Kilabot sa mga Paaralan - Sanib Part 1 -

6.3K 58 9
                                    

Tagalog Horror Stories Collection 

Sanib Part 1

Written by PrinceRomance

( Clarissa's POV )

Marami ang nagsasabi na dating isang sementeryo ang paaralan namin..

Pero hindi ko iyon pinaniniwalaan..

Marami rin ang kwento-kwentog may mga ligaw na kaluluwang gumagala sa bawat parte ng campus namin..

Pero wala namang ebidensiya ehh..

So bakit ako maniniwala?

Pero lahat ng ito ay pinaniniwalaa ko na matapos ang isang pangyayaring gumimbal sa aking buhay..

November 15, 4:30 P.M..

Abala kaming lahat sa classroom namin dahil sa napakaraming pinagagaa sa amin ng aming mga teacher.

"RISSA pwede mo bang puntahan sila Jericha sa Deck?? Ang dami pa nilang dapat gawin pero wla pa silang nagagawa ehh."

"Pwede pakipuntahan nalang, hindi pa yu nakasara ngayon."

At dahil utos na iyon sa akin ng aming class president, wala na akong nagawa...

Palibhasa kasi mga takot na yung iba kong mga kaklase pumunta ngayon sa lumang building sa school kaya kapag may kailangan sila doon at hapon na, ako na ang inuutusan nila..

Paano ba naman, mga adik kasi yung mga kaklase ko ehh, takutin daw ba ang sarili na may mga multo raw dun sa old building..

Well, dahil no choice na rin ako at kailngan pa naming matapos yung project ng grupo namin, pumunta nalang ako doon..

Three years na rin akong dito nag-aaral at sa panahong iyon, wala pa namang masamang espirito ang nagtatangkang magpakita sa akin.. Hahahahaha, kinatakutan ata ako.. :))

Madilim na that time at patay ang mga ilaw sa building na iyon dahil hindi naman iyon masyadong ginagamit.. Pero dahil pasaway ang section namin, tinatambayan namin ang deck kapag hapon na, dito kasi tahimik ehh, paano wala nang nangangahas pang pumunta sa building na ito mag-isa..

Dumiretso na agad ako ng panik sa left side ng building, nakit ko kasing ayon nalang yung gate na bukas ehh, sa first floor may mga bukas pang room, siguro yung mga mababait na teacher na mahilig mag-overtime ang gumagamit noon..

Dahil sa madilim na nga sa hagdanan papunta sa deck, napilitan tuloy akong gamitin yung cellphone ko para may konti akong ilaw to see the stair baka mapatid pa ako..

Pagkaakyat ko sa Second Floor, nagulat ako dahil biglang lumamig yung paligid.. Ewan ko kung guni-guni ko lang, basta ang lamig tapos ang bigat sobra sa pakiramdam.. Pinagmasdan ko ang kahabaan ng corridor sa Second Floor, at napansin ko na may isang estudyanteng nakatayo sa right side ng building, pupuntahan ko sana kaya lang umakyat din..

Naisip ko tuloy na siguro nautusan lang iyon ng teacher kasi bawal nang pumunta ang mga estudyante rito maliban nalang kung pasaway kang tulad namin.. ^_^

Nagpatuloy nalang ako sa pag-akyat ko, pero pagdating ko sa Third Floor, nakita ko nanaman yung estudyante, naglalakad siya papunta sa left side, so it means na naglalakad siya papunta sa way ko..

Mas lalo ring bumigat ang pakiramdam ko noong nasa third floor na ako, nakaramdam ako ng kakaunting takot pero nanaig pa rin yung tapang ko kaya hindi ko nalang pinansin yung estudyanteng sinusundaan ata ang magandang si ako dito sa lumang building na ito..

Wala akong dapat ikatakot sa ungas na iyon no, mrunong kaya ako ng taekwando.. WAhahahaha!! Patay siya sa akin kapag pinagtripan niya ako.. ^_^

Umakyat nalang ulit ako, pero iba na ang pakiramdam ko, sa bawat hagdan na inaakyat ko, pakiramdam ko na parang mas lumalamig at bumibigat ang pakiramdam ko..

Nakaakyat ako sa Fourth floor pero pinagpapawisan na ako.. Ewan ko kung anong klaseng pakiramdam ko pero parang lumulobo ang ulo ko..

"AYYYYYY PAKSHET!!!"

Napasigaw ako, paano ba naman kasi eh nakakandado na yung gate dito sa left side paakyat sa deck.. No choice ako kundi gamitin ang middle or right side na gate sa building para makaakyat ako sa deck..

Hayyyyy buhayyy.. 

*PST*

May sumisitsit pero hindi ko pinansin, guni-guni ko lang ata ehh..

Kaya lang nakakaapat na hakbang palang ako papunta sa middle gate eh nagulat ako sa nakit ko..

May isa rin kasing babaeng papunta sa left side ng building.. Pero hindi ko maaninag yung mukha.. Ang haba kasi ng buhok niya at nakayuko siya, idagdag mo pa na medyo madilim..

..

..

Habang palapit nang palapit ang agwat namin sa isa't isa, parang unti-unti akong kinakapos sa paghinga.. Takte, ano bang nangyayari sa akin?? Bakit ako nagkakaganito??

..

..

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

Nang magkatapat kami ng babae, nakita ko ang mukha niya.. Biglang bumaligtad ang sikmura ko sa nakita ko.. Naaagnas na ang mukha ng babaeng kaharap ko at paulit-ulit niyang binabanggit ang mga katagang "VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

Sumigaw ako ng sumigaw, hindi ko na alam kung may makakarinig sa akin dito pero pinilit ko pa ring sumigaw.. Ramdam ko ang pagyapos sa akin ng babae, ang malayelong lamig na nakadikit sa aking balat..

Unti-unti ring namantsiyahan ang suot kong uniporme..

Umiiyak na ako, duguan ang mukha ng babae at para bang gustung-gusto niya ang dumikit sa akin..

Unti-unti na akong nawawalan ng ulirat subalit sinubukan kong lumaban.. Parang may kung anong enerhiya ang pilit na humihila ng ulirat ko, pero ininda ko ito kahit na hindi ko na kaya..

..

..

Sobra na akong natatakot, mamamatay na ba ako?? Tanong ko sa sarili ko pero sino ang sasagot?? Unti-unti na akong kinakapos sa hininga at sa ilang sandali na lang ay mawawalan na ako ng malay..

"TULUNGAN NIYO AKO!!!!!!" 

Pinilit ko pa ring sumigaw kahit na nauubusan na ako ng boses, pero wala pa ring tulong na dumarating...

"JERICHA, SOFIA TULUNGAN NIYO AKO!!"

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

"VECTIGAL CONIUNGERENTUR"

Sinulyapan ko ang babae at tulad pa rin ng dati patuloy pa rin siya sa pagbigkas ng mga salitang hindi ko maintindihan.. Hindi ko alam kung ano o sino siya, pero isa lang ang natitiyak ko..

ISA ITO SA MGA KABABALAGHANG HINDI KO PINANIWALAAN NOON!!!

LUMABAN AKO HANGGANG SA HULI, PERO HINDI KO NA TALAGA KINAYA... 

HANGGANG SA NAWALAN NALANG AKO NG MALAY.... 

Kilabot sa mga Paaralan (Horror Stories Collection) {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon