNG KASAMA MONG MADUNGIS NA BATA KANINA SA LIKOD?"
Kinilabutan ako sa tinanong niya sa akin subalit hindi ko ito ipinahalata sa kaniya.
"Po? AKo lang po mag-isa ang tao sa likod kanina nang makita mo po ako doon."
"SIgurado ka ba? Hindi kasi ako maaaring magkamali kasi nginitian pa nga niya ako kanina eh. Ang akala ko sinama mo para mangolekta ng mga kalakal sa likod."
Tuluyan na akong kinabahan sa tinuran ni Mang Berting, alam kong hindi siya nagsisinungaling dahil napansin ko nga kanina noong kausap ko siya na imbis na MO, NIYO ang ginagamit niya sa pakikipag-usap sa akin.
Upang pawiin nalang ang takot, pinilit ko na lamang isiping kasinungalingan lang an sinabi sa akin ni Mang Berting.
"Naku, kayo talaga Mang Berting oh! Mukhang inaaantok pa kayo kanina. Hahahahahahahahaha!"
"Ay! Ikaw talagang bata ka oh. Sabagay may punto ka run, kakagising ko lang kasi ng mga oras na yun eh. Atsaka hindi naman siguro magpapasok ang guard nang kung sinu-sino mang pulubi upang mangalakal lalo pa kung may sugat yung ulo ng bata.
"Oo nga naman Mang Berting. O siya sige po, pasok na po ako at may aayusin pa akong mga files sa loob eh."
"O sige iho. Mag-iingat ka diyan sa loob ah."
Habang binubuksan ko ang office, hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Mang Berting. Alam kong ligaw na kaluluwa ang nakita niya subalit pilit ko pa ring itinanggi iyon sa kaniya dahil na rin siguro sa takot na aking nadarama.
Nang tuluyan nang makaalis si Mang Berting ay agad-agad na akong pumasok sa kuwarto ng SSC sa pag-aakalang makakahanap ako ng kapayapaan sa loob.
SUBALIT NAGKAMALI PALA AKO.
NADATNAN KO SA LOOB NG AMING OPISINA ANG ISANG BATANG DUGUAN HABANG MAY HAWAK NA PATALIM SA KANANG KAMAY NITO AT BAKAS ANG ISANG MALAMI NA NGITI MULA SA LABI NITO NA PARANG IPINAHIHIWATIG ANG AKING KATAPUSAN.
(Mang Berting's POV)
Muli ko nananamng nakita ang duguang paslit.
SImula nang magtrabaho ako rito, nasaksihan ko na ang pagtanda ng paaralan na ito, lalo na ng likod na bahagi ng main building nito.
Nasaksihan ko na rin ang mga planong ayusin ang likod na bahagi ng paaralan.
Subalit sa tuwing may nabubuo silang plano, lagi nalang lumilitaw ang isang duguang paslit. At sa tuwing lilitaw ito, LAGI NA LAMANG MAY ISANG TAONG NAMAMATAY.
AT SA MULING PAGSULPOT NG BATANG PASLIT NGAYON, ALAM KONG MAY ISANG KAAWA-AWA NANAMANG ESTUDYANTE ANG MAWAWALAN NG BUHAY.

BINABASA MO ANG
Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}
TerrorAng dating isang istorya ng kababalaghan sa paaralan ay akin pang dadagdagan. Atin nang pasukin ang mundo ng kababalaghan sa mga paaralan sa... KILABOT SA MGA PAARALAN (A HORROR STORIES COLLECTION) Simula ngayon, this will be my compilation of every...